* Deighe's POV *
Haist! Naiinis na talaga ako. Magdadalawang buwan na wala pa rin sa piling ko si Khenna. Namimiss ko na talaga siya, pero ano ba ang puwede kong gawin?! Nakaka puta lang e, wala akong magawa para sa kaniya!
" Hoy, " tumigin ako sa likod, si Zeus pala.
" Oh, bat ka andito? " tanong ko.
" Bat masama bang umupo dito? " sarkastikong tanong niya.
" Tss. Mana ka talaga sa Kuya mo. Pilosopo. "
" Siyempre, pero mas pogi ako sa kaniya. "
Siraulo talaga to.
" Iniisip mo ba si Khenna? " tanong niya, natahimik lang ako sa tanong niya. " Oh bat natahimik ka jan? "
" Pag sinabi ko bang Oo matutuwa ka na? "
" Bat naman ako matutuwa kung lahat naman tayo namimiss si Khenna? "
Tama naman siya, lahat kami miss na miss ka na Khenna, kailan ka ba babalik?
" Alam mo Deighe, kung mahal mo talaga siya ipaglaban mo. Kamatayan man ang kapalit, pero di ko sinasabi na gusto kitang mamatay ah? Deighe, nasa Korea lang siya at pwede mo siyang puntahan kahit kailan.
Oo alam kong Arranged marriage na siya, at may magagawa ka pa dun, ipaglaban mo si Khenna. Okay? " paliwanag niya sa akin.Sa bagay tama naman siya e, ipaglalaban ko si Khenn kahit anong mangyari.
" Sige, una na ako ah. " pagpapaalam niya.
" Salamat, Zeus! " sigaw ko.
Maraming Salamat, Zeus. Khenna, konting hintay na lang pupuntahan na kita.
* Yllana's POV *
Its been 2 months pagkatapos maospital ni Kuya and I think he is in very very good condition now, lately kasi nakikita ko siyang maagang matulog, at kumakain na rin siya sa tamang oras.
Sus, inspired siya kay Karla e. Hahahahahaha, masyado na ata akong masaya.
Well, speaking of Karla inamin niya na sa amin ni Rechelle na may gusto siya kay Kuya pero di pa daw siya aamin sinabi ko na tutulungan ko siya pero ayaw niya talaga, hmp bahala nga siya. Basta nandito lang ako sa tabi niya.
FLASHBACK...
Magkakasama kami nila Karlita at Rechelle sa may Starbucks sa may Technohub, Camp John Hay. We already ordered, Frappucinos and a slice of cake.
" Namimiss ko na talaga si Khenna, " sabi ko.
" Ako rin naman e, akala mo Yllana ikaw lang? Lahat naman tayo e. " si Rechelle.
" Konting tiis na lang siguro at babalik na rin si Khenna. " si Karla.
" At sana nga, di pa talaga siya Arranged Marriage. " sagot ko.
" Well, speaking of that di ba kayo nacucurious??" si Karla.
" Curious about? " takang tanong ni Rechelle.
" Siyempre kung sino ung lalaking papakasalan niya. " sagot ni Karla.
" Malamang curious noh, " sagot ni Rechelle.
" Ikaw Yllana di ka ba, nacucurious? " tanong ni Karla.
" Medyo, pero wag na nating isipin un. Isipin na lang natin na nasa magandang kalagayan si Khenna ngayon. At ipag pray natin na sana makauwi na siya dito. " sagot ko na lang. At natahimik na kami.
YOU ARE READING
Expect The Unexpected (ON GOING)
Teen FictionExpect the Unexpected ( The Story of Y and Z ) is a comedy romance story with little bit of drama. What will happen to their love story? It will be happy ending? Or tragic ending? Main Characters: NAM JOO HYUK as Zeus Marcus Delos Santos LEE SUNG K...