Magic Shop.

11 1 0
                                        

Jake's POV

Lumabas na kami sa elevator at nadatnan namin sila Tristan at Vernon na— teka, nagsuntukan ba ang dalawang 'to!?

"Hey." maikiling bati ni Hyung sa amin habang pinupunasan niya yung dugo sa labi nito.

seryoso?

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Vernon na  may pasa rin sa mukha at sa may labi katulad nung kay Hyung. Mas malala nga lang kay Hyung kasi may sugat pa siya sa ilong nito. Tsk tsk.

"We are  here to report about the incident. Natagalan kami ng slight dahil may iilang tao ang humahabol sa amin habang papunta rito." salita ni Vincent sa tabi ko at inalis na rin niya yung mask at suot niyang black cap.

"Humahabol?" tanong ni Hyung habang kinuha niya sa akin yung laptop niya at binuksan ito.

"Some were fangirls but mostly it's from Lucas men." sagot ni Vincent at nakita ko namang nabahala si Mr. Montero at agad na nagsimulang maglakad papunta sa kung saan.

Tatanungin ko na sana kung saan yun pupunta pero nagsalita agd si Hyung at sumunod.

"It's Cyril." rinig kung sabi niya kaya naman sumunod na rin ako kasabay si Vincent.

Napunta naman kami sa isang room at saka kami pumasok and there we saw Mr. Gregory with Cyril—

"Anak ng—" sabi ni Vincent pero sinamaan ko kaagad siya ng tingin para hindi niya matapos ang sasabihin nito.

"What the heck are ypu two doing!?" inis na sambit ni Mr.  Montero dun sa dalawa at lumapit sa mesa at may kinuha sa ilalim nito at pinakita sa amin.

Yung laptop niya— a spare laptop?

"Lolo, suggested this kahit labag man sa kalooban ko dahil sa nangyayari, hindi ko kayang tumanggi when it comes to food, you know." salita ni Cyril at kumain ng munchkin habang kumakaon naman ng pizza si Mr. Gregory. Like, seryoso ba sila!?

"Don't worry. May para naman sa inyo. Here." sabi naman ni Mr. Gregory at may inilabas siyang limang box  ng  pizza at dalawang softdrinks— PUTA SERYOSO!?

"Old man, hindi ka nakakatulong." inis na sabi ni Tristan na ngayon ay seryosong nakatingin sa laptop nito na nakaupo.

And did he just say to Mr. Gregory, Old Man!?

ANONG NANGYAYARI!?

Hindi ba siya natatakot sa kanya? Siya na nga yung nagsabi saamin that this man is indeed dangerous! tapos, ganun ganun lang niya sasabihan yun?

"Jimin, did you somehow manipulated my system!?" natauhan ako sa biglang sabi ni Hyung at napalunok.

Holy shiznits! Nakalimutan kong i-close—

"I needed to contact my group for an assistment in Korea." sabi ko sa kanya at tumango lamang ito na ipinagtaka ko naman. WALA BA SIYANG BALAK MAGTANONG TUNGKOL KINA JIN HYUNG!?

"Hyung, sila Jin Hyung—" salita ni Vincet pero pinutol na siya kaagad ni Hyung.

"I know I know. I am trying to find them there from here." sabi niya kaya naman lumapit ako sa kanya na may pagtataka.

"Imposible yang ginagawa mo." sabi ko sa kanya pero tinignan lang niya ako saglit at itinuon agad ang atensyon niya sa ginagawa nito.

Tinignan ko naman si Cyril na ngayon ay kakatapos lang uminom ng Sprite in can at tsaka tinignan ako.

"Jake, umupo ka na lang. Let's wait for them to say and signaled us na pwede na tayong umatake." seryosong sabi ni Cyril sa akin na ikinakunot naman ng noo ko.

So Its you (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon