* Yllana's POV *
Hello world! Halos dalawang linggo na rin na wala pa rin kaming balita tungkol kay Khenna, nag-alala na ako. Namimiss ko na rin siya e.
Nasa school canteen ako ngayon, ito kasama si Z.
" Babe, kain ka na. Iinom ka pa ng gamot. " sabi ni Z sa akin.
Tumango naman ako at kumain na. Narinig ko naman siyang tumatawa, kaya tumingin ako sa kaniya." Oh, bat mo ako tinatawanan? " tanong ko sa kaniya.
" Eh kasi ang takaw mo, ilang months ka ba di nakakain? Pinapakain ka ba ng Kuya mo? " biro niya sa akin, kaya pinalo ko siya. "Aray, aray! Tama na, masakit ung palo mo! " naka-pout na sabi niya.
" Ehem! "
" Ay palakang kokak! " sigaw ko kasi nagulat ako, pagkatingin ko si Kuya ang sama ng tingin sa amin ni Z.
" Canteen ata to. " sabi niya sa amin at umupo sa harap ko. At masaklap kinain niya ung kinakain kong Brazo de Mercedes. Paborito ko yan, Kuya!
" Yah! Kuya! Baka akin yang kinakain mo? " sarkastikong tanong ko.
" Hayaan mo na si Zach, PG yan e. Bilhan na lang kita ng bago. " nakangiti niyang sabi sa akin kaya kinilig tuloy ang lola niyo.
" Anong PG ka jan?! Baka nagugutom lang ako, Zeus?! " sigaw ni Kuya. Hays ayan na naman siya ay sila pala. At sumubo na naman si Kuya, ang laki pa ng pagkakasubo niya kaya parang isang subo na lang ubos niya na ang Brazo de Mercedes ko.
" Tignan mo na, ubos na e. Gutom lang daw siya e. " dagdag pa ni Z kaya binatukan siya ni Kuya.
* blag *
* asdfghjkl *
Yan lang ang mga naririnig ko sa kanilang dalawa habang nag-aaway sila. Haist.
" Oh, anong nangyayari dito? " si Kuya Ace.
" Tsk, Kuya Ace nag-aaway na naman sila. " sabi ko na lang.
" Hoy Z! Di pa rin ako boto sayo para sa kapatid ko! " sigaw niya
" Ikaw tandang sora ay este PG'ng Supremo, manahimik ka na lang. Para di ka tumatanda! " sigaw naman ni Z. Kaya di ko na mapigilang tumawa.
" Pft. Hahahahahah! Tandang Zachary hahahahahaha! " tawa ko kaya tumingin silang dalawa sa akin, si Z nakangiti sa akin na halatang nagpipigil ng tawa, si Kuya Ace, natatawa na rin, samantalang si Kuya naka death glare sa akin. Patay ayan na siya.
" Ah, sige alis na ako ah. Ituloy niyo lang yan. May klase pa ako e. Babye! " sabi ko at umalis na, baka masigawan ako ni Kuya ng wala sa oras.
Hanggang sa nag-vibrate ung phone ko.
Kuya kong pogi. Pinalitan niya kasi ung pangalan niya e.
Patay ka sa akin mamaya sa bahay. Panget kong kapatid.
Patay! Lagot ako nito. Anong gagawin ko? Halaaaa! Kinakahaban na ako, magiging dra--- ay hindi dinosaur pa siya mamaya hihi.
--
Mabilis natapos ang klase ko, dumiretso ako agad sa may parking lot.
" Yllana, "
May nagtawag ng pangalan ko, pero nung lumingon ako sa likod wala naman pati sa gilid.
" Yllana, "
Natatakot na ako, ung boses niya parang narinig ko na dati pero di ko maalala kung saan at papaano.
Hanggang sa may humila sa akin.
" Anong gagawin mo? " tanong ko.
" Relax ka lang, ituturo mo lang naman kung nasan ang Kuya mo e. " sagot niya.
YOU ARE READING
Expect The Unexpected (ON GOING)
Teen FictionExpect the Unexpected ( The Story of Y and Z ) is a comedy romance story with little bit of drama. What will happen to their love story? It will be happy ending? Or tragic ending? Main Characters: NAM JOO HYUK as Zeus Marcus Delos Santos LEE SUNG K...