A/N:
All the chaps are not edited yet so kindly pardon all my typos, loopholes and wrong grammars. Thank you! ✌
**********************************
Sheiia
Damn you, Vera.
Buong araw akong kinulit ni Vera kasi nagpanggap akong nagtatampo sa kanya. Paano ba naman, ni hindi niya sinabi na Ate niya si Prof. Melendrez! Kung hindi pa makikita ng dalawa kong mata kahapon, hindi ko pa malalaman.
Oo na, ako na natameme. May gana pa siyang tuksuhin ako at asarin tapos malalaman kong ate niya pala ang taong palaging gumugulo sa isipan ko. Nakakainis pero at the back of my mind, mas lalo akong humanga kay Prof. She looks so successful. May magandang trabaho, bahay at negosyo.
Damn, eto na naman. Mas lalo atang lumalalim ang kung anong meron ako kay Prof. Ano nga ba talaga?
Ang totoo, hindi ko rin naman alam kung ano. Crush? Nah. Definitely no. Nagkaroon na rin naman ako ng crush noon pero hindi ganito. Yung parang simpleng kinilig lang ako kasi gwapo o kaya naman bumilib lang ako kasi magaling sa volleyball.
Then what?
Hindi ko rin talaga alam kung anong estado ng katinuan ko ngayon. Habang tumatagal mas lalo akong naguguluhan. Ang problema ko pa, ten minutes before five in the afternoon na. Pupunta na akong bahay nina Vera, whether I like it or not.
So far, okay naman ang kinalabasan ng lakad namin ni Vera kanina. Kahit medyo imbyerna ako sa kanya, nagbiruan pa rin naman kami.
"She doesn't want me to tell you that we're sisters that I decided to bring you in our house. I was satisfied with what I've got in return, I surprised you both. Hindi rin kasi niya alam na andun ka."
Naalala ko pang sabi ni Vera nung tinanong ko siya kung bakit hindi niya sinabi agad sa akin ang tungkol kay Prof. Kaya pala ang dami niyang alam kay Prof nung nagtanong ako sa kanya.
Nagulat ako sa sagot niya, sa totoo lang. Eh bakit naman may patago-tago pang nalalaman ang propesor na yun? What difference will it make if I'll know that they're sisters?
To think ako lang pala ang hindi nakakaalam sa school na kapatid siya ni Vera. Damn, talaga. Buti nga ay hindi ako bumigay sa mga tukso ni Vera. Baka isipin niya eh pinagnanasaan ko na ang Ate niya.
"Shii, let's go. I'll be the one to drive you there, I want to make sure you're safe. I trust you, you know that right?"
That's Kuya Gid. Siya ang maghahatid sa akin kasi gusto niya daw masigurong safe ako. Kahit kailan ang protective talaga niya. But I like this side of him, anyways.
"Thank you, Kuya Gid. I love you." Niyakap ko pa si Kuya. I'm still lucky kasi ramdam kong mahal niya talaga ako sa kabila ng lahat.
He hugged me tight and kissed me on the forehead. "I love you too, baby Shii. Always remember that."
Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa Bugatti niya. Nasa pagawaan kasi yung Mercedes ni Kuya kaya yung Bugatti ang parati niyang gamit.
Five pm sharp nang makarating kami sa bahay nina Vera. Agad ko siyang tinawagan para sabihin na nasa labas na ako. Nahiya kasi akong pumasok agad lalo pa't alam kong sa bahay na yan nakatira si Prof.
"Hey, Sheiia. Nasa Supermarket pa kami, sorry may binili lang. Pabalik na kami. I'll call Ate to tell her na nasa labas ka na. Got to go."
Okay. Ni hindi manlang ako naka-hello at tapos na agad ang tawag.
BINABASA MO ANG
I Love You, Prof.
General FictionI feel so indecisive What should I do? Without you is hell Uncertainty is all I feel How am I supposed to accept, The bitter fact That no matter what we do We're not meant to be? It's you - my forbidden happiness This love tears me into pieces.