Chapter 15: Necklace

315 11 0
                                    

Josh Angelo

Nagising nalang ako dahil sa liwanag na galing sa aking mga bintana. Pumunta ako ng banyo para mag sepilyo, hanggang ngayon ay hindi parin maalis sa ang pagkaka kurba ng mga labi ko. Agad akong lumabas ng kwarto at sinilip ang kwarto ni mama. Dahan dahan kong pinihit ang doorknob buti na nga lang at hindi ito nakalock. Mahimbing pa siyang natutulog.

Tumakbo ako papunta sa garahe namin at sumakay sa aking Audi. Binilisan ko ang drive at agad tinawagan ang restaurant na pinagpa cater an ko ng mga ihahanda mamaya. Sinabihan ko na dalhin sa office yung mga pagkain ng exact 10. Nag park ako sa tapat ng company building namin. Agad akong pumunta sa office ni Mama, nandoon na lahat ng roses na in-order ko mula sa classmate kong may flower shop. Chineck ko pa lahat ng kailangan para sa surprise mamaya.

Matapos kong iayos lahat ng kailangan mamaya pumunta muna ko sa bahay para magpalit ng damit. Nadatnan ko na ring kumakain si Mama at Lei. "..anak kain na,"

Ngumiti ako at pumunta sa likod ni mama. "..Happy Birthday ma, salamat po sa lahat." niyakap ko siya ng mahigpit at pinadama lahat ng pagmamahal ko.

"Ay wittt! Pang IG to. Hihi." inilabas ni Lei ang cellphone niya at sumenyas saakin na ngumiti. "..say cheese!"

Umupo ako sa tabi ni mama at kumain na rin ako. Pakiramdam ko mabibingi ako sa katahimikan namumuo sa pagitan namin ni Lei. Selos ba talaga 'to?

"Ah. Oo nga pala Josh, Rebecca." sabay kaming tumingin kay mama "..Gusto niyo bag mag dinner tayo sa labas mamaya?"

"Sige Ma. Wala po ako masyadong class ngayon pwede po ako tumulong sa office."

Matapos naming kumain ay agad akong umakyat sa taas at naligo. Halos mapunit na ata yung labi ko. May hinanda kasi akong kwintas binili ko yun nung nakita ko si Fortaleza at Lei sa Kid's Section.

Binuksan ko ang drawer ng study table at kinuha ang lalagyan.

"....Nasan na yun?" laking gulat ko ng makita wala na yung para saakin. Para kasi itong pang couple, padlock at susi.

Agad akong nag isip kung saan ko ito huling nakita, ang alam ko lang sinusuot ko pa ito sa school.

Agad akong nag bihis ng uniform at tumakbo sa aking audi. Binilisan ko ang takbo ng sasakyan hanggang nakarating ako sa school namin. Tumakbo ako papunta sa locker ko sa room para tignan kung iniwan ko ba ito dun.

"..aish. nasan ka na ba?"

Agad namang sumagi sa isipan ko ang indoor swimming pool ng school kaya't madali akong tumakbo sa cr para magpalit at sisirin ang swimming pool.

Minuto ang inabot ko bago ako makaahon, pero wala pa rin saakin ang kwintas.

~I'm only one call away---

"Hello?"

"Nasaan ka Josh?"

"Nasa indoor swimming pool. Nawawala yung kwintas na ibibigay ko kay mama, mamaya." umahon ako at pumunta sa cr para mag palit.

"Oh sige. Andito ako sa classroom. Nandito na si Rebecca at Jayson."

"Okay. Bye."

"Bye."

Lumabas ako ng pool na malumay. Paano nalang ang gagawin ko? Regalo ko kay mama yun para terno kami.

-

"Oh baby! Andyan ka na pala!" salubong saakin ni Sophia.

"Oh babe." pagsakay ko.

Nakatingin lang saamin si Lei at Fortaleza, blanko rin ang mga mukha nila.

Falling in Love to a Childish [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon