Chapter 8: First Kiss

626 17 1
                                    

Josh Angelo's Point Of View

~Toot-toot-toot-toot~

Bumangon ako at pinatay ang alarm clock ko. 5:35 pa lang at 9 pa alang klase namin. Gumising lang ako ng maaga para makapag exercise man lang ako.

Pumunta ako sa walk in closet ko at kumuha ng fit tshirt at isang jacket na gray, nag suot rin ako ng Running shoes na kulay gray din na Nike at headphones.

Pumunta ako sa may bed table ko at uminom ng vitamins at chineck ang notifications ko sa Facebook.

Rebecca Lei Suarez sent you a friend request
Accept • Ignore

Matthew Ray Suarez sent you a friends request.
6 mutual friends
Accept • Ignore

"Kelan pa natutong pag Facebook yun? Ang cute ng dp." nakangiting sabi ko sa sarili ko.

Pinasak ko sa tenga ko yung headphones at nilagay sa "Miss me," yung kanta at inilagay yjng celphone ko sa bulsa ng jacket.

Lumabas ako ng kwarto ko. May mg maids na gising na may nag va-vacuum, may nag aalis ng likabok at my nag ma-mop ng sahig namin. Pag kababa ko ay sinakubong ako nung maid namin na si Patricia, yung katiwala dito.

"Good Morning po sir Josh."
"Good Morning po."
"Good Morning sir."

Bati ng mga maids sakin.

"Pakainin nyo mamaya si Chito."

Lumabas ako ng bahay at nag simulang tumakbo.

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makarating ko sa isang Convenience store.

Pumasok ako at pumunta sa mga drinks.

"Walk in?" pag basa ko dun sa sign na nasa itaas sa may frigde.

Kumuha ako ng Energy Drink at nag bayad sa counter. Nag palipas muna ako ng ilang minuto bago umuwi sa bahay at mag ready sa school.

Inilapag ko muna sa bed table ang phone at head phone ko bago ako tuluyang pumunta sa banyo at maligo.

"Dahil ikaw ang pangarap ng buhay~ Pag ibig ko sayo ibibigay~ Ang nais ko lang a malaman mo~ Oh namaha kita ah.~" pag kanta ko habang naliligo

Lumabas ako ng banyo na naka tapis lang ang ibaba. As usual selpi muna.

Click.
Save.

Nag palit ako ng dp. Ginaya ko yung style ng dp ni Lei. Tinamaan na ata ako sakanya.

Pumunta ako sa newsfeed at nag scroll down ng biglang my humagip sa pansin ko.

Rebecca Lei Suarez change her cover photo.

Yung photo namin sa gym kahapon. Yung nung nag a-actvity kami.

124 likes
7 comments

Napangiti nalang ako habang nilalike yun.

Nag bihis na ako at nag ayos ng sarili. May nararamdaman akong excitement ngayon. Di ko alam kung bakit basta alam ko ko sa sarili ko na mahal ko na sya.

---

Kanina pa akong pinagtitinginan habang nag lalakad ako sa corridor naiilang na ako puro babae pa kasi.

Humarang bigla sa dinadaanan ko si Sophia

"Sabihin mo nga sakin! Kayo na ba talaga ni Rebecca!?" bulyaw nya.

"Ano sa tingin mo?"

"Hindi tama na sagutin ang tanong ng isa pang tanong!" aniya at nag papadyak pa.

"Oo hindi, pero pag kinakailangan. Kailangan talaga."
----

Pag ka pasok ko ng room, sinalubong agad ako ni Ivan habang dala dala ang cellphone nya.

"Nag seselpi na rin amputa." sabi ko sa isip ko.

"Josh Angelo Tolentino! Headline ka sa Page ng School! Kayong dalawa ni Suarez!" hinarap nya sa saakin yung cellphone nya.

Kapatid ng Team Captain ng Star University na si Rebecca Lei Suarez at anak ng Entrepreneur sa Pilipinas na si Josh Angelo Tolentino, may itinatagong relasyon?

"Sino naman nag labas ng issue na yan?!" matigas na sabi ko.

"Tsk. Sa dinami dami ng admin jan na nasa school di ko alam ano ba! Chill." sambit ni Ivan habang nakahawak sa ulo nya.

"Tsk! Sino ba may sabi na mainit ang ulo ko? Hayaan mo yan para di ako guluhin ni Sophia!"

"Ano nga palang sabi nya sayo nung isang araw?" ang lapad ng ngiti sa mga labi nya.

"Gusto nya raw ako." naalakad ako papunta sa may bangko ko at isinabit ko ang bag ko sa tabi ng table katuad ng ibang estudyante.

"Di kayo bagay!"

"Sino bang may sabi na bagay kami?" umupo ako sa table at pinatong ang paa sa sa upuan ko. "Kung gusto mo sayo na nasa drawer pake ko bro."

Nag simula ng dumami ang mga estudyante na pumapasok sa room namin pero wala pa rin si Lei. Inilibot ko ang paningin ko sa class room namin.

"Namiss mo na?" pag singit Joana, "Hindi daw sya makakapasok ng umaga may bonding ata ang mag kapatid." aniya.

"Ahh sige salamat." hindi ko nalang pinahalata na miss ko na talaga baka kung ano pa ang pakalatin na issue.

Buong klase di ako makapag focus lalo na Math namin, may short quiz pa naman. Tsk babawi nalang. Malapit na ang lunch time makikita ko na ulit si Lei.

~Kring-Kring-Kring~

"Okay class dismissed!"

Tumayo ako at lumabas pero nakasalubong ko si Lei na nakatutok pero sina Sophia ay nasa likod nya rin. Hinila ko si Lei at sinalo ko yung cellphone nya na muntik ng mahulog.

"HIHIHI~ ang galing mo sumalo!" nakngiting sambit nya saakin. Yung mga ngiti nya na nakakapag pangiti rin saakin. Na miss ko yon.

"Hindi kasi ako pa-fall." nginitian ko rin sya.

"Totoo bang kayo na!?" singit ni Trisha, yung kaibigan ni Sophia.

"Oo." tipid na sagot ko.

"Huh?" singit ni Lei pero inakbayan ko lang sya at nag kunwari na kami na dahil alam kong gerahan na ang kasunod nito.

"Sinungaling!" sigaw ni Sophia na dahilan ng pag tingin ng mga tao samin sa hallway.

"Wag kang mag tanong kung di ka maniniwala!" sumbat ko sakanya. "Dahil nasa drawer parin yung pake ko Ms."

Tumalikod ako sa kanila at nag lakad palayo. Kamasa ko si Lei at nakaakbay pa rin ako sakanya.

"Don't mind them Lei, it's just a game." kahit mahal ko naman talaga sya.

Hinarap ko sya saakin at hinawakan sa pisngi. Hinalikan ko sya pero sa noo lang.

Falling in Love to a Childish [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon