^chapter_seven^

18 0 0
                                    

° lust °

( parental guidance is advice )

^ayumi's p.o.v ^

Ramdam ko ang titig ng mga tao sa akin habang umeentrada ako papasok sa lugar kung saan idaraos ang kasiyahan para sa mga katulad naming guest ng hotel!

Lalo na sa aking kaharap na hindi ata kumukurap kanina palang ng makita ako di kalayuan!

Kakatwang napapalunok pa siya at mukhang na di-distract sa aking presensya! Maging sa pag kain ay nakatunghay siya sa akin! Kaya ng mag tanong siya kung umiinom ako sumangayon nalang ako kahit na ayaw niya akong payagan marahil nahalata niya na nag sisinungaling ako!

Siya na mismo ang tumayo at kumuha ng alak na aming maiinom..

Habang nakatalikod siya sa akin ay hindi ko mapigil ang tingnan siya mula sa aking kinauupuan!

Ang isang estrangherong gumugulo sa aking isip ilang gabi narin buhat ng kami ay mag kakilala!

"Excuse me...can I join you?"

Untag sa akin ng isang foreigner..
Napangiti nalang ako sabay sulyap sa kinaroroonan ni Ranz na ngayon ay madilim na madilim na ang titig sakin!

"Want some ?"

Sabay abot ng kopita na sa tingin ko ay matindi ang tama kapag aking ininom! Pero sa huli ay nakangiti padin ako sa aking kaharap at walang sabi-sabing tinungga iyon!

Straight! Ang pakla!

Napapikit pa ako ng matapos kong simsimin ang alak na iyon! Hanggang sa mag simula ng mag usisa ang kanong kaharap ko!

Hindi namin namalayan ang pag lapit ni ranz! Kung hindi pa ito tumikhim at mag salita ay hindi talaga namin ito mapapansin!

Hanggang sa umalis nalang ang kano at kami na ang mag kaharap!

Biglang nabago ang aking pakiramdam!

Nag init ang buo kong katawan!
Ang aking mga mata ay namungay!

Marahil ay umepekto na ito sa aking kalamnan! Inaya niya akong ihahatid sa kwarto ngunit hindi ako pumayag!

nag inuman pa kami!

Hindi na maganda ang tabas ng aking dila! Hindi na maganda ang lumalabas sa aking bibig! Maging ang panunudyo ko sa kanya na nag seselos siya sa kanong kausap ko kanina ay hindi ko ikinahiyang sambitin!

Kaya naman nag pumilit na siyang alalayan ako at tahakin namin ng pagewang-gewang ang daan patungo sa aking kwarto!

Nakapikit ang aking mga mata kaya ang hilo ay ramdam ko!

^my Husband's Best Friend^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon