^chapter_twenty'nine^

7 0 0
                                    

° secret revealed 1 °

^chard's p.o.v ^

Nakapag pasya na ako..

Tatapusin ko na ang lahat ng namamagitan sa amin ni Akeesha!

Hindi ko na maitatanggi ang nararamdaman ko! Ayokong may ibang tumitingin sa asawa ko na noon ay pinag-walang bahala ko! Nag seselos ako sa tuwing lumalapit si Ranz sa kanya kahit na nag hihinala lang ako! Kinakabahan ako sa mga kilos niya na ngayon ko lang napag-tutuunan ng pansin!

Agad kong hinanap si akeesha sa labas ng hotel ngunit hindi ko siya makita!

Lumapit ako kay army na noon ay nag sa sun bathing..

"Excuse me..did you saw akeesha?"

Inalis niya ang suot niyang salamin at mataman akong tiningnan!

"Bakit mo naman siya hinahanap?"

May bahid pang uuyam ang tanong niya!

"May.. may sasabihin lang ak--

"You know what, ayokong sabihin to pero why I have this feeling na may gusto sayo ang babaing yon? Sorry, hindi dapat ako ang kumokompronta sayo dapat si Ayumi--

"At bakit nga ba parang wala siyang pakialam?"

Siya  naman ang natameme sa sagot ko!

"If you'll excuse me.. I'll go ahead "

At tinalikuran ko na siya!
Patuloy ko pading hinanap si Akeesha at napadpad ang paa ko sa bar hindi kalayuan sa hotel!

Dapit hapon na kung kayat dagsa na ang mga turistang pumupunta sa lugar.

Pag pasok ko sa loob ay nakakabinging tugtog ang sumalubong sa akin! Halos mayanig ang dibdib ko sa lakas ng tugtog!

Halos hindi ko nadin maaninaw ang lugar dahil sa dilim doon! Nag sisigawan! Nag tatalunan! At nag sasayawan!

Napili kong umupo sa gilid at agad akong umorder ng alak! Habang nilalaro ko ang yelo sa aking baso ay hindi ko maiwasang mapaindak sa tugtog! Halos tinatamaan nadin ako ng alak na aking iniinom!

At ng maramdaman kong iba na ang tama ko ay lumabas na ako at bumalik sa hotel!

Ngunit napahinto ako ng makita ang isang pigura di kalayuan at natitiyak kong si Akeesha yun!
Nakatanaw siya sa payapang dagat! Habang ang mahabang buhok ay nililipad ng hangin!

May pailan-ilang tao din na nakaupo sa buhanginan at ang iba ay mayroong pang bonfire..

Kahit naliliyo ay naaaninaw ko padin ang umiiyak na si Akeesha!
Hindi niya namalayan ang dahan dahan kong pag lapit!

^my Husband's Best Friend^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon