"Ito oh." Sabay abot ng panyo sakanya.
Bahagya niya pinunasan ang mga mata niya bago siya nag salita, "Ferds, promise mo ba na hindi mag iiba ang tingin mo saakin?"
Tumitig ako sakanya, kukumpas ang puso ko parang kinakabahan ako sa sasabihin niya. Tumango ako ng marahan sakanya, "Oo naman." Tiyak ko na sagot.
Huminga siya ng malalim bago mag salita, "Sorry kung ganito ako Ferds..."
Tumalikod siya saakin at itinaas niya ang damit niya, tumambad saakin ang isang marka na para bang nalatiko siya. Hindi ito sariwa, ibig sabihin matagal na.
Inabot ko ang damit niya at dahan dahan ko ito ibinaba. Tumalikod siya saakin at tuluyan na bumuhos ang luha niya naka dama ako ng awa sakanya kaya pala noon minsan ganoon nalang siya makapag react.
Hindi niya mapigilan ang iyak niya lumapit ako sakanya at hinila ko siya papunta saakin, ramdam ko ang mahigpit niya na yakap at ang pag iyak niya. Hinaplos ko ang likod niya, habang tuloy tuloy lang siya sa pag iyak.
"Wag ka na umiyak." Bulong ko sakanya, "Nandito lang ako para sayo." Sunod ko sinabi.
Tumahan siya sa pag iyak, umatras siya ng konti para tignan ako sa mata. Nag ka titigan kami, "Salamat Ferds... salamat dahil nandito ka..." Anya, habang pumapatak ang luha niya.
Alam ko siya lamang mag isa sa buhay niya wala din ang daddy at mama niya. Ako lamang ang ka isa isang tao na pinag kakatiwalaan niya, alam ko yun.
Yumakap ulit siya ng mahigpit, tinulungan ko siyang tumayo. "Pagod kana, matulog kanalang muna. Babalik ako bukas." Bulong ko sakanya, habang naka hawak ako sa balikat niya.
Pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang daliri ko, "Maganda ka, hindi ka dapat umiiyak." Bulong ko ulit sakanya.
Tumango tango siya saakin habang gumugilis ang isang pilit na ngiti sa mga labi niya, hinalikan ko siya sa noo.
"Balik ka ha?" Anya, habang naka hawak siya sa pintuhan. Tumango ako sakanya, ngumiti siya ulit at tuluyan na pumasok.
Ganoon pala ang nakaraan ni Trish, nakaka ramdam ako ng awa sa kalagayan niya ayaw ko na malaman ang mga detalye pero base sa marka na nakita ko... alam ko na kung bakit ganoon siya. Nag lakad ako sa bahay at hindi ko mapigilan ang isip ko na isipin siya at ang nakaka awang kalagayan niya.
Biglang may tumigil na itim na motor sa harapan ko sakay nito ay si Denzy, "Tol saan ka pupunta?" Tanong niya.
Linampasan niya ako ng tingin at dahan dahan gumilis ang ngisi niya, "Iba kana bro. Fuck boy ka na rin pala." Anya, atsaka siya humalakhak.
"Uuwi na ako tol." Sagot ko sa tanong niya.
"Sabay kana saakin." Pag aalok niya.
Pinag masdan ko siya, dilat ang mga mata niya at suot niya ay isang itim na hoodie. Pinag iisipan ko kung sasakay ba ako o hindi.
"Ano tol?" Marahas na tanong niya, dinig ko ang pag iba ng tono niya. Siguro mas maganda kung sasabay nalang ako sakanya.
Sumakay ako sa likod ng motor niya at kumapit ako sa hawakan. Umarurot siya ng mabilis paalis, "Hindi parin ako mapakaniwala hindi ka sumama noong isang araw!" Sigaw niya habang nag dra-drive.
Hindi ko masyado narinig ang sinabi niya marahil dahil sa malakas na ingay ng motor, "Pasensya bro!" Matipid ko na sagot.
Sa gitna ng biyahe pansin ko na hindi ito ang daan pauwi sa bahay namin, pinag masdan ko ang lugar at pansin ko na papunta ito sa Sadi Road. Alam ko ang lugar na ito, bigla ako inatake ng masamang kutob.
BINABASA MO ANG
Na fall ang Torpedo! #KingsManAA2017 #AlphaKnight2017
Teen FictionJohn Federico Dela Cruz, isang mabait at matapang na lalaki ngunit isang torpe. Everything was perfect and normal, until he unexpectedly falls in love to a woman who he never expected to ever fall inlove with. His life began to spiral out of contr...