Chapter 50

449 11 0
                                    

Janell's POV


Agad akong napatakbo dito sa bar nang tinawagan ako ni Kath. "Bakit mo ba kasi ako pinatawag?" Sigaw ko. Halos Hindi ko na marinig ang boses ko dahil sa ingay ng music.

Alam ko paulit ulit na, mga limang beses ko na yan natanong sakanya, pero tuloy parin sya sa pagdededma sakin. Tsk!

"Hard pa nga!" Utos nya sa bartender na kaharap namin.

"Kakalagok mo lang yung isa kanina ah!" Sita ko saknya.

"Nakakainis, nakakainis, nakakainis sya!" Sigaw nya. Nakuha nya ang atensyon ng mga tao kaya center of attraction na kami ngayon, hays ayaw ko pa naman na pinagtitinginan ako.

"Sino ba yang kanina mo pa sinasabing nakakainis?" Tanong ko, sabay lagok nung alak ko.

"Sino pa nga ba? Edi yung babaero Kong asawa!" Sagot nya.

"Bakit ano bang--" Hindi ko na natapos yung sasbihin ko, may lalaki kasing biglang lumapit. Napatingin ako sakanya, mula ulo hanggang paa, May itsura naman  sya, maporma at mukhang Suki na ng mga bar.

"Excuse me girls, mukhang--"

"Sure! Let's go baby!" Kahit ang lalake nagulat sa kinilos ni Kath.

"OK, let's Go!" Tugon naman nito.

Pipigilan ko Sana, pero huli na ng magsalita ako, andon na si Kath sa dance floor kasama yung mistisong lalake. Antigas talaga ng ulo.

Walang duda, nagaway nanaman ang mag asawa. Malaki nanaman siguro ang nagawa ni DJ kaya nagkakaganito ngayon si Kath. Hinayaan ko na ngang sumayaw sya doon. Lasing na nga sya.



Nakatatlong shot glass ako ng maisipan ni Kath na bumalik sa table namin. Pasayaw sayaw pa sya ng maupo sa harap ko.

"Oh, nasaan yung date mo?"

"Date? Ah yung date! Hahaha ayun tzulog na!"

Tinignan ko sya, tumatawa sya pero umiiyak. Nababaliw na ata?

"Siguro nga nagkukulang na ko sakanya, kaya naghahanap na sya ng iba" dagdag nya.

Ano ba yan, bakit ba kasi ako ang tinawagan nya eh wala naman akong maiaadvice sakanya.

"Ano bang nanyari?"

"Tumalikod lang ako, may kasama na syang dikya! Tsk!"

"Ohw...ah baka misunderstood lang yan. Kinausap mo na ba?"

Umiling sya sabay tagay ulit ng alak nya. "Hindi pa."

"Yun naman pala eh, kausapin mo"

"ayaw ko pang makita ang mukha nya, sya ang nanbabae kaya dapat sya din ang lumambing sakin"

Hays, sasakit ang ulo ko nito, nararamdam ko.

"Eh bakit ikaw, nakipag sayaw ka doon sa lalaking stranger?" Biro ko.

"Edi kuwits na kami" wala sa sarili nyang sagot.

"Maisumbong nga kita sa asawa mo.."

"I don't care, Janell!"

"Hahaha sabi ko nga.."

"Janell?"

"Hmm?"

"I'm tipsy."

Game of Love (Kathniel And Jadine Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon