Nag bihis kagad ako, badtrip naman itong si Trish. Kung hindi lang talaga ako nag aalala kay Jamella hindi ko naman siya pupuntahan.
Bukas ang pintuhan ni Jam, dumungaw ako ng konti sa pintuhan niya at sumilip ako sa loob. Busy siya sa pag lalaro tinignan ko kung ano ang linalaro niya, nag lalaro siya ng Battlefield 1, mukhang nag eenjoy naman siya dito. Ayaw ko siya ma bored, ayaw ko na malungkot siya.
Kumatok ako sa pintuhan niya bago ako tuluyan pumasok, pinause niya kagad ang laro niya atsaka siya umupo ng darecho sa higaan niya.
"Oh nandito ka pala, laro muna tayo." Anya.
Tinignan niya ako mula ulo hangang paa, pansin niya siguro na naka bihis ako.
"Aalis ka ata?" Tanong niya.
Tumango ako, at ngumuso siya hindi ko alam bakit pero na cute-an ako sakanya.
"Sama ako?"
Napalunok ako sa tanong niya, biglang bumilis ang tibok ng puso ko at parang mag papanick ako. "Ahh eh... uhh..." Napa kamot ako sa ulo.
"Hindi pwede eh... kasama ko ang mga Tropa."
Sumimangot siya, "Sige bahala ka, ingat kanalang. Wag ka masyado mag pa gabi at..."
Tinignan ko siya, at hinintay ko ang huli niyang sasabihin. "Wala." Dugtong niya.
"Ano yun?" Tanong ko.
Pumiling lang siya, kaya hinayaan ko nalang "Osige alis na ako."
Iniwan ko na siya sa kwarto niya at nag madali ako lumabas, pumara ako ng trike at nag pababa naman ako sa sakayan ng jeep papunta sa Mall. Tinignan ko ang cellphone ko at bumungad saakin ang mga text ni Trisha.
'ASAN KANA?'
'BLSASAN MO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!'
Nag full caps lock reply rin ako.
'MAG HINTAY KA!!!!!!!!!!'
Sumakay kagad ako sa paalis na jeep, hindi nag tagal nakarating na ang jeep sa may entrance ng Mall. Agad agad bumaba ako, linabas ko ang phone ko atsaka ko siya tinawagan.
"Asan ka?" Matipid ko na tanong.
"Punta ka dito sa may Department store."
Napa buntong hininga ako, pinuntahan ko siya at nakita ko siya naka tayo sa labas ng Department Store. Pinag masdan ko siya ng mabuti, naka suot siya ng isang black na spaghetti strap at naka palupot naman sa beywang niya ang flannel shirt niya naka white shorts rin siya kaya kitang kita ang malaman at makinis niyang legs.
Kitang kita ang shape ng katawan niya at bumabagay naman ito sa maganda niyang mukha. Huminga ako ng malalim habang linalapitan ko siya.
"Ferds!" Sigaw niya, tumakbo siya papunta saakin atsaka siya tumalon at yinakap ako ng mahigpit naramdaman ko ang pag dikit ng joga niya saakin at medyo naka ramdam ako ng init.
"Bakit mo ako pinapunta dito?" Isang marahas na tanong ko.
Tinignan ko siya atsaka siya ngumuso, kaka iba talaga ang kilos niya sa mukha at katawan niya. Kung una siya mo titignan para siya isang mayaman na artista na masungit pero pag gumalaw parang bata.
"Wala lang gusto ko samahan mo ako bumili ng damit kaylangan ko ng judge." Anya atsaka siya pumasok sa Department Store. Sinundan ko naman siya, linabas ko ang cellphone ko at nag padala ako ng text kay Jamella.
Tinuon ko lahat ng attention ko sa cellphone ko habang nag sha-shopping si Trisha. Kung hindi lang talaga niya ako binantahan hindi ako pupunta dito para samahan siya mag aksaya ng oras pati pera.
![](https://img.wattpad.com/cover/106619709-288-k463713.jpg)
BINABASA MO ANG
Na fall ang Torpedo! #KingsManAA2017 #AlphaKnight2017
Teen FictionJohn Federico Dela Cruz, isang mabait at matapang na lalaki ngunit isang torpe. Everything was perfect and normal, until he unexpectedly falls in love to a woman who he never expected to ever fall inlove with. His life began to spiral out of contr...