"Ano gusto mo nanaman matalalo?" Pag mamayabang ko.
Madalas pag nag lalaro kami ni Axel sa bahay niya ng NBA parati siyang talo saakin. Hindi naman sa nag mamayabang pero sadyang isa ako sa mga pinaka magaling.
"Ayoko na tang ina." Aniya, saka niya binagsak ang controller sa sahig.
Humalakhak nalang ako ng malakas nanalo nanaman ako ng bente pesos sa laban namin. Mukhang marami pa siyang dapat matutunan.
"Bobo ka kasi practice kapa."
"Gago suntukan nalang oh." Aniya habang naka ngisi.
Tumayo at akmang susuntukin ko na sana siya ngunit nag tawanan lang kami. Linabas ko ang cellphone ko para i-text si Jamella. Naka rating na daw siya sa University, gusto ko siya panoorin sumayaw pero nahihiya ako bumalik.
"Hindi kaba papasok?" Tanong ko sakanya.
Pumiling siya, "Wala akong gana."
"Kamusta pala kayo ni Camille?"
Nag buntong hininga nalang siya, bumakas sa mukha niya ang pag aalala.
"Di ko nga alam eh. Hindi ko alam paano ko sasabihin sa parents ko ang nangyari."
"Libog mo kasi."
Nag kabit balikat lang siya, "Oh ikaw kamusta kayo ni Jamella?"
"Masaya, okay lang." Sagot ko.
"Hindi ako makapaniwala na nag ka syota kanarin eh pag sa mga babae ikaw ang pinaka bobo." Aniya saka siya tumawa ng malakas.
Binigyan ko nalang siya ng middle finger habang pinag tatawanan niya ako.
"Oh paano naman si Trish?"
Nag kabit balikat ako sa tanong niya.
"Gago gusto ka ni Trish halata naman sakanya, mahilig lang yung mag pa libre sa mga manliligaw niya ikaw palamang ang naka pasok sa bahay niya."
Tinignan ko siya alam ko may gusto saakin si Trish pero mas mahal ko si Jam.
"Mas mahal ko si Jam bro."
"Kung ako nalang sana gusto ni Trish, solve solve na ako." Anya atsaka siya naka ngisi.
"Baka umalis na ako dito sa Manila gusto nila ako umuwi sa Pampanga." Singit ko.
"Talaga? Shit mas mabuti nga siguro kung aalis ka muna dito. Masyado kana pinag iinitan ng mga tropa tingin nila iniwan mo si Denzy sa ere' at lumalayo kana daw dahil sa isang babae."
Napa piling nalang ako sa sinabi niya, wala naman ako pakelam sa mga tropa ko.
"Laro nalang tayo puta."
Sa gitna ng aming pag lalaro bigla ako naka recieve ng text kay Jamella.
Jamella: ferds tulungan mo ako dito sa may burgos st malapit sa school.
Napa tayo kaagad ako sa text niya, shit ano nangyayari?!
"Napano--"
"Bilisan mo kaylangan daw ni Jam ng tulong."
Nag madali ako lumabas at sumakay sa motor ni Axel. Mabilis ko ito pinandar papunta kung nasaan si Jamella, kumakabog ang dib-dib ko.
Mabilis na nahagip ng aking mga mata si Jamella pinapaigutan siya ng mga tropa ko at naka kapit si Katie sa buhok niya at mukhang kinakadlad niya si Jam. Fuck, isa panaman si Katie sa mga pinaka marunong makipag away sa mga babae dito sigurado ako napuruhan na si Jam.
BINABASA MO ANG
Na fall ang Torpedo! #KingsManAA2017 #AlphaKnight2017
Teen FictionJohn Federico Dela Cruz, isang mabait at matapang na lalaki ngunit isang torpe. Everything was perfect and normal, until he unexpectedly falls in love to a woman who he never expected to ever fall inlove with. His life began to spiral out of contr...