Dianne's POV
"THATS BULLSHIT! PAANONG PUMALPAK!?" galit na sigaw ko dito sa kaharap ko. Kakasampal ko lang dito at nakayuko na rin ito dahil sa kahihiyan.
"Pasensiya na po maam, hindi na po yun mauulit—"
"TALAGA LANG! DAHIL KAPAG NAULIT PA ITO, SISIGURADUHIN KO SA INYONG MAMAMATAY KAYO URA MISMO! " sabi ko naman saka ako lumabas dito sa hideout namin.
Nakakabwisit!
ARGH!
*phone rings*
Kinuha ko naman ito kaagad at sinagot.
"Yes." sabi ko dito sa tumatawag.
(Hindi mo kasalanan. Naging successful naman yun.) sagot nito at napanatag naman ako dun sa sinabi niya.
"Salamat."
(Pero Dianne, tumigil ka na. Itigil mo na 'to.) biglang sabi nito na ikinakulo naman agad ng dugo ko.
"ANONG TITIGIL!? HINDI AKO TITIGIL HANGGAT HINDI NABIBIGYANG HUSTISYA ANG PAGKAMATAY NG PAMILYA KO!" galit na sabi ko at ibababa ko na sana ito pero natigilan muna ako sa sinabi niya.
(Dianne, ayaw kong mapahamak ka. Mahal na mahal kita, di ba mahal mo naman ako? Di ba gagawin mo lahat para sa akin?... para sa atin diba? P-Pero b-bakit ka ba nagkakaganyan..?*sobs*) sabi niya at wala na akong ibang nagawa kundi ang ibaba ang tawag at napahagulhol na lang sa pag-iyak.
H-Hindi ko din a-alam. Gusto ko lang ipaghigante ang pamilya ko.
"AAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!! MAGBABAYAD KAYO!!!!"
Trevor's POV (Tristan)
Kakatapos lang namin sa pagkain dito sa cafe at naisipan na rin naming mubalik na sa dorm—na kasama si Jake, Vincent at Vernon.
Oo, may pag-uusapan daw kasi kami sabi ni Vernon. Hindi ako pumayag pero yung bobong babae namblockmail pa talaga, nakakabwisit. Kaya dun na talaga kami sa dorm namin.
"Ano? Galit ka? Galit ka?" pang-iinis ng babaeng 'to.
"Tahimik! Wag mo akong iniinis kundi babatukan na talaga kita!" pananakot ko naman sa kanya. Pero syempre, hindi yan matatakot. Kahit bobo yan, makapal din ang mukha niyan para ipamukha sa lahat na hindi siya weak.
"Oy Tristan, babae yan." bigla namang salita ni Vincent kaya sinamaan ko naman 'to ng tingin.
"Wag kang panggulo!" sabi ko sa kanya at saka ko na lang naisipang sumabay kay Vernon na nauuna sa aming maglakad ngayon sa dorm papunta sa elevator.
"Vernon, ano bang pumasok sa kukute mo ha?" sabi ko naman sa bwisit na 'to.
"Basta. Makakatulong ang dalawang yan sa pang iimbestiga kaya kinailangan ko silang idala dun. "
"Ewan ko sayo. " sabi ko naman sa kanya at pumasok na kami dito sa elevator at sumunod naman yung iba, sa kasamaang palad naman ay magkatabi pa kami nung bobong babaeng 'to.
"Wag ka ngang dumikit!" sabi ko naman sa kanya nung sumara na yung pinto at nagsimula na itong tumaas papunta sa kung saan yung dormroom namin.
"Ang OA MO! Jake, palit nga tayo." sabi niya at magpapalit na sana sila nang biglang kumilos ang kamay ko kaya napatigil siya sa pagkilos.
"Ano?!!" sabi niya kaya bumitaw naman ako kaagad at sabay nun ang pagpalit nang pwesto nila ni Jake.
Bakit ko ba nagawa yun? Tsk.
Napansin ko namang natatawa yung ibang kasama namin dito kaya naman sinamaan ko sila ng mga tingin at tumigil naman sila. Syempre, sino pa nga ba? Kundi sila Vernon , Jake at Vincent. Nakakainis.
BINABASA MO ANG
So Its you (Completed)
Mystery / Thriller[COMPLETED] "Don't wanna be Lonely. Just wanna be yours." "SO IT'S YOU" --- Date Started: March 29, 2018 Date Finished: June 10, 2018 Date Published: June 10, 2018 RePublished: January 18, 2019 NO TO PLAGIARISM. ⚠[UNEDITED] so there might be changes...