° secret date °
^ayumi's p.o.v ^
"Let's go home honey.. mom called me, nasa bahay daw si ranz"
Para namang kinalampag ang puso at dibdib ko ng madinig ko palang ang pangalang nag papabago ng sistema ko!
Halos okupahin ni Ranz ang buong araw ko at nakaka guilty dahil nag handa ng sorpresa si Chard para sakin pero sa isip ko..si Ranz ang kasama ko!
Nakasakay na kami sa kotse at tinatahak na namin ang daan pauwe! Buong byahe ay si Chard ang nag sasalita samantalang ako ay tahimik lang na nakikinig na parang wala akong pakialam at kamalayan sa kanyang mga kwento!
Ng marating namin ang bahay ay agad akong umibis ng sasakyan! Hindi ko na inantay na pag buksan ako ni Chard..
"Why are you in a hurry honey?"
"Ah..si reeyu kasi baka umiiyak na"
Pag dadahilan ko nalang..
Nag tuloy-tuloy kami sa loob at inabutang nag tatawanan sa sala si mama at ranz na pangko-pangko si reeyu habang nakikitawa din!Muli ay nabalik na naman ako sa pag iisip na may pag kakahawig sila!
Pwede na nga silang mapag kamalang mag ama!
Sinalubong naman ng yakap ni Chard si ranz..Nag paalam na muna ako para mag palit ng damit..hinayaan ko munang na kay ranz si reeyu dahil kumportableng-kumportable ang bata sa kanya..
Agad akong nag palit ng damit at bumaba nadin! Inaya naman ako ni mama na saluhan sila sa pag
tsa-tsaa at lumapit naman ako agad sa gawi nila! Nag marakulyo naman agad si reeyu ng makita ako! Walang nagawa si ranz kundi ibigay sa akin si reeyu.. nailang naman ako ng halos mag lapit ang aming mukha ni ranz.."Nga pala ayumi, binilhan ni ranz ng baby stuffs si reeyu"
At inabot naman agad ni mama ang paper bag na may nakalagay na mga baby stuffs para kay reeyu..
Nag pasalamat naman ako pati nadin sa pag liligtas niya sa akin kagabi at nakakapag takang malamig ang pakikitungo niya sakin!
Kumirot ang puso ko!
"Ahh.. iaakyat ko na muna si reeyu"
Paalam ko, hindi ko magawang makapag isip ng maayos lalo nat nasaktan ako sa inasta ni ranz kanina!
sumuko na ba siya sa pag mamahal sa akin?
BINABASA MO ANG
^my Husband's Best Friend^
Romance"There is no perfect relationship, everybody commit mistakes" Pero paano mo maitatama ang iyong pag kakamali kung masusuklian din ito ng isa pang pag kakamali? Makukuha mo bang mag patawad kung ang sarili mo mismo ay hindi mo makuhang patawarin? Ma...