Tristan's POV
Dinala ko siya agad dito sa dorm nang mahimatay siya kanina. At hanggang ngayon, hindi parin ito nagigising. Tss.
Nagluto na lang ako ng ramyeon dito sa loob at ska ko ito inilagay sa center table dito kung saan inihiga ko si Cyril. Ang bobo naman kasi.
Aalis na sana ako nang makita ko ang pag-kilos niya hanggang sa binuksan na niya ang kanyang mga mata at agad na napaupo.
"Ramyeon! " biglang salita nito na ikinatampal ko naman sa noo. At bago pa ako makareak ay kinain na niya agad ito kahit mainit init pa.
Gutom nga naman.
Bumalik ulit ako sa kusina at kumuha nang tubig at isinalin ko sa baso at tsaka bumalik dun sa salas at nilagay ko sa center table. Nakita ko naman siyang natigilan pero mayamaya ay nagpatuloy lang ito sa pagkain na ikinarolyo naman ng mata ko. Walang modo.
Umupo ako sa dulo nang inuupuan niya sabay pindot nang remote at tumunog naman ang speaker sa di kalayuan.
Napapikit naman ako nang marinig ko ang pinaghirapan kung kanta na muntik ko nang ikamatay dahil sa depresyon. Kapag binabalikan ko talaga ang mga araw na yun, di ko padin maisip na magiging ganito ang takbo ng buhay ko.
"Wow. Mahilig ka pala sa piano music, Sungit?" rinig kung sabi niya pero binalewala ko lamang dahil nagkokonsentrate ako ngayon sa tugtog.
And yes, wala pa siyang kanta kundi nasa piano music pa lamang ito. Isusunod ko pa ang recording ng kantang yan. Pag-iisipan ko muna ang mga lerics ng kanta—
"Sungit talga. Nga pala, salamat dito sa ramyeon. Nawala gutom ko eh. Hehe." sabi niya sa akin pero binalewala ko lang siya.
"Alam mo— ewan ko lang ah? May kahawig ka—"
"Tahimik. Wag mo na naman ipairal yang kabobohan ng bibig mo at tumahimik ka na lang. Natutulog ako dito." sabi ko sa kanya habang nakapikit pa rin. Sorry not sorry pero wala akong paki kung magalit siya—
"ANAK NG— ANO NA NAMAN BANG PROBLEMA MO!?." Biglang sigaw ko nang hampasin niya ako ng napakalakas sa braso na ikinagulat ko naman at hindi rin inaasahan. Sadista talaga to e. Bwisit.
"IKAW! IKAW ANG PROBLEMA DITO! NAGMAMAGANDANG LOOB NA NGA AKO DITO PERO ANG SUNGIT SUNGIT MO PA RIN! BWISIT KA!" sigaw niya pabalik sa akin.
"MAS NAKAKABWISIT KA! NAPAKABOBO MO KAYA NAWALAN KA NG MALAY DAHIL DIYAN SA KAKADADA MO! " Sigaw ko sa kanya pabalik at hinampas na naman niya ako sa braso.
"GRRR!!! SARAP MO TALAGANG SAKALIN ALAM MO.YUN!?" Nanggigigil na sambit nito sa akin.
"Gawin mo. Puro ka salita hindi mo naman—"
*Ding*Dong*
Natigilan ako at pati din siya nang may mag door bell sa pinto.
Napatingin naman ako sa oras at nalamang alas tres pa nang hapon.
Bwisita nga naman oh.
"Ako na." sabi niya at saka tumayo dala yung bowl na ginamit sa ramyeon kanina.
Tumayo na lang ako saka ko pinatay yung musika at pumunta sa kwarto. Magbibihis lang ako tapos mayamaya, aalis na naman. Tss.
At tatawagan ko muna yung bubwit na yun kanina. Tsk.
CYRIL's POV
Matapos kung inilagay yung bowl sa sink ay madali naman akong pumunta sa pinto at binuksan ito.
Nagulat ako nang makita ko kung sino ang nasa labas.
"Oy kayo pala. Pasok muna kayo." sabi ko at binuksan ang pinto para papasukin sila at nang pumasok na silang dalawa ay sinara ko naman agad ito.

BINABASA MO ANG
So Its you (Completed)
Misterio / Suspenso[COMPLETED] "Don't wanna be Lonely. Just wanna be yours." "SO IT'S YOU" --- Date Started: March 29, 2018 Date Finished: June 10, 2018 Date Published: June 10, 2018 RePublished: January 18, 2019 NO TO PLAGIARISM. ⚠[UNEDITED] so there might be changes...