° man to man °
"Ranz p.o.v ^
Narating na namin ang resort at talaga namang napa nganga ang lahat sa ganda ng lugar! Animo nakaapak kami sa isang tagong paraiso!
Agad kong sinulyapan si Ayumi at napangiti pa ako ng makitang nakapikit siya at nilalanghap ang sariwang hangin na talaga namang dumadampi sa balat ng bawat isa!
"Welcome sir mam! "
Masayang pag bati sa amin ng mga hotel staff ng resorts sabay suot samin ng kwintas na bulaklak na karaniwang isinusuot sa mga turistang bagong dating partikular nasa sa mga foreigners!
"Amiga!"
May lumapit na hindi halata ang edad sa kanyang itsura..naka sarong ito at magandang sumbrero na may bulaklak pa sa kanyang taenga! Niyakap siya ni tita at sa pag uusap nila ay natitiyak kong ito na ang nag mamay-ari ng resort..
"Oh hello guys! Its my pleasure to welcome all of you to my newly open paradise! So what can you say about my place? Is it awesome?!"
At sunod-sunod ng papuri ang madidinig sa aking mga kasamahan! Inaya naman kami ng mga staff sa kanya-kanyang kwarto at syempre hindi kami pwedeng mag sama ni Ayumi silang mag asawa ang mag kasama at ang anak na si reeyu.. si tita at ang nanay naman ni ayumi ang mag kasama at syempre kahit labag sa kalooban ni army ay si akeesha ang makakasama niya samantalang ako ay solo!
Tinapunan niya lang ako ng tingin at gumanti ako ng ngiti sa kanya!
"Ang hirap noh? Lalo na kung pigil na pigil"
Nagulat ako ng may mag salita sa aking tabi..
Its armyda! Ayumi's best friend..
"I knew everything"
Parang kinalabog ang dibdib ko sa aking nadinig pero agad ko din iyong pinakalma at hindi nag pahalatang nagulat sa kanyang tinuran..
"And I know she trusted you"
Bagkus ay tugon ko..
"thats my role for being her best friend.. but it doesn't mean that I'm not aware na mali ang mga ginagawa niyo..kung hindi niya kayang kumawala sa sitwasyong kanyang pinasukan..maybe you can..for the sake of ayumi "
Nakukuha ko ang gusto niyang iparating pero sadyang ayokong intindihin..ganoon na marahil ang aking nararamdaman..wala ng pakialam kung may masasaktan dahil walang mahalaga kundi kami ni Ayumi..
Ang pag mamahalan namin sa isat'isa..
"Sorry but I can't"
At tinalikuran ko na siya..
Nababatid kong kinumbinsi niya din si Ayumi na hiwalayan ako at alam kong ginagawa niya lang yun para isaayos ang lahat..Ang bagay na sa una palang ay mali na.. bawal na..pero pilit padin naming pinaiiral dahil sa nararamdaman namin para sa isat'isa!
BINABASA MO ANG
^my Husband's Best Friend^
Romance"There is no perfect relationship, everybody commit mistakes" Pero paano mo maitatama ang iyong pag kakamali kung masusuklian din ito ng isa pang pag kakamali? Makukuha mo bang mag patawad kung ang sarili mo mismo ay hindi mo makuhang patawarin? Ma...