25. Old Man.

11 0 0
                                    

Korea.

Namjoon's POV

Katatapos lang naming kumain at napapansin ko rin ang tahimik na si Jin Hyung. Pagkatapos kasi niyang magluto at habang kumakain kami ay tahimik lang ito. Nakakapanibago nga eh.

"Hyung. May sakit ka ba?" tanong ni Jungkook sa kanya at napatingin naman sa kanya si Jin Hyung na ngayon ay naghuhugas ng pinggan. Kahit ngayon, nakakapanibago ang paghuhugas niya ng pinggan, kasi palagi niya yang inuutusan si JK na siya ang maghuhugas kaya naninibago ako sa inaasal niya ngayon.

Si Jhope pala pumunta muna sa pamilya niya at binisita kaya kaming tatlo lang ngayon ang naiwan dito sa loob.

"I am fine. " simpleng sagot lang nito at naramdaman ko namang magtatanong ulit si JK pero pinigilan ko siya at tinignan na 'umalis ka na muna' at mabuti na lang ay sinunod niya ito. Kaya naiwan ako dito na kasama si Jin Hyung na alam kung may mali talaga dito.

"Hyung, kung may problema ka man.You can talk to me here, right now." sabi ko sa kanya pero tinignan lamang niya ako at saka nagpatuloy sa paghuhugas ng pinggan.

Tumango tango na lamang ako dshil sa inaasta nito. Aalis na sana ako nang nilingon ko ulit siya at napakunot ang noo sa nakikita ko.

Teka, papaanong nagkaroon ng nunal ang likod ng leeg niya? Wala naman akong—

Damn! ayaw kung mataranta. Dapat 'to malaman ni Suga Hyung. At pati na rin si JK at Hope Hyung. Damn! Damn!
Vernon's POV

"Sir, eto na po yung pinapaggawa niyo po sa akin." sabi nung sekretarya ko nang makapasok ako ngayon dito sa opisina.

May urgent meeting daw kasi na magaganap at kinailangan ako sa meeting na iyon kaya inutusan ko kaagad ang sekretarya ko para sa magaganap na meeting at mga posibleng isangkot sa meeting mamaya.

Si Vincent nandun parin sa condo unit, nagpaalam naman ako sa kanya bago ako umalis. Wala naman akong prpblema sa isang yun kasi alam ko namang maaasahan ko iyon, pati na rin si Jake. Hindi naman ako bobo para hindi ko malaman ang totoong pangyayari ng mga buhay nila.

Dahil simula nung nakilala ko si Trevor ay nakilala ko ang mga kasamahan niya. Siya rin ang nagsabi ng mga iba pa nilang sikreto na walang nakakaalam. Pero ang tungkol sa kasamahan ni Trevor na may kakambal ay bago lang talaga namin nalaman yun.

"Sir, ikaw na lang daw yung hinahanap sa meeting." biglang salita nang sekretary ko at tumango ako at inayos ang suot kung coat at lumabas na sa opisina.

Pumunta naman ako kaagad sa elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang meeting room.

Dumiretso naman ako kaagad sa meeting room nang nakarating na ako. Kasama ko naman ang secretarya ko at saka kami pumasok sa loob.

Nakita ko naman ang ibang mga taong nakikita ko dito sa campus, pero karamihan kukhang sa ibang school pa ito. I wonder kung anong pagmemeetingan namin.

Umupo na ako sa isabg upuan na mukhang para sa akin at sa kasamaang palad naman ay katabi ko pa si Luces.

Yung secretary ko umupo naman un sa mga upuan para rin sa mga secretary.

Napansin ko rin na wala pa yung nagpapameeting sa amin. Tss.

Akala ko naman ako na lang talaga ang wala pa. Tsk.

"Bakit ka naman napatagal sa pagpunta rito, Mr. Montero." biglang salita ni Luces. Ayaw ko mang sagutin ito pero ayaw ko din namang maging masama sa mga tingin ng iba dito.

Tsk.

"May ginagawa lang ako." sabi ko sa kanya at kinuha ko yung mga papeles na binigay sa akin nung secretarya ko kanina.

So Its you (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon