° remained feelings °
^ayumi's p.o.v^
Papunta kami ni army sa mall para e-meet ang planner na kinuha ni mama para sa pabinyag ni reeyu na gaganapin two days from now!
Mas excited pa siya sakin! Halos siya ang nag isip ng lahat at Hindi naman ako tutol dun dahil bukod sa good Taste si mama ay ayoko ding salungatin pa siya!Baka mag beast mode na naman eh mas malaking problema!
"Excited na ako sa baptismal day ni reeyu!"
Nasa kotse kami ni mama at ako ang driver! Pinahiram niya samin ang kotse at siya pa ang nag prisinta na mag babantay kay reeyu!
"Syempre naman! Pero may mas eexcited paba sa akin bukod kay mama?"
"Ay tama ka best! Grabe ang mamita! Mukhang nakainom ng holy water sa bait!"
Napatawa naman ako sa tinuran niyang yun! Pero tama naman kasi siya..
Parang santa sa bait si mama!
Napangisi ako sa naisip kong yun!
"See? Natatawa kadin kasi totoo!"
"Oo na! Pero wag na wag mo lang mababanggit na kaharap si mama kundi..back to old school na naman siya!"
"Yan naman ang hinding-hindi ko gagawin!"
At nag patuloy pa kami sa kwentuhan! Ng mapahinto kami dahil sa trapic!
"Hay nakuu..yan ang dapat mabago! Ang trapic!"
Inis na bulalas ni Army samantalang ako ay napalingon nalang sa labas at nanlaki ang mata ko sa aking nakita!
Hindi..hindi totoo..
Kinurap-kurap ko pa ang aking mga mata pero totoo talaga!
si ranz....
Halos isang kotse lang ang aming pagitan! Kitang-kita ng nag lalakihan kong mga mata si ranz na seryosong-seryosong nakatanaw sa harapan! Ngunit nabura ang pag kasabik na nararamdaman ko ng may makita akong babae sa tabi niya!
Hindi ko namalayan na umuusad na pala!
Poot! Poot! Poot!
Napapitlag ako dahil sa tatlong sunod-sunod na busina! Naiwan na pala kami ng sasakyan sa unahan namin!
BINABASA MO ANG
^my Husband's Best Friend^
Romance"There is no perfect relationship, everybody commit mistakes" Pero paano mo maitatama ang iyong pag kakamali kung masusuklian din ito ng isa pang pag kakamali? Makukuha mo bang mag patawad kung ang sarili mo mismo ay hindi mo makuhang patawarin? Ma...