A/N: This chapter is dedicated to @gwiyeomis and @Koreanugh for the excellent Book Cover that they made for free! Be sure to check out their profile and ang Rookie Covers Bookshop if ever gusto ninyo rin mag pa request ng book cover.
Pinag masdan ko siya ng mabuti habang naka higa siya sa couch, nasira ang makeup niya sa mukha dahil sa mga luha niya. Inangat ko siya atsaka ko siya dinala sa kwarto niya at hiniga sa kama.
Ano kaya ang problema niya? Feeling ko mayroon ako na trigger kaya bigla nalang siyang umiyak. Kung ano man yun hindi ko na dapat siguro alamin... Kanina pa nag nariring ang cellphone ko at sigurado ako si Jamella ang nag te-text.
Jam: asan kana hinahanap ka ni tita, call ka pag nakita mo to.
Cinall ko kagad siya pag ka kita ko sa text, lumabas ako sa kwarto at umupo sa sala habang hinihintay siya na mag pick up.
"Oh asan kana Ferds? Hinahanap kana."
"Siya ba nag hahanap o ikaw?" Pabiro ko sinabi.
"Wag kang assumero. Umuwi kana." Sabay baba sa linya.
Napa kamot nalangako sa ulo, tama siya hindi dapat ako assumero. Pinasdahan ko muna ng tingin ang buong bahay niya, sinugarado ko rin na naka lock ang lahat ng mga pintuhan bago ako lumabas.
Pag ka labas ko ng pintuhan, naka recieve nanaman ako ng call pero mula sa mga tropa ko sa barangay.
"Oh, hello Denzy?" Tanong ko.
"Oy Ferd, shot tayo sainyo kasama ko mga tropa."
"Saan? Sige bro kayo bahala. Punta nalang kayo saamin."
Hindi ko pwede tangihan ang mga tropa lalo na medyo matagal tagal na rin ako hindi nakaka sama baka magilit sila saakin.
Binaba ko ang linya atsaka ako pumara ng trike. Pinapunta ko ang trike sa bahay, malayo palang nakita ko na naka lupong ang mga tropa ko sa labas ng bahay. Pinapara ko ang bahay sa harap namin at sinalubong kagad ako ng mga tropa ko.
Nakipag apir ako sakanila isa isa, mukhang na miss na nila ako.
"Oh pare tang ina buti nag pa ramdam kana?" Sabi ng isa sa mga tropa ko.
"Wala bro busy sa school." Palusot ko.
Biglang dumating si Axel sakay ang motor niya may kasama siyang isa at may dala silang isang case ng Red Horse.
Nakipag apir ako kay Axel pati narin sa kasama niya. Pumasok muna ako sa gate namin, at sinilip ko si Jamella sa loob ng kwarto niya ngunit wala siya. Sumabay rin pumasok si Axel.
"Oh pare, dito na daw nakatira si Jamella?" Pabulong niya sinabi saakin.
Tumango ako sa tanong niya, "Oo pre."
"Nandiyan pala ang mga lamesa bro pati mga upuan, ikaw na mag set up sa labas." Pag utos ko sakanya, sabay turo sa mga naka hilerang stock ng lamesa at mga upuan.
"Wala ba parents mo bro?"
Tumango ako sa tanong niya, . "Oo bro, sinama ng Daddy ko sa biyahe niya sa Baguio."
Pumasok ako sa bahay atsaka ko pinag masdan ang bahay, mayroon akong naririnig na ingay mula sa kusina at sigurado ako si Jamella yun. Lumapit ako si kusina at naamoy ko ang bago luto na Adobo, pag pasok ko sa kusina tumambad saakin si Jamella habang nag luluto siya.
"Oy Jam." Sabi ko sakanya.
Humarap siya saakin, naka sando lang siya at naka suot ng maikling shorts. Kumaway siya saakin at ngumiti, "Hi Ferds."
"Sabi ko mo hinahanap ako ni Mama. Wala pala sila ngayon, nasa Baguio."
Tumawa siya lang ng marahan atsaka siya nag peace sign saakin. Tumawa rin ako pabalik.
BINABASA MO ANG
Na fall ang Torpedo! #KingsManAA2017 #AlphaKnight2017
Teen FictionJohn Federico Dela Cruz, isang mabait at matapang na lalaki ngunit isang torpe. Everything was perfect and normal, until he unexpectedly falls in love to a woman who he never expected to ever fall inlove with. His life began to spiral out of contr...