Chapter 3

107 26 36
                                    

"Ayus lang saakin ano kaba sus." 

Napa kamot ako sa ulo, hindi naman kaylangan ng permiso ni Jam. Pero shit, pupunta siya sa bahay bukas? Eh hindi ko nga siya maka usap ng maayos. 

"So uhh..." Sabay kamot sa pisgni ko, "Ano trahabo ng daddy mo?" Tanong ko kay Camille.

Tinignan ako ni Camille at ngumiti siya bago sumagot,

 "Isa siyang businessman."  

"Ikaw?" Tanong niya pabalik.

"Ahh... eh... walang permante trahabo tatay ko, nag papa rent a van lang kami." 

Napa kamot nanaman ako sa ulo, medyo nahiya ako... Mukhang mayaman itong si Camille at dukha lang ako, baka hindi niya magustuhan ang bahay ko kapag nakita niya at ma turn off lang siya.

"Sure kaba bukas gusto mo talaga sumama?"

Ngumiti ulit siya saakin bago sumagot, "Bakit ayaw mo ba ako pumunta?" 

"Hindi naman kaso uhh... kasi hindi ganoon kalakihan yung--" 

"Aray!" Biglang sumigaw si Jamella. Tinignan ko siya at mukhang napaso siya sa linuluto niya. 

Linapitan ko siya kagad, "Ano bayan. Hindi ka kasi nag iingat." Sabi ko, atsaka ko tinignan ang paso niya sa daliri. 

"Ako nalang dito." Sabi ko sakanya. 

Napa iling nalang ako, minsan talaga may pag ka lampa itong si Jamella.

"Okay lang?" Tanong ni Camille, ang hin-hin talaga ng boses niya. 

"Tignan ko." Anya saka niya hinawakan ang kamay ni Jamella. 

Parang naiingit ko, ipaso ko rin kaya ang kamay ko para hawakin niya rin? 

Tinuloy ko ang linuluto kong pork sa lutuan, mayat maya naluto na ang pork atsaka ko ito linagay sa isang plato at linapag sa lamesa. Nag salo-salo na kami.

Pinanood ko si Camille at parang hindi niya alam ang gagawin, "Kumain kana ba sa ganitong resto?" Tanong ko sakanya.

Pumiling siya at naka nguso siya ang cute niya solid. "Ganito lang yan." 

"Una, kumuha ka ng pork tapos lagyan mo muna ng sauce. Tapos ilagay mo sa lettuce atsaka mo ibalot." 

Tumango siya at mabilis naman siya naka pick up, pinag masdan ko siya habang kumakain siya. Ang hinhin niya talaga, parang princesa siya kung gumalaw. 

"Paki abot nga yon." Sabi ni Jamella sabay turo sa mga malilit na potatos sa harapan ko. 

Tinaas ko ang maliit na bowl ngunit bigla ko nasagi ang isang baso at muntikan ito natapon kay Camille buti nalang nasapo niya kagad. Tumawa lang siya, at parang nahiya ako sa tawa niya. 

"Chill kalang." Anya pagkatapos niyang humalakhak. 

"Sorry." Sabi ko naman.

Inabot ko kay Jamella ang maliit na bowl.

"Salamat." Sabi niya.

"Mag ingat ka baka may masagi kananaman." Sabi niya atsaka siya tumawa.

"Alam mo mahilig itong si Ferds sa mga video games." Sabi ni Jam habang may laman ang bunga-nga niya.

"Ah ganun ba... ako naman mahilig ako sa mga libro." 

"Wow, ano yung mga binabasa mo?" Tanong ko sakanya.

"Mga Romance na novels..."

"Parang Fifty shades ganoon?" 

Tumawa siya ng malakas, first time ko makita siyang tumawa at mas lalo ako na in love. 

Na fall ang Torpedo! #KingsManAA2017 #AlphaKnight2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon