Chapter 14: Mission

328 10 0
                                    

Josh Angelo

Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. Gayshit pakinggan pero 'bat parang mas nangingibabaw si Fortaleza? Tatlong araw na ang nakalipas simula ng puntahan namin siya sa hospital, sabi ng nurse nawalan lang siya ng malay dahil sa alak pero nauntog siya kaya kailangan parin icheck ng doctor dahil baka may mauong dugo. Pero bakit kinakailangan lagi silang mag kasama? Invisible na ba ako?

Dahil wala naman kaming teacher ngayon napagisipan kong mag swimming muna sa indoor pool ng school namin. Pumunta ako sa likod, sa mga lockers. Bale dalawa ang locker ko isa sa may corridor at isa dito sa classroom. Naging parte ako ng swimming team kaya naman meron ako ditong shorts suitable para sa pool. Kinuha ko yun at agad akong nag palit, nag lagay muna ako ng pamatong na P.E. tshirt at short dahil baka sitahin ako ng guard. May palitan naman sa may pool pero mas pinili ko dito sa may floor namin.

Tinanggal ko ang P.E. tshirt at shorts ko. Agad akong nag dive at lumangoy papunta sa kabilang side.

6 minuto ang lumipas at pabalik balik lang ako sa magkabilang side. Tsaka ako umahon ng hingal na hingal at naghahabol ng hininga.

May narinig akong papalapit na yabag kaya't agad ako lumingon dito.

"Josh," aniya. "I miss you." dagdag pa niya.

"Anong kailangan mo? Akala ko nag usap na tayo tungkol dito." muli akong lumublub sa tubig.

"Josh Angelo Tolentino. Relax ka lang moved on na ako sayo." tinanggal niya ang rubber shoes niya at tinaas ang P.E. pants niya. Nilublub niya ang mga paa niya sa tubig.

"Baka malason ako jan itaas mo na rin mamaya." pagbibiro ko.

"Bakit mag isa ka dito?" nilibot niya ang paningin niya sa indoor pool.

"Hindi. Dalawa tayo."

"Tsk. Siguro pwede pa rin tayong maging friends? Wag ka mag alala fully moved on na ako. Deal?" inilahad niya ang kamay niya at ready makipag handshake.

"Deal." nakipag handshake ako sakanya. "Kailangan ko rin ng matinong kaibigan ngayon." umahon ako at tinabihan siya.

"Kamusta na kayo ni Rebecca? Kayo na ba? Nakita ko kasama niya si Jayson kanina."

Sumulyap ako sakanya at agad na tumingin sa taas. Oo sa kisame. Muli akong tumingin sakanya.

Napatakip siya ng bibig niya. "Don't tell me karibal mo si Jayson ang mas naka score na siya? Tsk tsk." tinapik niya ang braso ko. "Ayos lang yan. Gusto mo tulungan kita?"

"Paano?"

Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ako at may binulong saakin. Napangiti ako't agad na napatayo.

"Hintayin kita sa labas." sinuot niya ang rubber shoes niya at binaba ang P.E. pants niya.

Pumunta ako sa cr at agad na nag palit ng damit. Nag patuyo rin ako ng buhok at nag ayos ng wahi.

-

"Oo nga hihihi!"

"Ayan na ayan na!" Pabulong na sabi ni Sophia at hinampas hampas pa ang braso ko. "Act natural lang! Kumain ka kumain ka!" Aniya. Kasalukuyan kaming nasa canteen at kumakain ng lunch.

"Oh! Si Gelo oh! At tsaka si Sophia-"

"Hi. Pwede kayong umupo sa tabi namin ng boyfriend ko." itinuro ni Sophia ang upuang katabi ko.

"BOYFRIEND!?!?!" gulat na sabi ng dalawa.

"Tara na. Sa iba nalang tayo." hinawakan ni Fortaleza ang kamay ni Lei, tatayo na sana ako ng bigla akong pigilan ni Sophia.

"P-pero si Gelo." ngitian ko nalang siya.

Ng makaalis sila'y agad akong naginit.

"Nanakarami na yung Fortaleza na yun ah."

"Shh! Mabubuking tayo sa ginagawa mo
e." hampas niya sa braso ko.

"Okay. Sorry."

"Diba sabi mo kanina habang nag lalakad tayo papunta dito, sainyo tutulog si Lei?"

"Oh."

"Mamaya ihahatid kita sa inyo kunwari nag mall tayo."

"Diba parang ako dapat mag hahatid?"

"Wala namang magseselos sa condominium ko ah."

"Sige na sige na."

-

"Mamaya dapat ang mag bubukas sayo ng pinto si Rebecca, dapat mang yari yun." aniya at umupo sa bench, katapat ng kid's playground. Kasalukuyan kaming nasa mall ngayon. Namili mili libre niya naman daw. Bumili kami ng mga pang partners. Sabi niya kasi pag seselosin daw namin si Lei hanggang sa umamin siya. Sa tingin ko gagana kaya nakisakay nalang ako.

Tinawagan ko si Manang para sabihin na hayaan si Lei ang magbukas ng pinto para saakin. Pauwi narin naman ako, sasakyan ni Sophia ang gamit namin. Inistart ko ang engine at sinimulan mag drive.

"Ito. Magtatalo tayo. Sasabihin mo 'Umalis ka na ayos na ako rito.' tapos sasabihin ko 'Ikaw muna,' basta mag tatalo tayo okay? Ad-lib nalang yuon."

"Sige. Sige." ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bahay. Nag bell ako at nag pa detect ng mukha sa camera na naka-attach sa bell. Masyado ng modern kays ganito. Makikita mo kung sino ang nasa labas dahil sa cam.

"Oh Gelo ikaw pala! Hihi! OH--

"...pumasok kana babe."

"You go first." sagot ko.

"No. You go first."

Umilig ako. "...I'm fine. You go first. Hayaan mong makita muna kitang pumasok sa sasakyan mo."

"Pumasok ka na nga daw ee!!" hinampas  pa ako ni Lei sa braso. "Arti naman nito ee. Aish jinja." umuna muna siyang pumasok at sumunod na ako. Sumenyas si Sophia na tignan ko ang phone ko marahil ay nag text siya. [/Aish. Seriously.]

Sophia: Selos siya. HAHAHA. see you tomorrow, display boyfie. Muah. /kiss emoticon;

Pumasok ako sa loob ng bahay namin ng nakangiti. Sign ba yun na selos siya? Pft. Umayos ka nga Josh Angelo.

Falling in Love to a Childish [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon