Chapter 2

186 30 43
                                    

Sinuklay ko ang buhok ko habang naka tingin ako sa salamin. Kaylangan ko mag mukhang pogi, kasabay namin kakain mamaya si Camille. Medyo may halong kaba at excitment ako nadadama.

Hindi ko mapiglan ang sarili ko na mag practice isipan ko para sa mga sasabihin ko mamaya. Salamat kay Jam at rineto niya ako sakanya kung hindi niya siguro ginawa iyon for sure hindi ko naman siya kakausapin.

Tumunog ang cellphone ko na naka lapag sa aking cabinet. Itinaas ko ang cellphone ko para makita kung sino ang nag chat saakin. Si Jamella, sabay na tayo anya. Nag kabit balikat nalang ako atsaka ko binalikan ang pagiistyle ko sa buhok ko.

"Nak!" Sigaw ng aking mama mula sa pintuhan habang kumakatok.

"Oh?" Sigaw ko pabalik.

"Nandito sa Jamella sa baba."

Nanlaki ang mata ko sa gulat ng narinig ko ang sinabi ng mama ko. Tinignan ko ulit ang phone ko at meron nanaman ako bagong text, nandito na ako sainyo anya. Napa kamot nalang ako sa ulo. Bakit ba lagi nalang sumusuplot si Jam? Kala tulo'y ng mga parents ko syota ko siya. 

Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin aba ready na ako. Maayos na ang uniform ko, maayos na rin ang buhok at mabango na rin ang hininga ko.

"Oh nandiyan na pala siya." Anya ng mama ko, habang pababa ako papunta sa dining table.

Tumambad saakin si Jamella na naka upo sa dining table kausap ang ate at Mama ko. Napa buntong hininga nalang ako. 

"Oh buti nandito ka Jam." Sabi ko.

"Ay kumain kana ba nak?" Tanong naman niya kay Jam.

"Ay opo nag breakfast napo ako sa bahay, tita." Sagot niya, atsaka siya tumango.

"May sasabihin po pala ako, alam po ninyo yan si Ferds... may crush na po."

"Ayieee!" Pang aasar naman ng ate ko.

"Oh paano naman kayo?" Sabi naman ng mama ko.

"Ayy kayo po talaga tita." sagot niya habang mas lalo nag kukulay rosas ang mga pisgni niya.

Humagikgik ng malakas ang Mama ko nakakatawa pero nakaka iritang tawa. Hindi ko ba alam kung bakit nila ako iaano kay Jam eh hindi ba nila alam ang term na Best friend? At ito naman si Jam masyadong pa close kaya ito parang mag syota kami sa mga ginagawa niya. 

Pinulot ko ang bag ko na nakalat sa sahig atsaka ko ito pinalupot sa likod ko hindi ko kinaya ang kabuduyan na to kaya nag lakad nalang ako palabas ng bahay.

"Oy sabay na tayo." Sabi niya, atsaka siya tumayo sa upuan niya.

Tumigil ako para hintayin siya. Humarap muna siya sa ate ko, atsaka sila nag beso. "Sige ate, see you later nalang."

"Sige ganda." Sabi naman ng ate ko.

"Sige po tita." Atsaka siya nakipag beso sa Mama ko. 

. "Tara na." Utos niya saakin habang naka palupot ang kamay niya sa braso ko.

"Bakit ka nandito?" Pabulong ko sinabi sakanya.

"Bakit ba? Close naman ako sa mommy mo eh atsaka matagal ko na rin sila hindi nakikita no." 

Kumalas ako sa hawak niya at inayos ko ang uniform ko, "Wag kang magulo. Baka malukot tong uniform ko."

Tinignan niya ako mula ulo hangang paa, "Parang may something sayo ha." Anya, habang siya ay naka ngis-ngis.

"Oo kasi lalabas tayo mamaya ni Camille diba?"

Tumango muna siya bago sumagot "Ah oo nga pala anyways--"

Na fall ang Torpedo! #KingsManAA2017 #AlphaKnight2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon