* Khenna's POV *
Hello! First time ko atang nag ka point of view dito sa story nila Yllana At Zeus.
Ako pala si Khenna Llynne Garcia from Japan! Joke from Ph lang.
So today is Prom Day, at excited na ako. Aamin na kasi ako kay Deighe ng nararamdaman ko, sana wag niya akong bastedin kasi masakit un e, ilang years ko ng tinatago tong nararamdaman ko para sa kaniya, hays.
Nireready ko na ang sarili ko para mamaya kailangan ko maging prepared kasi bigday to para sa akin, charr hahaha! Luh, baliw na ata ako.
* knock, knock *
" Ay anak ng tinapa! Nakakagulat naman! Wait lang po! " sigaw ko kasi nagbibihis ako kakatapos ko lang mag shower e, nakatakip lang ako ng tuwalya e,
* knock, knock *
" Ay anak ng, nagmamadali?! Ito na oh! Bubuksan na yung pinto! " sigaw ko at binuksan ung pinto.
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko." Chen?! Bat ka nandito? " tanong ko. Di niya ako sinagot sa halip ngumiti lang siya at inakap ako.
" Namiss kita Khelly. " sabi niya sa akin habang akap akap ako.
Bumitiw siya sa pag-kakakap sa akin at saktong dumating si Eomma (Mom) at Appa (Dad)" Eomma, Appa. Bat andito si Chen? Anong meron? " tanong ko. Nagkatinginan naman sila Eomma at Appa at ngumiti sa akin.
" Napagdesisyunan namin na ipakasal ka kay Chen. Para sa kompanya natin. " paliwanag ni Appa.
" Mwo?! Wae?! Ani! Di to pwede! Eomma, Appa di niyo hawak ang puso ko! At bat ako magpapakasal sa isang psycho?! " sigaw ko kaya sinampal ako ni Eomma.
" Hindi psycho si Chen! At wala ka ng iba pang magagawa pa! Kasi i-aanounce na namin ang engagement niyo sa Korea! " sigaw ni Eomma.
" Hindi!! Kahit anong gawin niyo di ako magpapakasal sa isang tulad niya! " sigaw ko
" Pasensya ka na kay Khenna, Chen ah? " pakiusap ni Eomma.
" Opo, mahal ko naman po ang anak niyo e. Ako na po bahala sa kaniya. " sagot ni Chen at tumingin sa akin.
" Sige maiwan ko na kayo. At ikaw Khenna, magimpake ka na, aalis ka mamaya pupunta ka sa Korea. " sabi ni Eomma.
" What?! Paano ung mga kaibigan ko? "
" Ako na bahala sa kanilang magpaliwanag at pwede ba, sumunod ka na lang sa akin kahit ngayon lang, anak. "
Tss. Anak?
Hindi na ako sumagot kundi dumiretso na lang ako sa kwarto ko at nag-lock.
" Khelly, buksan mo to, mag-usap tayo. " si Chen.
" Tss. Anong pag-uusapan natin ah?! Umalis ka na! " sigaw ko.
" Mag-usap na tayo. "
" Hindi! Ayokong makita ang pagmumuka mo! At hindi ako magpapakasal sayo kahit anong gawin mo ng pamilya mo! " sigaw ko.
" Hahaha! Nagpapatawa ka ba? Wala ka ng magagawa Khelly, sa akin ka na at wala ka ng magagawa doon! " sigaw niya rin.
" Pyscho ka talaga! Umalis ka na! " sigaw ko.
" Hahah! " nabuksan niya ung pinto kaya natakot ako.
" Anong gagawin mo?! " sigaw ko.
Lumapit siya sa akin, at may binulong sa akin.
" Mamili ka, magpapakasal tayo o papatayin ko ung mga kaibigan mo at pati na rin ang mahal mo na si Deighe. Pili na, baka mainip ako. "
Natakot ako sa binulong niya, ayaw ko namang madamay sina Yllana, Karla, Rechelle, Deighe at ang gang.
" Sige sasama na ako sayo, basta di lang madamay dito ang mga kaibigan ko pati si Deighe. " sagot ko kaya ngumiti siya sa akin.
Hindi na siya nagsalita kasi umalis na siya sa kwarto ko.
Inayos ko na rin ang mga gamit ko kasi flight ko ng mamayang gabi, kinuha na rin ni Eomma ung phone ko at pinalitan niya ng bago.
--
Pagdating ko sa Incheon International Airport sinalubong na ako agad ni Mr. Kim ang butler ko.
" Annyeonghaseyo, Madam. Tara na po. Pupunta na po tayo sa bahay niyo. " sabi ni Mr. Kim.
" Okay. " sumama na ako sa kaniya. Di ko maiwasang mapa-iyak kasi iniisip ko ang mga kaibigan ko at si Deighe.
Sorry Deighe, mahal na mahal kita.
---
Nasa kwarto lang ako buong hapon, buong magdamag. Hanggang sa tinawag ako ni Mr. Kim.
" Madam, pinapatawag po kayo ni Mam. Desiree. " tawag niya sa akin, di sana ako susunod pero ano bang magagawa ko? Lumabas na ako sa kwarto ko at dumiretso sa office ni Eomma.
" Khenna, pumunta kanina ang mga kaibigan mo. " sabi niya kaya napangiti ako.
" Nasan na po sila? " tanong ko.
" Di ka na daw nila pupuntahan kahit kailan, anak. At sabi rin nila na di ka na rin daw nila tinuturing na kaibigan. " sagot ni eomma kaya di ako makapaniwala.
" Ano?! Hindi sila ganiyan Eomma! Ano bang sinabi mo sa kanila?! Siniraan mo ba ako sa kanila? Eomma bat ka ba ganito? "
" Kasi di ka naman nila talagang mahal e, kami lang ang nagmamahal sayo. Si Chen, mahal na mahal ka niya! Bat di mo siya pag-aralang mahalin?! " sagot ni Eomma. Naiinis na talaga ako.
" Ahhhh! Ewan ko sanyo! Kung gusto niyo kayo na lang magpakasal ni Chen! Parehas naman kayong mamatay tao! " sagot ko at umalis. Duniretso ako sa kwarto ko, nilock ko un.
Hindi ako naniniwala na sinabi un ng mga kaibigan ko, sinabi lang un ng nanay ko dahil gusto niya ng pera, pera ng mga Corpuz! Naiinis ako sa kanila, ang selfish nila. Gagawa ako ng paraan para makaalis dito sa impyernong to! Nakakainis! Nakaka-imbyerna!
--
Ilang araw na akong nasa kwarto lang, di rin ako kumakain. Para san pa? Eh dito lang din naman ako mabubulok.
" Anak, Khenna kumain ka naman na. " si Appa. Palagi niya akong kinukulit na kumain at palagi rin namang akong tumatanggi.
" Wala po akong gana, mapapagod lang po kayo jan! " sigaw ko at narinig ko na ang yapak niya na palayo.
Nanatili lang ako na nakahiga dito sa kama ko, hanggang sa may naramdaman akong mainit na likidong tumutulo sa mga mata ko.
Umiiyak na naman pala ako, biruin mo sa kakaiyak ko palagi di ako nauubusan ng luha.
Pinunasan ko ang aking luha. Bakit ba ako umiiyak? May namatay ba? Palaban si Khenna di ba? Palaban ako? Kaya dapat lumaban ako, I need to fight for my love.
Hayaan niyo, lalaban ako. Hintayin niyo lang ako at uuwi na ako. Uuwi na ako sa piling niyo.
Deighe, hintayin mo ako.
---
END OF CHAPTER 16!
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT!
©Bamgoloid. 2017
YOU ARE READING
Expect The Unexpected (ON GOING)
Novela JuvenilExpect the Unexpected ( The Story of Y and Z ) is a comedy romance story with little bit of drama. What will happen to their love story? It will be happy ending? Or tragic ending? Main Characters: NAM JOO HYUK as Zeus Marcus Delos Santos LEE SUNG K...