Chapter 6

78 20 13
                                    


  Tumunog na rin sawakas ang bell. "Okay class dismiss." Sabi ng titser. Tinignan ko si Jamella at kitang kita sa mukha niya na wala siya sa mood. 

 "Jamella, sure ka ayaw mo sumama nalang saakin?" Sabi ni Camella. 

 Pumiling si Jamella at napa buntong hininga nalang si Camella. 

Biglang dumating si Axel, "Tara na guys!" Anya. Dumating naman kasunod si Camille, "Tara na guys." Sabi naman niya.

 Sinusundan namin si Camille palabas ng eskwelahan hindi ko alam kung saan siya mag lilibre. Nag hihintay ang isang Black SUV sa labas sumakay kami doon.Pinasadahan ko ulit ng tingin si Jamella mag katabi kami habang si Camille ay nasa harapan. Tahimik ngayon si Jamella at pansin ko ang pag dikit ng katawan niya saakin.

 "Okay kalang, Jam?" Isang mahinhin na tanong ni Camille. "Okay lang ako." Sagot niya, atsaka niya pinalupot ang kamay niya sa braso ko hinayaan ko nalang siya napa sulyap ako kay Camille at nakita ko naka titig lang siya sa rear view. Siguro pinag mamasdan niya si Axel... 

 Hindi nag tagal naka rating na kami sa restaurant. Tumambad saakin ang isang malaking placada sa labas ng restaurant at naka sulat, Englishmen Steak House.Pag ka pasok namin agad tumambad saamin ang waiter. Pinag masdan ko ang lugar, ang gaganda ng mga lamesa at mukhang puro mayayaman ang kumakain ngunit konti lang hindi katulad sa mga fast food restaurant. 

 "The usual, mam?" Anya ng waiter kay Camille.

 Tumango lang siya, mukhang regular siya dito. Siguro dito siya madalas kumain kasama ang daddy niya. Dinala kami ng waiter sa isang pwesto na katabi ng isang malaking bintana. Agad agad tumabi saakin si Jamella habang si Camille ay nasa harapan ko at si Axel ang katabi niya. Nag lapag ng titig isang menu ang waiter namin atsaka siya umalis. 

 "Anong order mo?" Sabay na tanong ng dalawa saakin. 

Nag palit palit ako ng tingin sa dalawa at hindi ko alam kung sino ang sasagutin ko. 

 "Ako gusto ko T-bone steak." Sabi ni Axel pero walang pumansin sakanya. 

Nag kabit balikat ako, "Hindi ko pa alam eh." Sabi ko. 

 Binuksan ko ang menu at laking gulat ko sa nag tataaaan na presyo. Dumungaw si Jamella saakin at tinignan niya ang menu ko, napa tingin ako sakanya at nakita ko ang kaluluwa ng joga niya. Tinry ko ang best ko na hindi tumingin ngunit mas lalo pa siyang dumungaw kayat mas lalo na exposed ang balat niya. Ayaw ko tignan kasi feeling ko binobosahan ko ang sarili kong kapatid. 

 "Ah ito gusto ko." Anya, atsaka niya tinuro ang English Tenderloin Steak. Tinignan ko ang presyo at ito ay isang tumataginting na 1000 pesos para lang sa isang cut ng Steak. 

 "Ano guys naka pili naba kayo?" Tanong ni Camille, tumugon kaming lahat gamit ang pag tango.Tinaas niya ang kamay niya, hindi nag tagal dumating ang waiter. 

 "Dalawang English Tenderloin Steak, meduim rare." Sabi ni Jamella. Aba pinag order na niya ako. 

 "Ganoon rin po saakin." Mahinhin na sabi naman ni Camille. 

 "Me too." Sabi naman ni Axel.

 "Okay po mam."Umalis na ang waiter, tumingin ako sa dalawa sa harapan ko at nakita ko na nag uusap na sila. 

Hindi ko mapigalan ang ingit at konting selos kasi kilala ko itong si Axel. Sumulyap ako kay Camille at mukhang nag eenjoy siya kausap si Axel. 

 "Okay kalang?" Pa bulong ko tanong ko sakanya. 

Mas lalo pa siya dumikit saakin at naramdaman ko ang init ng balat niya at namumutla rin siya. "Pasensya na guys kung tahimik ako, masakit talaga pakiramdam ko." Anya. 

Na fall ang Torpedo! #KingsManAA2017 #AlphaKnight2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon