Chapter 19

50 6 0
                                    

A/N: Please leave a comment if you like this chapter and don't forget to vote. Maraming salamat :) 

Jamella

Kainis! Ako pa ngayon ang may kasalanan? Eh samantalang concerned lang naman ako sakanya. Bakit ba kasi naging close sila ni Trisha! Eh ang sama kaya ng ugali niya. Nakaka inis talaga!

Napapa mura nalang ako sa sobrang galit habang inaayos ko ang mga damit ko sa kama, hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Pag ka tapos nang lahat ng ginawa ko para sakanya! Ganyan lang ang isusukli niya? Kainis!

"Hoy, walang kasalanan ang mga damit sa galit mo babae." 

Napa lingon ako sa nag salita, si Ate Kim.

"Ay nandiyan ka pala ate Kim." 

"Napano, okay kalang? High blood ka ata ha." Sabi niya, saka niya pinatong ang kamay niya sa shoulder ko.

"Okay lang ako." Kahit hindi.

"Nag away kayo no?" 

Tumango ako sa tanong niya. Huminga ako ng malalim, hindi parin ako makapaniwala sa ginawa ni Ferds. Mas pinili niya pa ang slut nayun kesa saakin.

"Alam mo Jam pag pasensyahan mo na ang kapatid ko."

Umupo kami sa kama, naka hawak siya sa kamay ko habang nag kaka titigan kami, "Alam mo nag papasalamat ako sayo. Dahil sayo nag bago si Ferds, mag simula noong binusted mo siya at naging mag best friend kayo. Nag bago siya."

Tumango tango ako, medyo gumaan ang loob ko dahil meron pala nakaka appreciate sa ginawa ko para kay Ferds. 

"Kaya please stick with him okay? You're the only who's keeping him strong. Alam ko yan." 

Totoo ba ang sinabi niya? Ako lang ba talaga ang nag papa tatag sakanya? Hmm, kung iisipin tama naman siya. Pero nasasaktan din ako, tao rin ako lalo na yung busit na Trisha nayun alam ko I knew it una palang ang malagkit niya na tingin at ang mga diskarte niyang bulok. 

"Yes ate, thank you po." 

Binigyan niya ako ng ngiti bago siya tumayo, "Kain ka na. Nag luto ako." 

"Sige, ate." 

Tumayo din ako at sinundan ko siya, naka upo din si Alice sa mesa naka taas ang paa niya at busy siya sa pag ce-cellphone niya. Ang ganda ng cellphone niya, Iphone 7 ata. Tapos ang ganda ng mukha niya pati ang buhok niya and look at her ear rings halatang pang mayaman.

Nakaka insecure talaga siya actually silang dalawa nakaka insecure pero mas na iinsecure ako kay Al maybe dahil kasiing edad ko lang siya.

"Al, ibaba mo nga ang paa mo." Utos ni Ate Kim.

Binaba niya ang paa niya pero tutok parin siya sa cellphone, "Wala ba si Tita or si Tito?" Tanong niya.

Pumiling si Ate Kim, "Wala, umalis." 

Linapag ni Ate ang plato ng kanin sa mesa pati narin ang masarap na Adobo. Mukhang mas masarap pa ang Adobo niya kesa saakin.

"Oh Ferds kain kana." 

Napa lingon ako sa likuran ko, parating si Ferds pero hindi niya ako pinapansin. Edi wag! So what kung hindi niya ako papansinin, hindi ko rin siya papansinin. Siya pa ang malakas na loob na magalit saakin eh samantalang ako lang naman itong nag mamalasakit sakanya. Sus! Anong klasing pag iisip yan kainis.

Patago ko siyang pinag mamasdan, kumuha siya ng plato at umupo sa tabi ni Al halatang umiiwas siya ng tingin. Ganyan pala ha pwes! Sige, panindigan mo yan busit kang lalaki ka. 

Na fall ang Torpedo! #KingsManAA2017 #AlphaKnight2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon