Nadine's POV
Bago pa man ako pumunta sa kwarto namin, hinintay ko muna syang makatulog na sa tingin ko naman ay mahimbing na itong natutulog.
Sinadya ko talagang iwan sya dito. Natatakot ako sa pwedeng manyari sa gabing ito. Ayaw ko syang makita akong umiiyak. Ayaw Kong maistorbo ang tulog nya dahil sa mga hikbi ko. Ayaw Kong kaawaan nya ko...
Kasalukuyang naglalakbay na ang tatlong magama sa kanilang panaginip. Nasa gitna si James at pareho namang nakayakap sakanya si Carlo at JD. Nakakagaan sa pakiramdam ang pagtitig sakanilang mga mukhang napaka amo.
Tumabi ako sa side ni JD. Tinanggal ko ang kamay ni James na nakapatong sa bewang ni JD. Nataranta ako ng gumalaw din ang kamay ni James kaya nabitawan ko ito agad.
Hinimas himas ko ang buhok ni JD. Naramdaman ko ang init mula sa gilid ng mata ko. Sana lagi ka nalang tulog para nailalabas ko lahat ng kalungkutan sa loob ko tulad nito. Hindi ko kasi magawa yun dahil lagi nalang nanjan ka na nakamulat ang mata, Hindi ko pwedeng ipakita sayo dahil natatakot ako sa pwedeng manyari, baka isang yakap mo lang mag bago na agad ang isip ko. Hindi pa kita kayang patawarin. Sariwa pa masyado. Wala pa akong gamot na napapahid sa sugat na iniwan mo.
Tumayo ako at humarap sa nakabukas na bintana. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa, ngayung maslalo pa kayo pinaglalapit ng tadhana.
Siguro naman maiintindihan mo ko balang araw. Para naman ito sa kaligtasan ng anak natin, ginagawa ko lang to para sakanya. *sniff*
"Can't sleep?" Mabilis Kong pinunasan ang basa Kong pisngi nung maramdam ko ang presensya nya galing sa likod ko.
Tumingin ako sakanya. Tumango ako tsaka ibinalik ulit ang atensyon ko sa lumilipad na kurtina. "May iniisip lang..."
"Sana wala ako sa iniisip mo.." Sambit nya.."ayaw Kong napupuyat ka kakaisip ng kung ano anong bagay.." Dugtong pa nito.
Hindi ako nagabalang magsalita. Maging ang sinabi nya ay hindi ko na pinansin. Paano nya nagagawang maging chill sa kabila ng nanyayari?. Bakit ganun, inilayo ko na si JD pero nagtatagpo parin ang landas nila? Close ba sila ni tadhana?..
"I'm sorry..." Lumingon ako sakanya pero saglit lang. Tumingin ako doon sa dalawa tsaka ako tumungo.
"Good night..." Malamig Kong sabi..pumwesto ako sa gitna nila Carlo at Jd. Nagkumot na ko tsaka pumikit. Narinig ko ang malalim na hangin ang pinakawalan nya tsaka naglatag ng kung ano sa sahig.
Sorry din....pero hindi pa ako ready..hindi pa sa ngayon.
Nakapikit ang mata ko pero buhay na buhay naman ang lamang loob ko. Hindi ako makatulog! Putik!
Kinuha ko ang cp ko na nasa table side, tinignan ko ang oras... Gezz! 1:45am na pero wala parin akong tulog!
"Hindi ka talaga makakatulog sa dalawang yan" ipinikit ko ulit ang mata ko nung marinig ko ang boses nya. Mahinang tumawa ito na kinamulat ng isang mata ko. Nakangisi ito habang nakatingin samin. "Ang lilikot talaga.." Sambit pa nito.
Tinignan ko ang posisyon ng dalawa...napabuntong hininga nalang ako. Ginawa talaga akong comforter nitong dalawa. Dahan dahan akong umupo at tinanggal ang kamay at paa nila. Inilahad ni James ang kanyang kamay habang nakayuko pa na parang prinsipe ang posisyon, hindi ko sana tatanggapin ang alok nya kaso kapag bigla akong tumayo baka magising tong dalawa. Inabot ko nalang ang kamay ko sakanya.
"Pano mo nalaman?" Tanong ko. Akala ko kasi mahimbing na syang natutulog.
"Hindi rin kasi ako makatulog, naramdam ko ang palipat lipat mo ng posisyon.." Nakangisi nitong sabi. Pagkakita ko, magkahawak pa pala ang kamay namin.. Agad Kong binawi ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Game of Love (Kathniel And Jadine Story)
Fiksi Penggemar~ang pagibig parang laro, minsan talo, minsan panalo..kahit pagod na sige parin basta sa mahal mo.. ..pero darating kaya ang araw na susuko nalang sya? yung hindi na nya kaya, kaya iiyak nalang sya? ***** Dont plagiarize my work! :)