~ 1 month later..
Hanggang ngayon di pa rin nagigising si Deighe, nag-alala na ako sa kaniya. Kailan ko lang din kasi nalaman na na-coma si Deighe, narinig ko sa usapan nila kuya at ang gang.
~ FLASHBACK..
Pumunta ako sa Garden, para dalhin ung ginawa kong snacks para sa kanila ngunit natigilan ako ng narinig ko ang pangalan ni Deighe.
" Zach, malapit ng mag-1 month at di pa nagigising si Deighe. " si Kuya Ace.
" Oo alam ko, na-coma kasi siya sabi ni Dr. Alegre. " si Kuya, kaya nabitawan ko ang dala dala kong mga snacks sa kanila kaya tumingin silang lahat sa akin,
" Yllana! " sigaw ni Kuya, ngunit tumakbo lang ako papunta sa room at nagmumomok. Nagsinungaling si Kuya, sabi niya okay lang si Deighe pero na-coma pala siya at di pa siya nagigising.
At huli ko lang na nakausap si Deighe matapos uli akong atakihin sa Hospital.
Bumalik ako sa ulirat ng nag-ring ang phone ko. Si Khenna.
[ Hello? ]
[ Yllana! Gising na si Deighe! ]
[ Ha? Talaga? ]
[ Oo, halika na dito ]
[ Sige, sige. Pupunta na ako ]
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Khenna dumiretso agad ako sa CR para maligo at magpalit. Pagkababa ko nakita ko si Kuya.
" Tara na Yllana, sabay na tayong pumunta sa hospital. " sabi ni Kuya.
" No, " cold kong sabi.
" Yllana, kailan mo ba akong mapapatawad? " naiiyak na sabi ni Kuya, kaya humarap ako sa kaniya. Nanlambot ang mga tuhod ko ng nakita kong umiiyak si Kuya.
" Kuya, stop crying. " sabi ko at inakap siya.
" Sorry, " sabi niya at hinalikan ang noo ko.
" Forgiven, " nakangiti kong sagot.
" Tama na nga, pumunta na tayo kay Deighe. " sabi ni Kuya at pinunasan ang mga luha niya.
Pumunta na kami sa hospital, at dumiretso kami sa room niya. Nakita ko si Deighe na nakatingin sa amin na para bang nagtataka.
" Deighe. " sabi ko at lumapit sa kaniya.
" S-sino k-ka? " tanong niya na ikinagulat ko.
" D-di mo ba ako naalala? " tanong ko at umiling naman siya.
" Huy, Deighe wag ka na mang magbiro ng ganiyan. Masakit e, masakit bilang best friend mo. " sabi ko habang umiiyak. Naramdaman ko ang kamay niya sa ulo ko kaya, tumingin ako sa kaniya at ang kinainis ko ay naka-smirk siya, kaya pinalo ko siya sa dibdib niya habang umiiyak.
" Walang hiya ka Deighe, ung iyak ko alam mo ba un? Ha? Galing mo rin mag-joke no? " sarkastiko kong tanong sa kaniya at pinagpapalo pa rin siya
" Aray, aray! " sabi niya at humawak pa sa dibdib niya kaya nag-panick ako.
" Ala, sorry. " sabi ko
" Joke lang! " tawatawa niyang sagot kaya pinagpapalo ko pa rin siya.
-
Nang na-discharge na si Deighe ay tinuruan namin siya nila Khenna sa mga past lessons namin. Magaling naman si Deighe, kaya nagets niya agad." Papasok na pala ako bukas. " sabi ni Deighe sa amin na kinatuwa namin.
" Talaga? Pero okay ka na ba? " nag-alalang tanong ko.
YOU ARE READING
Expect The Unexpected (ON GOING)
Teen FictionExpect the Unexpected ( The Story of Y and Z ) is a comedy romance story with little bit of drama. What will happen to their love story? It will be happy ending? Or tragic ending? Main Characters: NAM JOO HYUK as Zeus Marcus Delos Santos LEE SUNG K...