Nadine's POV
"*buweeek* *buweeek*"
Napamulat ako ng Mata dahil sa tunog na yun..parang may nagsusuka..nagkusot kusot muna ako ng Mata tsaka ako naginat ng kamay..
Napansin ko, wala na yung dalawa sa tabi ko..asan na mga yun??..
Bigla Kong naalala si kath. Baka sya yung nagsusuka dun sa banyo right now.
Ohmy! Baka buntis na sya!.
Dali dali akong pumasok sa banyo. At yun nga, nadatnan ko dun si nica, hindi si Kath. Akala ko pa naman sya na yung nagsusuka naexcite pa naman ako. May makakalaro na si jd. Akala ko lang pala hehehe..
Patuloy parin na nagsusuka si nica dun sa bowl. Anyare sa babaeng to?..hinimas himas ko yung likod nya para maisubsub sya dun sa bowl. Di joke lang hahaha para mabawasan yung paghihirap ni bruha..
"Ok kalang ba?" Tanung ko..sinuka nya muna yung last bago sya sumagot sakin..
"Bes, may nanyari ba satin kagabi-- aray!" Binatukan ko nga..naisip nya talaga yun eh.."joke lang ano ba! Hahaha"
"Tanga ka rin noh..Andami mong alam, ganyan na nga kundisyon mo. Ano ano pang naiisip mo" inabutan ko sya ng baso ng tubig..
"Thanks!" Nakangiti nyang sabi..aba..OK na agad ah hahaha
"yan kasi, hindi ka paawat kagabi eh, basta inom kalang ng inom kahit hindi na kaya. Oh ano kinalabasan? Hangover? Tsk!" Binigyan ko sya ng tuwalye pangpunas nya.."By the way, nasan pala si Kath?"
"Huh? Wala na ba dun sa kama?..Katabi mo lang sya kanina ah..baka nasa baba na, kumakain" ininum na nya yung tubig tsaka na lumabas ng banyo. Sinundan ko naman sya palabas.
"Masakit ba ulo mo?" Nagaalala Kong tanung.."ikukuha kita ng gamot?"
"Hindi na. Kain nalang tayo. Pagkain lang, OK na ko haha" kadalasan kapag may hangover ka, moody, hindi maipinta ang mukha or isang asar mo lang sakanya, kulang nalang bugahan ka ng apoy..pero sya iba..ansaya nya pa nga eh..abnormal ata tong babae na to..
Lalabas na Sana kami ng pinto ng may marinig kaming hilik..nagtinginan kami ni nica..tinignan ko sya ng 'sino yun?'.. Nagkibit balikat naman sya..
Dahan dahan akong pumunta dun sa kabilang side ng Kama. Eh walang tao sa Kama eh.. Malamang nasa sahig yun..
^_^
Pagkakita ko, si Kath lang pala..ang likot matulog talaga nito..yan tuloy Nahulog na sa Kama.
"Sino-- hala! Hahaha"- bungad ni nica nung nakita niya si Kath..lumapit ako Kay Kath.
"Kath..kath..gising, nasa sahig kana oh" pero ayaw parin magising, sumunod naman si nica. Sinara nya muna yung nakangangang bunganga ni kath..hehehe baka mapasukan pa ng kung ano ano eh^_^..
"Kath..uy! Gising na-- aray! Ano ba nadz!" Hinampas ko nga sa braso. Kung gisingin naman nya parang asong natutulog lang eh tsss..
"Dahan dahan naman.." Kahit ang ingay na namin dito hindi parin sya nagising..
Tumayo naman na ako, naalala ko kasi may meeting pa ko ng 8am..magluluto nako para sa breakfast namin lahat..
"Oy nica, gisingin mo si kath tsaka palipatin mo Jan sa Kama. Baka paggising nyan sumakit likod nya eh. Yung dahan dahan ah.." Bilin ko tsaka nako lumapit sa pinto.."kung ayaw pa magising, tawagin mo na si DJ Tsaka mo pahalikan sakanya haha sleeping beauty lang eh" pahabol ko pa..
"Yes! Madam!" Sagot naman ni nica na nag salute pa.
Nakangiti akong bumaba ng hagdan. Kahit papano namiss ko sila. Yung kulitan at tawanan namin namiss ko ng sobra.
BINABASA MO ANG
Game of Love (Kathniel And Jadine Story)
Fanfiction~ang pagibig parang laro, minsan talo, minsan panalo..kahit pagod na sige parin basta sa mahal mo.. ..pero darating kaya ang araw na susuko nalang sya? yung hindi na nya kaya, kaya iiyak nalang sya? ***** Dont plagiarize my work! :)