Sheiia
Days passed until it became weeks. From that span of time, I was able to bond with Vera's friends. Enough for me to be comfortable being with them. Maliban na lamang kay Matthew.
Nothing's wrong with Matthew. Medyo ilag lang ako sa kanya since very vocal ito sa pagsasabi na gusto niya daw ako. Yes, Matthew has confessed that he likes me since the first time he laid his eyes on me. Which is, sinuportahan naman ng iba niyang friends. Honestly, I don't feel good about this. Buti na nga lang, hanggang parinig pa lang ito sa akin.
Guwapo naman si Matthew, idagdag pa na mabait. Yung tipong Nick Jonas ang dating, matangkad lang ng konti sa aktor. Akala ko nga noong una maere itong tao, kabaliktaran pala ang ugali nito. Kung sa ugali lang, wala na sana akong hahanapin pa sa kanya.
It's almost lunch time and nakatambay kami sa labas nina Vera, Roxanne, Ralf and Matthew. We had a quiz in Marketing Research and since we're done, we were able to go outside the room ahead of those who are not yet finished. Kabilang na doon sina Patrice at Vincent. We've decided to just wait for them outside the room since sabay daw kaming magla-lunch.
"Sheii, ano kumusta na si Matthew? Nanligaw na ba sayo?" Si Ralf iyon. Nakita kong umakma ng suntok si Matthew, maybe to shut up his friend. Napangiwi ako dun sa tanong, ayoko kasi mapunta sa ganito ang usapan.
"Ano ba kayo. Wag nyung tuksuhin si Matthew. Friends lang kami niyan. Tsaka bawal pa ako magpaligaw." Sana kagatin nila ang sagot ko. Ayokong dumating sa point na manligaw talaga sa akin ng totohanan si Matthew.
'Eh sino gusto mong manligaw sayo?'
Here comes this crazy number two of myself. Sabat ng sabat parati. Mula nung time na sinabi ni Matthew na maganda raw ako, sa harap pa mismo ni Prof, lalo lang naging atribida tong inner side ko. Lagi nalang ako kinokontra sa lahat ng bagay. Since then, mas feeling ko lalong naging mailap sakin si Prof.
Sus, mailap talaga e hindi naman kayo close. Pagdadrama mo dyan, talo mo pa brokenhearted. Hindi mo nga crush diba?
Hindi ko nga kasi crush!
O eh ano? Bat may pasenti ka pa dyan? May mailap ka pang nalalaman.
Ewan ko sayo!
Nalilito na nga ako e. Hindi ko naman kasi talaga crush si Prof. Pero hindi ko alam kung bat ganito yung epekto niya sa akin. Parang wala pang dalawang buwan since nakilala ko siya. And to think, we're not that close para makaramdam ako ng ganito.
"Friends lang talaga, Lerise? Kung sakali ba manligaw ako, di pa rin ba pwede? Hindi ka na rin menor de edad diba?" Nagbakasakali pa talaga si Matthew at bahagyang umisod para mas maglapit kaming dalawa. Hindi paman ako nakasagot ay tumunog na agad ang phone ni Vera. Buti nalang hindi bawal ang tumambay sa labas ng room since malaki naman ang hallway. Kanina pa sana kami napaalis dito dahil sa ingay namin kung sakali.
"Wait guys, it's my sister." Inilapit naman ni Vera sa tenga nito ang aparato. "Yes ate? Ah-uhuh." Bahagya pa itong sumulyap sa aming dalawa ni Matthew. "Yeah, sure thing. You owe me one, big sis. Got to go. Love you!"
Yun lang at binaba nito ang phone. For how many days kaming magkasama, di ata binanggit ni Vera ang ate niya. Puro kasi kami kalukohan, kaya hindi rin kami masyado nag-uusap regarding our families. Which is favorable on my part, though. Ayoko din kasi magtanong sila sa akin kaya ayoko din magtanong sa kanila.
"Ansabe ni ate mo?" Tanong ni Roxanne at bahagya pang sumilip sa room. Baka inaabangan sina Patrice.
"Wala. May bilin lang sakin. Uy, Matthew! Lumayo ka nga kay Sheiia. Sagwa mo itabi sa kanya. Dun ka sa tabi ni Ralf!" At pumagitna naman ito sa amin ni Matthew. Nagkatinginan tuloy sina Ralf at Roxanne.
BINABASA MO ANG
I Love You, Prof.
General FictionI feel so indecisive What should I do? Without you is hell Uncertainty is all I feel How am I supposed to accept, The bitter fact That no matter what we do We're not meant to be? It's you - my forbidden happiness This love tears me into pieces.