"Mas masaya yung ganito kesa sa umiinom tayo... tapos tapos malalasing lang ako. " Anya atsaka siya humalakhak.
Naka upo kami sa may couch naka harap sa malaking flat screen TV na naka dikit sa ding-ding. Napag decisyonan namin na mas mabuti if mag movie marathon nalang kami dalawa kesa sa uminom pa kami at mang gugulo ako at siya naman ay mag susuka.
"May netflix pala dito. Wow." Anya, habang naka pako ang mata niya sa flat screen TV.
Naka takip kami ng kumot, naka sandal din siya saakin. Bigla siya tumingla at nag ka titigan kami, binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti at ang kapalit ay isang matamis rin na halik sa kanyang malambot na labi.
"Love you." Bulong niya pag ka atras ko mula sa halik.
"Love you too." Bulong ko pabalik.
Dumungaw siya papunta sa lamesa at kumuha ng Magnolia ice cream na naka lagay sa isang carton.
"Baka tumaba ka diyan ha." Bulong ko sakanya, atsaka ako humalakhak ng mahinhin.
Tumingin siya saakin atsaka siya ngumuso, "Bakit kapag ba tumaba ako... hindi mo na ako magugustuhan?" Pag susumami niya.
"Shempre." Atsaka ako ngumisi sakanya, bigla niya ako siniko ng marahan.
Nag tawanan kami, nag ayos ulit siya ng position pa sandal saakin, pinalupot ko ang aking braso sakanya. Ito na marahil ang isa sa mga pinaka masaya na nangyari sa buhay ko sana habang buhay ganito kami.
"Mag kwento ka." Anya, habang kumakain ng ice cream.
"Habang nanood? Hindi tayo makapapag focus." Palusot ko.
Kinuha niya ang remote control sabay patay sa TV. Mukhang gusto niya talaga marinig ang kwento ng pamilya ko. Halos na kwento ko na lahat sakanya pero ngayon ko lang ma kwe-kwento ang about sa Mother side ko.
"Okay... uhhm... ano ba gusto mo malaman?" Tanong ko sakanya.
Kinuha niya ang kamay ko at nag interlock ang aming mga daliri, "May nasabi kasi saakin si Phoenix--"
Wait wait wait... Tama ba ang narinig ko? Phoenix? Kailan niya naka usap si Phoenix? At anong sinabi niya?
"Ha? Phoenix?" Pag putol ko sakanya.
"Oo kasi kasama ko siya noong naka--"
"Wait wait, sandali sandali." Tinaas ko ang boses ko para masapawan ko siya.
"Kasama mo si Phoenix?" Isang marahas na tanong ko habang naka tutok ako sa mata niya.
Biglang bumilis ang pulso ko sa kaba wag mo sabihin na pati si Phoenix pumoporma na. Hindi porke tinulungan niya ako hahayaan ko na siya maka score sa mahal ko. Hindi maari.
"Ayan kananaman." Anya, nag iwas tingin siya.
"Ano? Ano ginawa ninyo?"
Tinignan niya ulit ako habang naka kagat sa labi niya, "Seloso mo. Siya ang tumulong saakin--"
"Tulong saan?" Pag putol ko ulit sakanya.
"Pwede ba hayaan mo muna ako makatapos?" Anya.
Tumango ako sakanya.
"Sumama ako sakanya kumuha ng pera para mabayaran natin yung mga buhaya na mga pulis." Anya.
Biglang lumawag ang dib-dib ko sa sinabi niya, pero hindi parin ako kuntento. Parang may nag sasabi saakin na pumoporma talaga si Phoenix sakanya.
"Sigurado ko yun lang ang ginawa niya?" Tanong ko ulit sakanya.
Nag ka titigan muli kami, nag buntong hininga siya.
BINABASA MO ANG
Na fall ang Torpedo! #KingsManAA2017 #AlphaKnight2017
Teen FictionJohn Federico Dela Cruz, isang mabait at matapang na lalaki ngunit isang torpe. Everything was perfect and normal, until he unexpectedly falls in love to a woman who he never expected to ever fall inlove with. His life began to spiral out of contr...