24. The Suspect.

13 0 0
                                    

Vernon's POV

"Tapos na ako dito! Take this!" sabi ko nang matapos kung itali ang tatlong babaeng nagwawala kay Shownu at lumapit naman siya kaagad at hinila ang mga ito na parang sako papunta sa site para iipon ang lahat ng mga naapektuhan nung drugs.

"Sir, halos isang daan na ang nalipon natin at may iilan pang hindi natatagpuan. " sabi naman ni Hyungwon sa akin, Nakauniporme naman siya na katulad ng mga men in black ko kaya walang makakakilala sa kanila. Sila Shownu at Jooheon din ay nagpalit na din ng kagaya nang suot nito ngayon.

"Sigurado akong ang iba kung mga tauhan ay ginagawa na dapat na gawin. Si Cyril, nasaan?" tanong ko sa kanya.

"She's with... Trevor right now, sir. Which is paparating na dito sa pwesto natin. 6'o clock." sabi ni Hyungwon at saka ito umalis para kaya lumingon kaagad ako sa likuran at nakita ko nga silang dalawa na papalapit sa akin. Nasa disguise attire si Trevor kaya walang makakaagaw ng atensyon nito.

"Mister, anong nangyayari?" tanong ni Trevor sa akin.

"May naglagay ng ilang drugs sa mga inumin dito na nagbebenta sa mga stall. Huli na nang malaman naming hindi lang ang milktea ang naglalaman nun. May iba ding drinks at mukhang sinadya ang lahat ng 'to. " sagot ko sa kanya.

"How many are the victims?" tanong ni Cyril

"Almost 200 and mostly were from our university and some were from other schools and outsiders." sagot ko sa kanya. I saw Trevor let out a heavy sigh at tinignan siya.

"May problema ba?" tanong ko at nagsalita naman 'tong si Cyril.

"May hinala siya na baka ang demonyo ang may gawa nito." sabi niya sa akin at napakunot naman ang noo ko.

"Hindi ako bobo para hindi malamang dumating dito kanina yung Corazon na yun. " sabi ni Trevor.

"Paano mo nalaman?"

"I told him. Tinext ko siya bago ako pumunta dun sa opisina mo. Dahil alam kung may kutob siya sa nangyayari." sabi ni Cyril kaya medyo naguluhan naman ako sa pinagsasabi nito.

Close na sila?

"Kung ano man yang iniisip mo, nagkakamali ka. Alam na niya kung sino talaga ako and I also confonted her dahil dun sa nangyari kanina. At nalaman kung mahilig nga pala siyang magcombat... " sabi ni Trevor at tinignan ko naman si Cyril at nagrolyo lang ito ng mga mata.

"Whatever. Ikaw, paano mo nalusutan yung mga kasama mo kanina?"

"Wala ka na dun. Pumunta ako dito para malaman kung ano ang nangyayari. Tapos drugs lang pala." sabi ni Trevor

"Tsk. Hoy Tristan, umayos ka ah!" sabi naman ni Cyril

"Matagal nang maayos ang buhay ko , dumating ka lang talaga kaya nagkakagulo gulo na."

"Siraulo ka." sabi ni Cyril kay Trevor at natawa na lamang ako at magsasalita na sana para awatin sila dahil mukhang mag-aaway na naman ito nang may nagsalita sa earpiece ko.

"Sir, all were captured. Ang kailangan na lang ang antidote for this." sabi nang boses ni Minhyuk.

"Ok, Copy." sabi ko at tinignan ko naman ang dalawa

"May nangyari ba?" tanong ni Cyril.

"Yung antidote na lang ang kulang at magiging okay na ang mga batang yun." sabi ko kay Cyril at nakita ko naman ang pagpalagay ng loob nito.

Hindi ko naman maiwasang hindi tignan si Trevor at nakita ko naman ang pagtingin nito kay Cyril kaya umiwas na lang ako ng tingin.

Kunwari pa Trevor, patay ka talaga sa akin.

So Its you (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon