Chapter 28

23 3 0
                                    

"Ready naba?" Sigaw ni papa.

Itinaas ko ang malleta ni Jam papunta sa likod ng van atsaka ko isinara ang trunk. Sumenyas ako sa Papa ko na nasa driver seat.

"Ready kana?" Tanong ko kay Jam.

Tumango siya ng marahan bakas sa mukha niya ang pag ka lungkot. Naawa ako sa kalagayan namin at gusto ko mag sama kami pero para ito sa ikakabuti ng lahat. Pag iinitan lang siya dito at kung mag tatanan man kami ay hindi mag tatagal mahahanap rin kami at hindi ko rin siya kayang buhayin.

Binuksan ko ang pintuhan ng van para sakanya, bahagya siyang tumapak papasok. Umupo kami sa may likuran habang si Axel at si Camella naman ay nasa harapan ng van at si Mama ay naya sa front seat. Hindi sumama ang mama niya dahil ayaw niya daw siya isama. 

"Baka ma late tayo, bilisan nanatin." Utas ni Papa.

"Sana nga ma late tayo..." Bulong naman ni Jam.

Nakapag book na kaagad ang Papa ni Jam ng flight papunta Cebu.

"Tito wag mo masyado bilisan." Ani Jam.

Nasa gitna na kami ng biyahe at medyo na traffic kami natutulog si Axel at si Camella dahil gabi na rin ang flight niya kasi ay twelve o' clock ng gabi. Pinasdahan ko siya ng tingin at mulat na mulat ang kanyang mga mata at walang bakas ng antok ang makikita sakanya.

"Hindi kaba inaantok? Gisingin nalang kita mamaya." 

Pumiling siya, "Ayoko matulog. Ayoko mag sayang ng oras na kasama ka." Aniya habang naka hawak sa kamay ko.

Hindi ko mapigilan ang pag daing ng aking puso sa mga sinabi niya, ramdam ko ang mga luha na gustong maka takas sa gilid ng mga mata ko. Parang gusto ko na rin mag back out pag ka kita ko sa NAIA ngayon ko palang naalala ang lahat ng mga pinag samahan naming dalawa sa maraming taon na parati kami mag kasama.

"Ferds kunin mo ito." Atsaka niya linabas ang wallet niya.

Sa una kala ko bibigyan niya ako ng pera ngunit ang binigay niya pala saakin ay isang larawan. Pinag masdan ko mabuti ang larawan.

"Naaala mo paba? Noong nag pa picture tayo sa may favorite mo na Video game store." 

Bigla ko naalala noong time na hindi ko pansin ang pag mamahal niya saakin. Ang suplado ng mukha ko habang siya todo naman sa ngiti. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na umiyak tumakas na ang mga luha na matagal ko na tinatago.

Sumingap muna ako bago mag salita, "I love you..." Tahimik ko na pag bigkas.

"I love you too." Aniya atsaka rin siya tuluyan umiyak.

"Hihintayin kita... mag usap tayo araw araw sa Skype, sa text okay?"

Tumango siya sa sinabi ko habang umiiyak, naka rating na kami sa harap ng airport. Nagising rin sina Axel at Camella.

"Mami-miss kita..." Iyak ni Camella habang nasa labas kami ng van.

Nag yakapan sila ng mahigpit. Tikom lang ang bibig ni Axel pero nakipag yakapan rin siya kay Jamella. Yumakap rin ako sakanya ng sobrang higpit.

Intercom: Flights from Manila to Cebu please board now.

"Kaylangan muna umalis." 

Mahigpit parin ang yakap niya saakin ramdam ko ang pag patak ng mga luha niya. 

"Jam... kaylangan muna umalis." Marahan ko sinabi atsaka ko siya bagahya itunulak para tignan sa mata.

"Kaya natin ito... hihintayin kita." Bulong ko sabay halik sa kanyang malambot at maalat na labi dahil sa luha niya.

Na fall ang Torpedo! #KingsManAA2017 #AlphaKnight2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon