Sheiia
Kasama si Vera, pumasok kami sa isang kainan na malapit sa school namin. The Old Spaghetti House is written all over the glass windows. I don't know this place since I haven't been to any of its branch. Since I trust Vera's taste, I decided to come with her.
Punuan halos lahat ng mesa, karamihan sa mga costumer ay schoolmates namin based on their uniforms. Yes, I'm currently wearing my uniform that's why Dad never gave any nasty remarks towards me this morning. I'm wearing a navy blue pencil cut skirt na one-fourth above the knee and a three-fourth white blouse. Medyo naiilang ako sa uniform ko, sanay kasi ako sa slacks since yun yung uniform namin sa previous university na pinasukan ko. Agad namang dumating yung inorder namin kaya nakakain agad kami.
Upon eating, I suddenly have this feeling na babalik pa ako sa kainang ito. It's no wonder na dinudumog ito ng mga tao since all the food being served here are worth the price. I made a mental note to bring my brother here next time.
"Hindi ka ba nahihirapan, Sheiia? You rarely talk to people, you rarely recite to class voluntarily. If your name is called, there's always hesitation before you answer. Come on girl, chill ka lang. Feeling ko tuloy mapapanis na yang laway mo kasi hindi ka palasalita." Vera's words are all unstoppable regardless of the food inside her mouth. Nung napansin niyang tahimik pa rin ako, bigla itong nag-peace sign. "Ooppss, sorry. He-he."
"It's okay. Hindi kasi ako sanay makihalubilo sa mga tao."
"Ano ka ba! Masanay ka na. You will not get the most of your college life if you will isolate yourself."
Nagkibit nalang ako ng balikat for her to see that I don't give a damn. "It's okay. I'm fine with this."
"C'mon Sheiia, there's nothing wrong kung ibubuka mo yang bibig mo and talk to other people. Loosen up, dear. Interacting with people will also help you know yourself. In this case, you'll know if you're growing."
May point naman siya dun, but I also have my own reasons for keeping the distance towards them. Reasons that should be mine alone. "Let's just eat."
Maybe nahalata din niya na wala akong balak pa na pahabain ang usapan namin kaya nanahimik nalang din ito.
********************
Vacant namin for an hour kaya naisipan kong tumambay sa may bench malapit sa botanical garden ng school. One more class and we'll be going home na. This has been a tiresome day since Vera kept on bugging me and I find it hard to resist her. The more I avoid her, the more she keeps on getting close to me.
"At last I've found you! Been looking for you kanina pa. Ambilis mo parating mawala." Tumabi pa ito sa upuan ko nang walang pasabi. Napabuntonghininga nalang ako ng malalim, alam ko namang wala na din naman akong magagawa pa. Eto na naman ang kakulitan ni Vera. I think I need to brace myself for anything she'll be saying.
"C'mon Vera, don't get me wrong, but why do you keep on following me? Friendly ka naman, so I suppose madami kang friends."
Ngumiti lang ito sa sinabi ko. I know I sound a bit harsh, but it seems di naman nito masyadong dinibdib ang sinabi ko kasi ngumiti pa ito. "Well, you're right about that. But there's nothing wrong naman if I'm with you diba? Isa pa, I like you kasi and there's something in you that urges me to make friends with you."
Napailing na lang ako sa sinagot niya. Really, there's something in me? What in the earth could it be? So parang magnet ganun, kaya siya nakadikit parati sa akin.
Hindi pa man ako nakasagot sa kanya ay napabaling na ang paningin ko sa dumaan. Si Prof. Melendrez na may kasamang ibang Professor din. Here comes this feeling again. Para akong hinahatak at wala akong magawa kundi mapatingin sa kanya.
"Uh, si Prof o. Gwapo nu?" Panunukso naman ni Vera. Bigla tuloy akong namula, baka makita niyang pinagmamasdan ko si Prof. Melendrez. Mas pinili ko nalang tumahimik at baka may masabi pa akong masama. Bigla pa naman akong nawawala sa sarili ko pag andyan si Prof.
"Have you experienced having a crush, Sheiia?" Napatingin ako kay Vera. Busy na ulit ito sa phone nito but I know that she's waiting for my answer. Parang hindi talaga ako makakatakas sa babaeng ito kahit anong gawin ko.
"I don't know. Yeah, maybe?" Hindi sigurado kong sagot. Hindi ko rin kasi alam kung nagkaroon ba ako ng crush. Or baka naman naghanap lang ako ng brother image or what. Damn, I don't really know. I feel so naive at that moment.
"You don't know? Wow. Crush lang naman e. Almost everyone has their crushes nowadays. Artista man yun. Friend nila, or anyone. As in anyone."
Napatingin tuloy ako kay Prof. Melendrez. May kausap itong babae di kalayuan sa amin. Yung Professor na kasama nito kanina. Nananadya ata e, dito pa talaga nag-usap malapit sa amin. Para tuloy may kumirot sa puso ko. Damn, ano ba 'tong nakakainis na 'to. Hindi na talaga ako natutuwa.
"Crush mo si Prof?" Medyo napalakas ang boses nito kaya agad kong tinakpan ang bibig ni Vera. Napatingin tuloy ako sa paligid sa takot na baka may makarinig.
"Vera ano ba! Baka marinig ka ng mga tao, isipin nila totoo ang sinabi mo!" Bigla tuloy akong nagpanic. Ang daldal talaga ni Vera. Nakakanerbiyos siya sa totoo lang.
"Grabe ka. Ano naman ngayon? Crush lang naman e. Gwapo naman kasi talaga si Prof."
"At babae siya. Isa pa, Prof natin siya. Kaya tigilan mo ko dyan sa nonsense na lumalabas sa bibig mo. Hindi ko siya crush. Hindi, okay?" Medyo may bahid ng inis ang boses ko that time. E hindi ko naman talaga crush si Prof e. Alam ko sa sarili ko na hindi ko siya crush. Isa pa, nakakahiya. Maliban sa Professor ko siya, babae pa din siya.
"Are you trying to convince me, or may iba ka pang kinukumbinsi?" Pinandilatan ko tuloy siya ng mata. Damn, ang tagal ng one hour. "So, kung hindi siya babae, magiging crush mo siya?" Ayaw magpaawat e. Teka, bat ba kasi napunta kay Prof ang usapan namin?
"Tumigil ka nga Vera. Matakot ka naman sa sinasabi mo. Babae si Prof kaya paano ako magkakagusto sa kanya?"
"If that's the case, bakit maraming nagkakagusto sa kanyang babae dito sa school? Mapa-estudyante man o kapwa niya Professor. I don't see anything wrong in it. As long as you're not doing anything that may hurt other people." Nilapag nito ang phone at napatingin sa nakatayong propesora. Napabaling naman ang tingin ko sa Prof namin at sakto namang napatingin siya sa akin. Damn those sensual eyes again. I don't think this is good. Hindi ko pa naibaling sa ibang direksyon ang pangingin ko ay agad na itong tumalikod at humakbang palayo.
"Pero mali Vera. Babae parin siya. Kaya hindi ko siya crush. Tsaka hindi ako magkakacrush sa kanya. Kaya tama na yang imagination mo." Hindi ko alam kung para kay Vera yung sinabi ko o para sa sarili ko. I know na hindi ko crush si Prof Melendrez, but I can't deny that I have this different feeling towards her na hindi ko alam kung ano. Whatever it is, I should be keeping my distance towards that handsome Prof. I don't want to mess up again. Vera just nodded at me and continued doing something in her phone.
This is really getting out of control.
BINABASA MO ANG
I Love You, Prof.
General FictionI feel so indecisive What should I do? Without you is hell Uncertainty is all I feel How am I supposed to accept, The bitter fact That no matter what we do We're not meant to be? It's you - my forbidden happiness This love tears me into pieces.