Chapter 15

60 11 1
                                    

Nag mistulang gripo ang bunga-nga ni Jamella sa kaka suka. Hinahaplos ko ang likuran niya habang tuloy tuloy ang pag buhos  mula sa bunga-nga niya. 

"Okay kalang?" Tanong ko sakanya. 

Tumigil na siya sa pag susuka, dumarecho siya ng upo. Tumango siya ng marahan saakin. 

"Dapat siguro itulog mo na yan." Utos ko sakanya.

Pumiling siya, "Ayoko... ayoko matulog..." Anya.

"Kaylangan mo na matulog lasing kana." Pag didiin ko sakanya. 

Humawak siya sa damit ko atsaka niya ako tinitigan sa mata, "Para ano? Para... para ma solo ka ni Trish?" 

Laking gulat ko sa sinabi niya, para ma solo ako ni Trish? Saan naman nag mula yun. Napa kamot ako sa ulo sa sinabi niya, binalot kami ng panandalian na katahimkan.

"Lasing ka nga." Pabiro ko sinabi.

Bigla siyang lumapit saakin at tinangka niya akong halikan sa labi, umatras ako para iwasan siya. Ayoko humalik ng lasing, napa sandal siya saakin habang tumatawa. 

"Bakit ayaw mo?" Anya, habang tumatawa.

Naka nguso siya saakin, "Hindi ba sinabi mo ako ang pinaka maganda na babae sa balat ng lupa? Sige nga patunayan mo..." Anya, atsaka niya dahan dahan binababa ang suot niyang Overalls. 

Hinawakan ko kagad ang kamay niya para pigilan siya, tumawa siya ulit at sinandal ang ulo niya sa dibdib ko. Nasusuka nanaman siya, tumalikod kaagad siya at sumuka nanaman sa samento. 

"Ano nangyayari?" Anya ni Trish na bigla nalang nasa harap namin.

Pinag masdan ko si Trish, namumula na siya pero mukhang hindi pa siya ganoon kalasing. May bakas din ng pag ka gulat ang mukha siguro dahil naka upo kami sa samento. 

"Ako na bahala kay Jam." Sabi niya, atsaka siya dumapa at hinaplos din ang likod ni Jam.

Biglang tumingala si Jam at nag ka titigan sila ni Trish. Napa taas ang kilay ni Trish habang nag kaka stare down sila.

"Akin lang si Ferds..." Bulong ni Jam. 

Bumilog ang mata ni Trish sa sinabi niya napa kagat siya sa labi bago sumagot, "Edi sayong sayo na. Wag ka ngang O.A diya, sus." Irita niyang pag bigkas.

Tutulungan na sana siya ni Trish pero hinawe niya ang kamay niya, "Hindi ko kaylangan ng tulong mo." Marahas na pag bitaw ni Jam atsaka siya dahan dahan tumayo.

Nag ka palitan kami ng tingin ni Trish, mukhang naiirita siya inaasal ni Jam. Hindi ko rin naman alam if OA lang talaga si Jam or lasing na talaga siya pero alam ko na hindi naman talaga siya umiinom.

"Bahala ka diyan." Galit na pag bigkas ni Trish bago siya tumalikod at nag lakad pabalik sa bahay. 

Muntikan pa madapa si Jam sa pag ka tayo niya, humawak kaagad ako sakanya at sinuportohan ko siya. Pinalupot ko ang kamay ko sa braso niya para hindi siya tuluyan na mahulog.

Dinala ko na siya sa kwarto niya, binababa ko na sana siya sa higaan niya ng bigla niya akong hilahin pababa kasama siya.  Natumba kami sa higaan, naka patong siya saakin. Tumingala ako at tinitigan ko ang mata niya.

Gumilis ang ngisi sa mga labi niya, kumalas kaagad ako at dumarecho ng upo sa kama. Lasing na lasing na talaga siya...

"Ferds... saan ka pupunta." Anya, atsaka niya hinawakan ang dulo ng damit ko at marahan ito hinila.

Humarap ako sakanya atsaka ko siya tinuka sa sa labi at bigla siyang napa tigil habang kukulay rosas ang mga pisgni niya.

"Matulog kana..." Mahinhin na bulong ko sakanya, atsaka ko siya hinalikan ulit sa noo.

Na fall ang Torpedo! #KingsManAA2017 #AlphaKnight2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon