CHAPTER 14

2 0 0
                                    

* Yllana's POV *

Napa-upo ako dahil sa paghihinayang na hindi namin makausap si Khenna maski si Tita di pwede kausapin,

" Tama na yan, " si Kuya.

" Eh Kuya paano si Khenna?! "

" Mahahanap din natin siya sa ngayon umuwi muna kayo, magpahinga ka na. "

" Eh paano kuya? " di ko na mapigilang umiyak dahil sa paghihinayang, naramdaman ko na lang na inakap na ako ni Z.

" Shh, tama na makakasama sayo yan, " si Z habang yakap yakap niya ako. Hindi na ako nagsalita sa halip umakap na lang din ako sa kaniya.

" Umuwi na muna kayo ni Z, tama na yan. Kami na lang maghahanap kay Khenna.  " si Kuya kaya sumunod na lang kami sa kaniya at umuwi na kami.

--

" Z, mahahanap pa kaya natin si Khenna? " tanong ko.

Hinawakan niya ung pisngi ko, " Oo naman, tiwala lang. " sagot niya at ngumiti pa siya.

" Thank you, Baby Z. " sabi ko at inakap siya.

" I love you so much, Baby Y, " sagot naman niya at hinalikan ang noo ko.

" Ehem, " si Kuya

Ngumiti lang kami kay Kuya at nagpeace sign.

" Nahanap na namin si Khenna, " sabi ni Kuya kaya napangiti ako.

" Ano nasan siya Kuya? " tanong ko.

" Ganito wag kayong magugulat sa sasabihin ko, " sagot ni Kuya kaya bigla akong kinabahan.

" Nasa may bahay lang siya, pero di daw siya pwedeng puntahan e.." Sagot ni Kuya kay binatukan ko siya.

" Aray! " sigaw ni Kuya.

" Ung totoo kasi?! "

" Arranged Marriage na siya e, " seryosong sagot ni Kuya kaya nanlaki ang mata ko. Paano si Deighe?

" Alam na ba ni Deighe to? " tanong ko.

" Oo, at hindi niya matanggap sinisisi niya na siya ang may kasalanan, na hindi siya umamin agad. " sagot ni Kuya, kaya nag-alala na ako kay Deighe.

" Nasan siya Kuya? " tanong ko.

" It's better if we leave him alone first, he needs a time to accept the fact. " sabi ni Kuya. " By the way, aalis na tayo bukas mag-ayos ka na. " dagdag pa niya at umalis na sa kwarto.

Nanlumo ako bigla, ung halong lungkot, at galit. Inakap ako ni Z.

" Tahan na, masosolusyonan pa natin to, magpahinga ka na dito lang ako sa tabi mo. " sabi ni Z at hinalikan ang ulo ko, hanggang sa nakatulog na ako.

* Deighe's POV *

Nandito kami sa YG Company ngayon at di ako mapirmi dito dahil sa kaba at excitement na sana makita ko na si Khenna at ipagtapat tong sinisigaw ng damdamin at puso ko.

Hanggang sa narinig kong sumigaw si Yllana. Kaya nakaramdam ako ng kaba.

"  Tangina yan! Pumunta kami dito para mahanap ung kaibigan namin pero si tita mismo ang bawal kausapin? Shet, this! " sigaw ni Yllana at lumabas siya sa YG Company, samantalang ako ito parang gusto ko ng mawalan ng pag-asa na hanapin si Khenna kasi kahit mismong nanay niya di pwedeng makausap. Pero desisido na talaga akong hanapin si Khenna at mahalin ang best friend ko, expect the unexpected nga di ba? Kaya kailangan kong hanapin si Khenna.

" Hahanapin ko siya ano mang mangyari. Tara na, pauwiin niyo na lang muna si Yllana, kailangan niyang magpahinga. " sabi ko sa kanila, at lumabas si Zach para pauwiin na si Yllana.

Expect The Unexpected (ON GOING)Where stories live. Discover now