Chapter 49

749 18 9
                                    

James' POV


"Daddy! Doon tayo pumunta please!?"

"No! I want there tito daddy!"

"JD, malapit ng gumabi. Doon nalang tayo sa park."

"Exactly. Carlo malapit ng maggabi kaya mapapanuod pa natin yung sunset, dun nalang tayo sa beach"

"Eh, nadaanan na natin yun kanina eh"

"Kasi kanina Carlo, yung araw nasa taas pa. Mas maganda ngayun dahil palubog na"

"Doon nalang tayo sa park, pagkatapos sa beach naman."

"Ayaw Kong palagpasin yung sunset.."

"Bakit ba gusto mong makita yung sunset?"

"Sabi kasi ni mommy, kapag tumitig ka daw sa palubog na araw, maganda ito sa pakiramdam, Hindi mo namamalayan napapangiti kana pala. Ang ngiti kasi ng tao nakakahawa, kaya kapag nakita na ng mga tao na nakangiti ka, ngingiti na rin sila. Sandali mong malilimutan ang stress at problema pag nakita mo ang sunset."

"Hindi naman ako stress ah! Ikaw stress ka ba?"

"Hindi. Pero baka si Tito daddy nasstress dahil sa kakulitan mo hahaha!"

"Hindi ah! Good boy kaya ako..."

Kasalukuyan akong nagda drive habang nasa backseat yung dalawa. natatawa nalang ako habang nakikinig sa pinaguusapan nila JD at Carlo.

Sumilip ako sa rear mirror at nakita Kong hanggang ngayon nagtatalo parin sila. Ang kulit talaga haha.

"Saan ba talaga?" Natatawa kong tanong dun sa dalawa.

"Sa beach/park po!" Sigaw nila. Napailing iling nalang ako. Kahit papano nalilimutan ko din ang problema ko makita at marinig ko lang ang kakulitan nila.

"kung sa mall nalang kaya tayo pumunta? Kanina pa kasi tayo nagjo joyride."

"Eh daddy madaming Tao doon.."

"Kaya nga Tito daddy, sa beach nalang kasi"

Tumawa ako ng mahina. "JD, wala pang sunset, 3 palang oh!" Tumingin naman sya sa wrist watch nyang spiderman.

"Oo nga! Sa park nalang tayo Tito daddy"

"Wag na JD, parang ayaw ko na doon. Baka may mga bully pa dun, awayin tayo"

"Ano ka ba Carlo, andito naman ako ah! I'll protect you, promise!" Tinaas pa ni JD ang kanang kamay nya.

"Basta ayaw ko. Sa mall nalang"

"Sa mall?~ eh baka mawala naman tayo doon. Magisa lang ni tito daddy oh!. Hindi tayo kaya nyan." Binulong na ni JD yung last sentence, pero syempre narinig ko pa din.

"Sinong nagsabing hindi ko kaya hah"

"hahaha hala, narinig ka ni daddy"

"He hehe peace tayo tito daddy"

Buong biyahe lang kaming nagtatawanan. Kahit paikot ikot na kami, ok lang daw sakanila basta napapasyal ko sila.

"Daddy, diba bahay nila Tito DJ yun?" Tanung ni Carlo sabay dungaw sa bintana.

"Tito daddy, pwede ba tayong pumunta kila Tito ninong?"

"Oo nga daddy please?"

"Please, please please"

Game of Love (Kathniel And Jadine Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon