The Final Game

277 8 0
                                    

Enjoy reading!

-:)

"Wag!" pigil ni nadz kay janell ng umamba itong may pipindutin sa kanyang ipad. "..wag muna.."

"Tama si nadz, janell. Wag muna nating ipaalam kay claire na nandito tayo, malalagay lang sa panganib ang mga mahal natin sa buhay." dagdag ni nica habang nakikipag suntukan sa isa.

Gustong gusto ng pasabugin ni janell ngayon lahat ng ikinabit nyang bomba sa lahat ng sulok ng barkong ito, ngunit may punto ang kanyang mga kaibigan, isinantabi muna nya ang gigil at galit, tumango nalang sya at sinilid na ang ipad sa belt bag nya.

Patuloy lang sila sa pakikipaglaban, ng mapansin ni nadz ang pagkawala ni kath sa pwesto nito kanina..

Malakas na suntok sa mukha at tadyak sa tiyan ang naabot ng huling kaharap ni nadz bago ito lumapit kila nica at janell na kakatapos lang din mapatumba ang huling kalaban.

Mahigit isang oras na rin ang nakalipas ng dumating sila sa barko. May ilan na rin silang natamong sugat at pasa, dahil na rin sa dami ng nakalaban nila.

May nasa tatlong deck ang barko, nasa lower deck ngayon ang tatlo at Ang hula nila ay nasa upper ang kanilang hinahanap.

Nilibot ng tatlo ang tingin sa mga tao ni claire na nakahandusay na sa sahig.

"Kailangan na natin sila mahanap..nauubusan na tayo ng oras.." hinihingal na sambit ni janell.

"Oo--" hindi na natapos ni nadz ang sasabihin ng magpaputok si nica ng baril at kasabay nun ay ang pagtumba ng isang lalaki sa likod ni nadz.

"Sorry...malapit na sya eh tsaka may baril din sya, nadz" tamad naeksplinasyon ni nica habang binabalik ang baril sa kanyang belt.

Kabilin bilinan ni nadz ay kung maaari ay wag muna magpaputok lalo na ang magpasabog ang bomba, dahil hindi pa nila alam kung nasaan ang kanilang pamilya at kung ano na ang ginagawa ni claire sakanila.

"Kumilos na tayo.." paalala ni janell.

"Sa lower deck kami ni janell.." ani nica

"Hahanapin ko dito si kath, sigurado akong andito lang sya. May naririnig akong ingay sa bandang dulo.." ani nadz.

"Kung ganun, aalis na kami. Kita nalang tayo sa upper."

"Okay."

"Sige."

Agad na silang tumungo sa kanilang nais puntahan. Lahat ng nandito sa barko maliban sakanila syempre, ay tao ni claire syun na rin ito kay janell. Kaya kung may makita man silang nakaitim, sugod na agad at sigurado silang tauhan ito ni claire.

Agad din naman naghiwalay ng landas sina janell at nica pagkababa ng lower deck. Sumuot sa  panibagong hallway ang dalawa, sa kaliwa si janell habang sa kanan naman si nica.

Dahan dahan lang sa paglalakad si nica habang hawak ang baril na nakatutok sa harapan nya. Walang ni anuman ingay ang maririnig galing sa kanyang sapatos.

Sa isang dako, ay may tatlong bantay ang nasa harap ng isang pintuan, tila may tinatago sila sa loob ng kwartong iyon. Kumunot ang noo nya kung bakit sa dami ng pinto dito ay yun lang ang may bantay...

Posible kayang andun ang pamilya nya? O kaya ibang biktima ni claire?..

Lumingon ang isang bantay sa gawi ni nica, bago pa sya makatago sa isang pinto ay nakita na rin sya ng dalawang bantay.

Nagkibit na lamang sya ng balikat, bumuwelo sya at tumalon sa pader tsaka binagsakan ng suntok sa mukha ang unang kalaban. Tumba agad ito at dumugo ang ilong. Sinipa naman nya ang baril na nasa kamay ng pangalawang bantay, kinuha nya ang baril at tinuktok sa ulo nito, sabay tuhod sa tiyan at suntok naman sa mukha.

Game of Love (Kathniel And Jadine Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon