X. Senna.

14 0 0
                                    

CYRIL's POV

"Oy! umayos ka nga diyan!" saway ko kay Nerd na ngayon ay kanina pa nakasimangot habang nakatingin kami ngayon sa entablado at nagprapractice naman yung BTS dun.

Don't worry, medyo may kalayuan naman kami sa stage e ... dahil ayaw naman talaga nung manager na manood kami pero pinilit ko si Kuya na kumbinsihin yung manager at mabuti na lang napapayag niya yun nga lang.. sa malayo dapat kami.

Tapos eto namang si Nerd kanina pa nakabusangot yung mukha niya.

"Ano na naman bang problema mo!? " sabi niya sa akin.

"Bakit ba ang sungit sungit mo ha!? " sabi ko naman sa kanya pabalik.

Umiwas lang siya ng tingin at nagkibit balikat lang ako at pinanuod ulit yung BTS sa entablado..

At talagang kanina ko pa hinahanap si Min Suga pero.. wala e.

"Bakit kaya wala yun?" bulong ko sa sarili ko.

"Sino?" tanong naman ni Nerd.

Susumbatan ko na sana siya pero wag na lang at least kinakausap na niya ako ngayon..

at wala ako sa mood magsungit ngayon..

"Yung bias ko sa grupo." sabi ko sa kanya.

"Bias? wala ba diyan? " sabi niya sa akin habang nakatingin rin siya sa stage, naka cross arms at nakade quatro- ang yabang nga tignan e.

"Unfortunately, pito talaga sila pero sa tingin ko wala yung isa, si Min Suga Oppa. Sana naman di nagkasakit yun. " sabi ko sa kanya.

"Tss. Kung makapag alala ka parang nobyo mo yun a. At tsaka ano bang pinagkaiba nun sa mga dun?" sabi niya sabay turo niya saglit dun sa BTS.

"Ha? anong ibig mong sabihin?"

"Wala. Ano na lang.. kung ano ang nagustuhan mo sa grupong yan. " sbi niya sa akin.

"Tss. Mga lalaki talaga.. jinujudge niyo agad yung mga katulad nila. Well, nagustuhan ko sila because one of then reflexes my life.. and feel comfortable dahil sa kanila. I wished I had a group of friends like them, too. Pero alam mo naman diba about my family so its impossible na magkaroon ako ng ganyan karaming kaibigan." sabi ko sa kanya.

"Tss. Ang sabihin mo di ka lang marunong makipag kaibigan." sabi niya sa akin kaya hinampas ko siya sa braso

"BAKIT BA ANG SUNGIT SUNGIT MO!? HA!? KANINA KA PA A!" sabi ko sa kanya at pinaghahampas ko naman siya sa braso.

"Oy tama na yan." ?

Napatigil naman ako at tumingin dun sa nagsalita-

uhh. Sino naman 'to?

"who the hell are you?" sabi ko sa babaeng 'to.

Oo babae.. parang high school-

"Teka... pamilyar ang mukha mo a?" sabi niya at binitawan yung kamay ko at inilapit ang mukha niya kay Nerd.

Pero si Nerd? ganun pa rin yung reaksyon niya.

Blankong blanko.

"Ilayo mo ang mukha mo bago kita-"

"SENNA! HEY!" ??

Napalingon naman kaming tatlo sa sumigaw-

"Oppa! " biglang sigaw nung si Senna at niyakap niya si JIMIN ?

"Oppa! pasensiya na po at di ako nagsabi na pupunta ako dito- Si Kuya? Nasaan?" tanong nito kay Jimin at napatingin naman saglit si Jimin sa aming dalawa ni Nerd... tapos ay tinignan.niya ulit yung high schooler na si Senna.

So Its you (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon