A/n:
PAALALA!: May kauting ANO akong nilagay sa chap na to. Hahaha alam nyo na yun kung ano yung ANO😉
••••
Celebration
Jane's POVHappy birthday to meeee! Huhuhuhu.
Birthday na birthday ko iniwan ako?. Ang daya. Ang daya nila. Ang daya daya nila!. Hindi man lang ako ginising para makasabay ako sakanila. Hinayaan lang nila akong umano. Ganda ng Pa surprise nila sakin, kaka touch!
Lagi nalang akong naiiwan..ang saya ko.
"AAHHHHHHH!" sigaw ko habang niyoyogyug pa ang hawakan na bakal. Kulang nalang sumubsob ako.
Pwede bang tumalon nalang ako dito sa dagat? Makikita ako ng nga dolpin tapos sila nalang maghahatid sa destinasyon ko?.
Napasalpak ako sa sahig habang niyoyogyug parin yung hawakan na bakal. Narealize ko, Hindi nga pala pwede malulunod ako sa dagat kapag ginawa ko yun. Hindi pa naman ako marunong lumangoy..
"Ang oa ah.." Sabi ng kung sino. "..ito pala yung pinadala mong mga bato." Nilatag ni Camille yung mga maliliit na bato sa tabi ko.
Kinuha ko yun at pinaglaruan sa kamay ko.
"Aanhin mo ba yan? Pangsasapat mo sa bingo cards?-- magbibingo ka?!"
"Pwede rin ipalunok ko to sayo." Sabi ko at tinapunan sya ng mapait na tingin.
"Eh? aanohin mo nga kasi yang mga bato?" Iretabling sabi nya.
"kamusta mga kaibigan mo, tumalon na ba ng dagat?" Pangiiba ko ng usapan.
Ang totoo nyan, marami akong panggagamitin dito sa mga bato. kasing laki lang sila ng holen pero nakakamatay. Bwahahaha!
Bakit ko pinadala? La lang, trip ko lang.
"Kaibigan ko lang. Hindi mo kaibigan?" Tanong nya, Hindi ko sya pinansin. wala dun ang sagot sa tanong ko tss. "nasa baba yung dalawang lovebirds at si Alex na hinihintay ka daw na bumaba ng yate at ako syempre andito kasama ka" maarteng sagot nya sabay halik sa kanang balikat ko.
Isa pa yun na nakakainis. pwede naman syang sumama nalang kila kuya pero pinili nyang hintayin kami--ako. Yung OA na kuya ko naman pinasama narin yung barkada nya para safe daw kami sa biyahe. Parang naman may biglang lilitaw sa dagat na gunman, tsk! Pareho silang magbabarkada, mga OA!.
"Eh? Sila kuya Diego at kuya yves?" Tanong ko kay Camille na nasa balikat ko parin ang ulo Nya. "Umayos ka nga!"
sa halip na alisin, kiniskis pa nya ang ulo sa balikat ko na parang pusa--pusang ulowl! Na hula ko'y nakanguso pa! "Ayun...nagswimming kasama si oliver. Baka nasa tabi tabi lang mga yun."
"Eh bakit Hindi sumama si Alex para matuluyan na?!"
"Ay grabe sya... ang harsh!..diba nga sabi ko hinihintay ka? Naiinggit daw kasi dun sa dalawa na naglalapungan na."
"Yaan mo sya maghintay." Matigas kong sabi.
"Ay..tara na, swimming na tayo sayang yung magandang panahon."
"Ayawko! Ikaw nalang!"
"Ok ikaw bahala.." Sabi nya na tuluyan na nga umalis. May binulong pa sya pero hindi na rin inintindi.
Hindi ko na alam kung ilan oras na kami nandito sa dagat sakay nitong sosyaling yate ni papa. Actually kay lolo to binigay na nya kay Papa Hindi naman na daw kasi nya nagagamit kaya ito nalang ginamit namin kesa mag motor boat pa kami. Mas bongga pa. Yate to men! Yate! mas mahal pa sa kotse ng lolo ng lolo mo!.
BINABASA MO ANG
Game of Love (Kathniel And Jadine Story)
Fanfiction~ang pagibig parang laro, minsan talo, minsan panalo..kahit pagod na sige parin basta sa mahal mo.. ..pero darating kaya ang araw na susuko nalang sya? yung hindi na nya kaya, kaya iiyak nalang sya? ***** Dont plagiarize my work! :)