Sheiia
Sakay kami ng sasakyan ni Vera pauwi sa bahay nila. Hours passed pero hindi matanggal sa isip ko ang nangyari kanina.
There's this pain inflicted inside me when I saw her walked out. If we're not in a situation like this, I could have ran after her and show the world that I'm hers.
Pero wala akong nagawa kundi sundan siya ng tanaw papalayo. Parang napako ang mga paa ko dun sa lugar na iyon at hindi ko naigalaw ang katawan ko.
Hindi dapat ganun e. Kasi dapat alam ng mga tao na hindi na pwede, kasi may mahal akong iba. Na mahal ko siya. But they don't. They just don't know anything about us.
Ni hindi nila alam na ang taong mahal ko ay nasa paligid ko lang, nanonood ng tahimik at nasasaktan.
I'm also hurting, too.
Because I can't do anything to stop her from hurting. Yung alam kong alam niya na marami siyang pwedeng gawin para pigilan lahat ng lalaking magtatangkang manligaw o lumapit sa akin, pero hindi niya magawa. Kasi alam niyang hindi ko pa kaya. Kasi duwag din ako at hindi ko magawa. Kasi duwag din ako at hinayaan ko siyang masaktan.
God, why does it need to be so hard like this? Bakit kasi ang hirap maging masaya? Masama ba akong tao kaya ganito? I just want to love her the way she deserved to be loved. Pero bakit lagi ko nalang siyang nasasaktan?
I know that she's jealous everytime Matthew's around me. Matt likes me and we can eat together, talk as much as we want to, laugh together and be together everytime we want to.
Yung mga bagay na gusto naming gawin ni Prof pero hindi namin magawa kasi hindi dapat. Kasi sa mga mata ng ibang tao, mali. Kasi mali at mali lang ang makikita nila.
"Hey, you okay?" Tanong ni Vera. Kanina pa kasi ako tahimik at tulala dito sa tabi niya. Kunwa'y hindi ko narinig ang sinabi niya.
Tinampal niya ako ng mahina sa braso. "Thinking about what happened?"
Mabilis kumalat ang nangyari kanina kaya nakaabot sa kaalaman ni Vera. Hindi pa rin ako sumagot sa tanong niya. Wala akong ganang makipag-usap ngayon.
"Don't worry about Ate. She'll understand."
I know. I know that she'll understand. But that doesn't mean that she's not hurting. Ito yung pakiramdam na parang sinampal siya ng katotohanan na lahat ng lalaki puwede akong ayain na maligawan sa harap ng ibang tao, sa bahay, sa school o kahit saan. Pero kapag siya hindi puwede. Kasi mali.
Am I wrong in taking the risk? Kasi hindi sana ganito kasakit kung pinigilan ko ang sarili kong mahalin siya.
Past six nang dumating kami ni Vera sa bahay. Nasa garahe na ang kotse ni Prof pero wala siya sa loob pagpasok namin.
Tahimik kaming kumain ni Vera. Mabilis ang mga kilos niya kasi babalik daw siya sa school para sa sayawan. Hindi naman required ang pagbalik pero I'm sure madaming babalik.
"Hindi na muna ako sasama, Vera. Wala ako sa mood."
"Okay. Ikaw na muna bahala kay Ate. I'm pretty sure na nasa kwarto niya iyon at nagkukulong. Andito na kasi ang car niya. I'll be back before midnight."
Tumango lang ako at agad na itong umalis. I locked all the doors and went to Vera's room. I think I need to wash out all the bad memories earlier. Pumasok ako sa banyo at naligo.
Tapos na akong maligo pero hindi ako makatulog. Hindi ko mapuntahan si Prof kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
It's seven thirty already and she knows I'll be staying here for tonight but she wasn't even texting or calling me. Hindi ako makatiis at tumayo ako sa kama saka lumabas ng kwarto ni Vera.
BINABASA MO ANG
I Love You, Prof.
Fiction généraleI feel so indecisive What should I do? Without you is hell Uncertainty is all I feel How am I supposed to accept, The bitter fact That no matter what we do We're not meant to be? It's you - my forbidden happiness This love tears me into pieces.