Chapter Eleven : Bewildered

7K 149 1
                                    


Sheiia

Stop me from being senseless, please.

What the fuck is that? Hours passed but I can't get her face off my mind. Damn, all I could ever think up to this moment is her eyes pleading.

Alam mo yung feeling na gusto mong maging masaya pero hindi mo alam yung dahilan kung bakit ka dapat maging masaya? Yung feeling na parang nabigyan ng kasagutan yung tanong mo, na in the first place ay hindi mo naman alam ang tanong.

It felt like my mouth was being zipped that moment I wasn't able to utter even a word.

Sorry about that. Just, just forget what I've said.

Tapos biglang bawi nang ganun. Ni hindi manlang ako nakahuma. Hindi ko pa nga fully processed yung mga sinabi niya.

Did I hear it right? Prof has confessed to me?

Wala naman siyang sinabing gusto ka niya!

So anong ibig sabihin nun? Wala lang at sadyang maganda ka lang? Ganun ba yun?

Damn you Prof. Why do you have to say that? You made me bewildered, so much.

"Lerise, come. Kakain na daw tayo." Damn, that name again. Habang tumatagal, mas lalo kong pinagsisisihan na pinagbigyan ko si Matthew na tawagin ako sa pangalang iyon.

It's just a name!

Kahit na. Feeling ko hindi na ako komportable sa ideyang may ibang taong tumatawag sa akin sa ganung pangalan.

My sweet Lerise. Damn, why can't I take you off my mind?

Ipinikit ko ang aking mata. I need a distraction. An effective distraction. Akala ko nung una simpleng kinakabahan lang ako sa kanya, but I know now that there's more beyond that eratic heartbeat of mine.

Mali ito. Hindi dapat. For God's sake! Prof ko siya at isa pa, babae siya. I need to hold on to my senses. This is wrong from the very start.

"Sheiia, let's go." Aya naman sakin ni Patrice. Nakita kong sumunod din sa kanya si Roxanne.

"Yah, sige. Tara na." At tumayo na rin ako para sumunod sa dalawa. Andun na kasi ang iba sa kusina.

Si Vera ang nagserve ng mga pagkain sa mesa katulong si Matthew. Iginala ko ang aking mata, trying to find someone. Damn, I shouldn't be looking for her.

"Si Prof, hindi ba sasabay sa atin?" Tanong ni Brix. True to Vera's words, civil naman silang dalawa ni Brix. Malayo sa Brix na nang-aya sakin maglunch kasama nito. Kung titingnan mo silang dalawa ni Vera, para silang walang nakaraan na pinagsaluhan.

"Kinuha pa niya yung niluto niyang adobo. Specialty niya yun, guys."

Si Prof daw yung nagprepare ng dinner namin, sabi ni Vera. Damn, pati pagluluto magaling din siya. I should refrain myself from paying too much attention on everything that concerns her.

Nakaupo na kaming lahat nang pumasok si Prof. Naka-apron pa talaga ito at nakalilis ang manggas ng suot na three fourths. Naka short nga lang ito, as well as other people around me. Except me, of course. Nahihiya ako magsuot ng short lalo pa at andyan lang si Prof sa paligid.

Nasa kabisera si Prof since siya yung senior dito saming lahat. Sa tabi niya si Vera which is sa tabi naman ako ni Vera. Ibig sabihin, we're just one seat away from each other. Feeling ko hindi ako makakakain nang maayos ngayon after what happened, favorite ko pa naman ang adobo.

Maingay ang lahat habang kumakain, kami namang dalawa ni Prof, nagpapakiramdaman. Or sadyang ako lang talaga yung nakikiramdam kasi nakikisali din sa biruan si Prof.

I Love You, Prof.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon