Chapter 61

275 6 0
                                    

Nadine's POV



Tulad ng inaasahan ay nagaya pa ang mga bata na wag muna umuwi, may gusto pa daw kasi silang puntahan. Si jd ang nagpumilit pumunta muna ng zoo na dati namin pinupuntahan. Gusto nya daw kasing ipakita ke carlo yung mga animals na paborito nyang tignan tuwing pupunta kami ng zoo. Pumayag nalang ako at si james, wala din naman kaming magagawa, tsaka nageenjoy naman ang mga bata, kaya hinayaan na lang namin.

On the way na kami sa zoo na gustong puntahan ng mga bata. Naiiling iling nalang ako ng marinig ko ng magumpisang magkuwento si jd sa backseat. Halos hindi na ito huminga dahil sa bilis ng pagsasalita nito, habang tahimik at nakangiti lang na nakikinig si carlo.

Tatawa tawa naman si james na nagmamaneho habang nakikinig sa kwento ni jd.

"Jd.." Tawag ko sa atensyon nito. Napahinto naman ito sa pagsasalita. "..umahinahon ka lang, okay?" Nakangiti ko ani.

"Sorry po, mommy. Excited lang po talaga ako na ipakita kay carlo yung mga animals na nakita ko na dati.." Masiglang sagot nito.

Napatango ako at tumingin na sa daan. Maya maya lang ay huminto na ang sasakyan, mukhang andito na kami.

Bago ko pa maimporma ang mga bata ay sumigaw na mga ito sa tuwa. "Yehey! Andito na tayo!"

Ako ang unang lumabas ng kotse, sumunod ay si james. Bubuksan ko na sana ang backseat ng mapansin namin ang nakasarang gate ng zoo, tumingin ako sa pambisig kong relo, kumot ang noo ko. Masyado pang maaga para magsara ang zoo..

Hindi ko na natuloy ang pagbukas sa backseat nang may lumapit samin ni james --na hindi ko napansin nasa tabi ko na pala-- na isang guard  na hula ko'y nasa mga kwarenta palang ang edad nito.

"Magandang araw po sa inyo..ma'am, sir." Bati nito. Tumango ako at ganun si james. "Nandito po ba kayo para mamasyal sa zoo na ito?"  tanong nito at Imuwestra ang kamay sa gate ng zoo.

"Oo sana, ngunit parang maaga kayong nagsara.." Si james ang sumagot.

"Opo sir, ang totoo nyan, kanina lang po pinasara. Pinaiwan lang po ako dito para magbantay."

"Pwede pa bang pumasok, kahit minuto lang kuya. Para lang sa mga bata." Tiyak na malulungkot ang mga bata pag nalaman nilang sarado na ang zoo.

Umiling ito. "Gusto ko man kayong pagbigyan sir, ma'am, sinusunod ko lang po ang utos sakin. At para na rin hindi mapahamak ang mga bata at kayo sir, ma'am" magalang nitong paliwanag.

Mapahamak? Sa mga hayop siguro..

"10 minutes, kuya. Para lang po talaga sa mga bata. At tsaka nandito naman kami, hindi mapapahamak ang mga bata sa mga hayop.." Nangungusap ang tinig ni james.

Natigilan ang guard, "naku.. Sir hindi po yan ang ibig kong sabihin." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. "Hindi po ba ninyo narinig ang balita? Araw araw na pong pinapasara ng maaga itong zoo o kahit sa park na kadalasan ay pinupuntahan na mga bata dahil sa kapahamakan na hatid ng mga nangunguha ng bata, at hindi lang po ang mga bata ang kinukuha, pati na rin ang mga matatanda. Wala po silang pinipiling edad. Pero kadalasan ay ang mga bata ang madalas na mabiktima sa kadahilanang hindi pa nila kayang ipagtanggol ang sarili sa mga masasamang loob. Pagkatapos nilang kunin ang biktima ay, ayun sa sabi sabi kinukuha ang mga laman loob at binibinta sa--"

"o-okay na po. Salamat po, kuya.." Putol ko pa sa mga sasabihin ni kuya, sa kadahilanang baka marinig ng mga bata ang sinabi nito, at matakot pa ang mga ito.

Tumango ang guard. "Wala pong anuman, ma'am. Sana po ay naintindihan nyo kung bakit po namin ito ginagawa, para na rin po sa kaligtasan ng mga anak nyo." Tumango ito at bumalik na sa pwesto nya kanina.

Game of Love (Kathniel And Jadine Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon