Chapter 8

73 17 11
                                    


Nakarating na ako sa bahay ni Jamella,  May dala rin ako mga pagkain at chocolate, halos ata kalahati ng allowance ko dito napunta pero okay lang kesa naman sa hindi ako matulog sa kaka isip sa kalagayan niya. 

Best friend ko si Jamella parati kami mag kasama ever since second year kami kahit na busted ako sakanya noon, pero dahil sa nangyari na pag busted niya saakin mas lalo tumibay ang aming pag kakaibigan at pag katapos noon ay parati na kami mag kasama at nag tutulungan kapag may problema kami.

"Ay nak, buti nandito ka. Pasok ka." Anya pag ka bukas niya ng pintuhan.

Pinag masdan ko ang mama niya, ang ganda niya kamukha niya si Jamella ang mala morena niyang balat at ang maamo niyang mukha ang lahi ni;a siguro ay nag mula sa mga pinaka magandang Filipina dito sa Pilipinas... damn focus Ferds! Nandito ka para tulungan si Jamella hindi para mag muni-muni at mag isip ng mga walang kwentang bagay.

"Ay sige po." Sabi ko naman atsaka ako nag mano sakanya bago pumasok sa bahay.

Pinag masdan ko ang loob ng bahay mukhang walang tao at hindi ko masilayan si Jam.

"Nasa kwarto si Jam, puntahan mo. Kanina pa niya ayaw lumabas."

Tumango ako sa Mama, at dumarecho ako sa kwarto niya. Kumatok ako ng isang beses at sumalabong kagad saakin ang isang malakas na pag sigaw, "Ayoko nga lumabas bakit ba ang kulit kulit mo!"

Atsaka ako naka rinig ng isang malakas na dagundong mula sa kwarto niya.

"Ako to, Jam." Sabi ko atsaka ako kumatok ulit ng marahan.

Napa lingon ako sa nanay niya na naka tayo sa likuran ko, nakita ko ang bakas ng pag aalala at lungkot sa mukha niya. Sinubukan ko ngumiti sakanya at sinuklian naman niya ito, ibinalik ko ang tingin ko sa pintuhan.

Dahan dahan bumukas ang pintuhan at nakita ko na dumungaw ng konti si Jamella mula sa kwarto niya, sinenyasan niya ako na pumasok ako.

Pumasok ako sa kwarto niya at agad niya naman ito sinara at linock, pinag masdan ko siya at kitang kita sa mukha niya na kaka galing lang siya sa pag iyak, magulo rin ang buhok niya at naka pajama at sando lang siya.

"Bakit ka nandito..." Marahas niyang tanong.

"Gusto ko bumisita, hindi ka kasi pumasok. May dala ako pagkain."

Hindi niya ako sinagot at tumalikod lang siya atsaka siya umupo sa dulo ng kama niya. Umupo rin ako sa tabi niya atsaka ko linapag ang dala ko pagkain.

Sinubukan niyang ngumiti ngunit kitang kita ang bakas ng pag ka lungkot sa mukha niya.

"Napano Jam?"

Tanong ko sakanya, atsaka ko siya hinawakan sa kamay at nag interlock ang amin mga daliri. Sumandal siya sa balikat ko, at nag umpisa nanaman siya umiyak. Pinalupot ko ang braso ko sakanya.

"Si--si... da-da-da-dy... umalis na siya..."

Biglang bumuhos ang luha niya sa balikat ko at tuloy parin siya sa pag iyak, nakahawak siya sa damit ko at naramdaman ko ang pag higpit ng hawak niya.

"Da-da-dahil... dahil sa babae nayan kaya umalis si daddy..."

Tuloy parin ang buhos ng emotion niya saakin, hinaplos ko ang braso niya habang umiiyak siya.

"Ano gusto mo gawin?" Marahan na tanong ko sakanya.

Tumingin siya saakin at tumitig sa mata ko, mas hinigpitan niya ang hawak niya. "Gusto ko umalis dito. Gusto ko iwan si Mommy, gusto ko lumayas. Kahit saan man ako pumunta, kahit sainyo please, please, please nag mamaakawa ako sayo."

Na fall ang Torpedo! #KingsManAA2017 #AlphaKnight2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon