Seventeen. MONSTAX

12 0 0
                                        

Meanwhile...
(at the krusty krab 😂 dejk lang hahaha)

Jooheon's POV

"Oh? Ano daw sabi?" tanong kaagad ni Hyungwon sa akin.

"Pupunta daw siya dito. Kaya ihanda niyo na lang yung sarili niyo sa mga natukalasan natin. " sabi ko sakanya at tsaka ako lumabas dito sa headquaters niya.

Hyungwon and Changkhyun o mas kilala nilang I.M ang nagmamaneho sa mga cctv's dahil bukod sa magagaling sila sa labanan, magaling din silang mang hack ng ilang illegal or private websites nang hindi nalalaman ng ilan.

Bumaba naman ako.kaagad sa hagdan at nakita ko naman yung iba kung samahan. Oo nga pala, itong headquarters namin ay isang abandonadong pasilidad noon at nasa tagong lugar din ito kaya walang nakakaalam na nandito kami.

"Oh, ano sabi?" sabi ni Wonho habang naglilinis ng mga baril at tinitesting kung gumagana pa ba ito o hindi para iwas aberya.

"Pupunta daw siya dito. Kaya kailangan nating sabihin sa kanya ang lahat ng nalalaman natin. " sabi ko sa kanya at dun sa dalawa pa. Si Shownu at Minhyuk na naglilinis din nung iba naming mga armas, kagaya ng mga shuriken at mga katana. Hindi lang kasi armas o mga baril ang meron kami.

Si Shownu at Wonho kasi yung mahilig gumawa ng mga sandata kagaya nang mga katana at shuriken habang si Minhyuk at ako naman yung magtetest kung ayos ba itong gamitin o hindi. Pero ang posisyon ni Minhyuk ay gumawa ng mga gadgets na magagamit namin sa grupo.Ay talent naman ako diyan pero hindi pareho ng utak ng isang yan.

"Si I.M, nasan?" tanong ko sa kanilang tatlo at nagkatinginan muna sila bago magsalita si Shownu.

"May pinuntahan siya saglit para ikumpirma yung detalyeng pwedeng maging sagot sa mga tanong natin." sabi nito na ikinakunot naman ng noo ko.

"Ano!? Bakit hinayaan niyo yun mag-isa?" sabi ko kaagad sakanila. Pahamak pa naman ang I.M na yun.

"Ano ka ba, aabangan din niya si Kihyun sa isang kanto para ipagbigay alam sa kanya yung natuklasan natin. Tapos, baka sabay na yung babalik dito." sabi naman ni Wonho at nagpatuloy sa paglilinis ng baril.

"O sige. " sabi ko naman saka ako naglakad pabalik sa sarili kung kwarto at nilock ito kaagad at bumungad agad sa akin ang limang screen at isang malaking flatscreen tv sa gitna nung lima para sa mga footage nang mga cctv sa lugar namin sa sa iba pang lugar.

Hindi ko naman talaga trabaho o posisyon ang maging eagle eye ng grupo pero nung nagsimulang umalis yung si Kihyun ay parang ako na rin ang tumatayong tagapangalaga ng silid na 'to.

Sa amin kasing anim na natitira dito, tanging ako lang yung nakalalampas sa security measure sa pinto. Hindi ito umaalarma.

Nakikita ko din sa isang screen ng computer ang mga codes at pinaggagawa ni Hyungwon sa headquarters nito o mas okay sigurong tawaging, kwarto.

Halos 24/7 kaming gising kapag may misyon kaming dapat na gawin, kagaya ng nangyayari ngayon sa buhay ni Kihyun. Sana nga lang at hindi pa umaaksyon ang kalaban dahil baka mas lalo lang kaming maguluhan sa mga nangyayari.

Vernon's POV

"Lintik talaga e!" biglang singhal ko dito sa loob ng kotse. Napatingin naman ako sa labas at saka ko sinabihan si manong na iliko niya sa iskinita.

Nang makarating na kami sa iskinita na iyon ay pinahinto ko naman kaagad yung kotse.

"Manong, hanggang dito na lang po. Salamat. Bumalik na lang po kayo sa mansyon. Sige." sabi ko saka ko tinakpan nang black mask ang mukha ko para walang makakakilala sa akin.

