° parting time °
^ranz'p.o.v^
Sinundan ko nalang siya ng tingin habang tumatakbo papalayo!
Naiwan akong nag iisa at pilit pinapakalma ang aking sarili..Hinahayaan kong tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigil!
Hindi ko inaasahang bibitawan niya ako! Akala ko ay kami na talaga..
pero alam ko na wala naman talaga kaming pag asa!"Ang sakit lang na tayo ang naiwan"
Hindi ko nilingon ang nag salita sa aking gilid!
"Pero kaya natin yan! Kaylangan nating kayanin..kahit mahirap, kahit masakit"
Napalitan ng garalgal na tono ang pananalita niya at natitiyak kong umiiyak nadin siya katulad ko!
"Ganoon siguro talaga kapag nakikihati ka lang, mas lamang ang natatalo kaysa sa nananalo"
Tugon ko.
"Ikaw Isusuko mo nalang ba siya ng ganun-ganun lang?"
Hindi agad ako sumagot, pinakiramdaman ko muna ang aking sarili kung kaya kong mag salita ng hindi nanginginig ang aking boses!
Masyado na ata akong nagiging emosyonal!
"Mahirap lumaban lalo kung nag iisa ka lang..mahirap lumaban lalo na kung siya mismo ay sumusuko na"
Punong-puno ng emosyon ang sagot ko kay Akeesha..
Napuno ng katahimikan ang bawat isa.."Sana..nakilala nalang natin sila sa tamang panahon at tamang pag kakataon"
BINABASA MO ANG
^my Husband's Best Friend^
Romance"There is no perfect relationship, everybody commit mistakes" Pero paano mo maitatama ang iyong pag kakamali kung masusuklian din ito ng isa pang pag kakamali? Makukuha mo bang mag patawad kung ang sarili mo mismo ay hindi mo makuhang patawarin? Ma...