Cyril's Pov
*tok*tok*
Napatingin naman ako sa pinto nang may kumatok dito. Sino pa bang ibang kasama ko dito? Tsk.
"Hoy! Mag-almusal ka na!" sigaw nito mula sa labas ng kwarto ko.
Napairap naman ako ng wala sa oras saka ko binalik yung binabasa kung libro dito. Kanina pa talaga akong gising, hindi na kasi ako makabalik sa pagtulog kaya ginawa ko na lang yung everyday routines ko.
Tumayo ako saka ko binuksan agad yung pinto at nakita ko naman yung halimaw.
"Kumain ka na dun. Matutulog na muna ako." sabi niya at papasok na sana ito sa pinto niya nang magsalita ako.
"K-Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya at nilingon naman niya ako at may kunot sa mukha nito.
Napansin ko naman agad yung band aid sa mukha nito. Aish, may kasalanan pa pala ako sa isang 'to a. Tss.
"Wag mo na akong alalahanin pa, kumain ka na lang dun. Masama ang pinaghihintay ang pagkain." sabi niya saka siya pumasok agad sa kwarto nito at sinara yung pinto.
Wala na rin akong nagawa kundi ang pumunta sa kusina at nakita doon yung sinabi niyang almusal.
Adobo, hotdog, ham at sunny side up na itlog.
Tss. Bakit naman ang dami nito? At isa pa, kailan pa may baboy siyang stock dito sa dorm? May adobo kasi.
"Bahala na, kakain na lamang ako." sabi ko saka ako kumuha ng plato at kanin dun sa rice cooker at saka nagsimulang kumain.
Pagkatapos ko namang kumain ay hinugasahan ko kaagad yung mga nakatambak na plato sa lababo.
Nauna na pala yung kumain e. Tss.
Pagkatapos ko namang maghugas ng pinggan ay tinakpan ko naman yung naiwang ulam sa mesa baka sakaling kakain pa yung isang yun e. Tss.
Babalik na sana ako sa kwarto nang may nagdoorbell kaya agad naman akong pumunta dun at binuksan ito saka ko nakita ang isang babae.
"Dianne!! AAAHH!! " sigaw ko kaagad at saka ko siya niyakap. Hahaha.
"Hahaha. Oo ako nga! Oy, kamusta? Pasensiya ka na ah? At hindi na tayo nagkikita. Busy ako e." sabi niya sa akin at naiintindihan ko naman yun. hahaha.
"Pumasok ka muna-"
"Ay naku hindi na, dumaan lang ako dito sayo para saka ibigay 'to sayo." sabi niya saka siya may ibinigay sa akin. Hindi ko alam pero bakit ako biglang kinabahan?
"Ano ba 'to? Malayo pa birthday ko ah." sabi ko sa kanya at tinatago ang kaba ko habang kinukuha ko yung regalo na bigay niya sa akin.
"Tss. Ewan ko nga din eh, hindi sa akin galing yan. Pinabibigay lang yan sayo, buksan mo lang daw yan ng ikaw lang. " sabi niya sa akin at tinignan ko naman ang mga mata ni Dianne.
Alam kung may mali pero bakit parang may mali sa kanya ngayon?
"Dianne, may problema ba?" sabi ko at hahawakan na sana siya sa balikat pero nabigla ako nang umatras siya kaya hindi ko siya nahawakan at nakita ko rin ang gulat sa mga mata nito.
"A-ah hahaha. Okay lang ako, ano ka ba naman. Sige, may gagawin pa kasi kami ng mga kagrupo ko sa klase eh. At tsaka, pumunta ka sa booth namin mamaya ah!? Hihihihi. Sige , Cy... bye~ see you later!" sabi niya at nagbeso sa akin bago siya umalis at naiwan akong tulala sa hangin.
Ngayon ko lang napansin, hindi nga pala niya ako niyakap pabalik. May problema kaya siya?
Vincent's POV

BINABASA MO ANG
So Its you (Completed)
Mystery / Thriller[COMPLETED] "Don't wanna be Lonely. Just wanna be yours." "SO IT'S YOU" --- Date Started: March 29, 2018 Date Finished: June 10, 2018 Date Published: June 10, 2018 RePublished: January 18, 2019 NO TO PLAGIARISM. ⚠[UNEDITED] so there might be changes...