Nabg makalabas na ako sa kotse ay agad namang umalis ito at naiwan akong nakatayo dito. Nagbihis na ngapala ako ng damit. Yung hindi mo aakalaing ako talaga 'to.

Ilang segundo lang ay naglakad na ako paalis at maya maya lang may naramdaman akong presensya sa tabi ko at pasimple ko itong tinignan kung sino at doon ko nakita ang mukha ni I.M . Kahit na ang porma ng loko, alam kung siya parin 'to. Tsk.

"Mas nagmukha akong mayaman kesa sayo ah? hahaha" sabi niya at naiiling na lamang ako at tsaka kami sabay na lumiko sa isang tagong iskinita.

Nang makarating kami dun ay saka naman siya nagsalita ulit.

"Kumikilos na ang kalaban, Kihyun." sabi niya at di ko naman mapigilan ang hindi mapayukom ng kamao

"Alam ko." sabi ko sa kanya at napahinto naman siya sa paglalakad at tinignan ako nang hindi makapaniwala sa aking sinagot sa kanya.

"Alam mo? Papaano? Ang akala ko taympers ka muna sa ganito? " sabi niya sa akin at natawa naman ang ng saglit.

"I.M, nakakalimutan mo atang hindi ako Bobo? O baka nakalimutan mo lang?" sabi ko sa kanya at nakita ko naman ang pag-irap nito at saka natawa.

"Oo na, langya 'to. Alam mo bang miss na miss ka na nung grupo? Minsan ka na lang magparamdam e. Andami mo kasi.g drama sa buhay." sabi niya sa akin at babatukan ko na sana ito nang biglang tumunog ang celpon niya.

Sinagot niya ito kaagad pero binaba din agad.

"Gago ka ba? Bakit mo binabaan-"

"May lead na kung sino ang may kasalanan. Tara sa hq!" sabi niya at saka niya ako hinila paalis dito sa iskinita.

Haish.

About Cyril a while ago, pinatahan ko na siya kahit nasa telepono lang kami nag-uusap at saka ko siya kinumbinsi na wag na wag lalayo kay Tristan habang wala ako. Mabuti at hindi ito umangal kaya ayos na din.

May tiwala naman ako kay Tristan e, malaki din ang naitulong niya sa grupo namin. Siya nga ang kinikilalang leader namin pero panakip butas lamang siya sa totoong leader namin dahil kailangan niyang gawin yun para din sa kalagayan namin.

Oo, isa na si Tristan sa grupo namin. Pero hindi alam ng nakakarami yun dahil yung iba, ang alam ay si Shownu pero sa kalagayan namin ngayon, Si Tristan or a.k.a Trevor ang tumatayong genuis jajang man bongbong ng grupo. Nakakatawa man ang description niya, wala na siyang pakialam dun. Basta siya, ginagawa niya lang ang trabaho nito.

Wala man akong medyo alam sa background history nang mokong na iyon, alam kung ginagawa niya rin ang mga bagay na 'to dahil may gusto siyang maranasan at matuklasan.

Someone's Pov

"Is everthing fine now?" walang emosyon kung tanong sa kanang kamay ko ngayon.

"Yes,Master." sagot niya at saka ko siya pinalabas ng opisina ko.

Napangisi ako nang wala sa oras dahil umaayon ang mga plano na ginawa ko para manalo sa larong 'to.

Pagbabayaran nila ang kinuhang buhay sa buhay ko! IPAGHIHIGANTI KO SILANG LAHAT!

"AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." baliw na tawa ko dito sa aking silid.

At mamaya, may dadanak na dugo for a welcoming event sa aking pagbabalik! AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. *evil laugh*

-------

A/N.

Pagpasensyahan niyo na yung tawa ko sz story. Isipin niyo na lang na halkhak yan ng isang baliw. Na parang witch. Ganun. Hahaha.

By the way, Thank you sa pagbabasa.

Congratulation's nga pala sa BTS and ARMY around the world for the BBMAs for the second time ! 🎉🎉 We deserve this guys! Salamat sa pag support sa votings ARMY!

..and by the way, Congrats din kay Min Suga dahil isa na siyang ganap na Music Producer sa Korea!! 👏👏👏 Proud lalabs here! 😂😂.

~

So Its you (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon