Cyril's Pov
"Tss." rinig kung sabi ni Tristan.matapos kung gamutin ang sugat nito sa mukha.
Ididiin ko na sana yung cotton buds na may alcohol sa sugat nito sa mukha nang maunahan niya ako at pinigilan.
"Ayos na ako. Tama na." sabi niya saka niya ako nilagpasan at pumunta doon sa harap ng laptop niya.
Tss.
Padabog ko namang inayos yung mga first aid na nadala ni Vincent kanina na bag na may lamang mga sandata. Pero may first aid kit at binalik ito sa loob.
"Cyril." natigil ako nang magsalita si Vincent sa tabi ko. Busy ang lahat maliban lang talaga sa aming dalawa.
Oo, pati si Senna busyng busy sa laptop nito. Kausap niya din sa earpiece niya yung mga tao na naiwan sa base namin. Including, Sakano.
"Bakit?" tanong ko sa kanya at inayos ang gamit saka ko siya tinignan.
"Salamat." sabi niya at ngumiti sa akin na ikinaweird ko naman. Problema nito?
"Salamat saan? Wala nga akong naiambag dito—"
"No no, hindi yan ang ibig kung sabihin." sabi niya kaya nagtaka na ako.
"Eh alin?" tanong ko sa kanya.
"Hyung." simpleng sabi niya at hindi ko alam pero biglangtumibok ang puso ko, out of nowhere.
Anong— HINDI MAAARI!
"Shut up." sabi ko sa kanya at pasimple naman akong tumingin kay Kuya at sa katabi nito. Medyo malayo kami sa kanilang pwesto kaya malabong marinig niya yung pag-uusap namin.
"So it's you, the whole time." sabi niya na ipinagtaka ko naman. Anong ibig niyang sabihin?
"Gago ka ba? Pwedeng straight to the point?" inis na sabi ko sa kanya kaya naman narinig ko siyang tumawa at napansin yun ang atensyon ni Kuya at kay Tristan pero inalis naman kaagad nila yung atensyon sa amin. Tss.
"Medyo magulo man isipin pero, mukhang tinagpo talaga kayo ni tadhana." sabi niya habng natatawa ng slight.
TUMATAWA? BALIW LANG. Nakakairita.
"Okay, aalis na ako—" sabi ko pero natigilan ako sa huling sinabi niya sa akin bago niya ako lagpasan with a smirk on his face.
"Hyung, Loves you." sabi niya at bago ko pa siya batukan at hampasin dahil sa kagaguhan nito ay naglakad na ito paalis papunta dun sa pwesto nung dalawa. At tsaka siya may binulong kay Kuya at natawa ito habang si Tristan naman tumingin sa akin na parang may masama akong ginawa sa araw na 'to—
"VINCENTTTTTTTT!!!!!!!!" Sigaw ko sa mokong na 'to bago ko siya sugurin ng sapatos ko.
WALANGHIYAAAAAAAA!!!!
Jake's Pov
"Manong, para." sabi ko at huminto naman kaagad yung jeep sa isang kanto at saka naman ako agad na bumaba at umalis din naman kaagad yung jeep.
Wala akong disguise pero kahit konti, walang nakakakilala sa akin ngayon. Nagdamit kasi ako na naaayon sa lugar, na magdadalawang isip ka talaga na isa akong artista o hindi.
At isa pa, ibang iba ang mukha ko kapag wala akong make up at hindi maayos ang buhok ko. May naririnig naman akong naghehello in korean language pero hindi nila alam, alam kung magtagalog. Tss.
Inikot ko muna ang tingin ko para malaman kung may nakasunod ba sa akin o wala. Good thing, wala pa naman.
Nagsimula na akong maglakad at nakasunod lang sa daloy ng mga tao. So nasaan ba ako ngayon? Nasa isang lugar, sa isang syudad.
BINABASA MO ANG
So Its you (Completed)
Mystery / Thriller[COMPLETED] "Don't wanna be Lonely. Just wanna be yours." "SO IT'S YOU" --- Date Started: March 29, 2018 Date Finished: June 10, 2018 Date Published: June 10, 2018 RePublished: January 18, 2019 NO TO PLAGIARISM. ⚠[UNEDITED] so there might be changes...
