A/N: unahin nyo pong basahin ang chap. 1 kesa sa chap. 4 magkakasunod sunod po yan. Napapansin ko kasi na nauuna ang chap. 4 na nabuto kesa sa chap. 1,2,at 3.
Pakiintindi nalang! Salamat!
-Smiley_Dan
****
Daniel's POV
"...Sorry, mamaya nalang tayo magusap." Bumeso lang sya saka na umalis. Hays..
Paano ko sya maiintindihan kung Hindi naman nya pinapaintindi??
Hindi ko nalang sya sinundan dahil alam kong babalik at babalik sya, naiwan nya yung Susi ng kotse nya dahil sa pagmamadali, hays wala pang anak makakalimutin na.
Pwede rin na Hindi na sya bumalik at mag taxi nalang, sabagay kasama naman nya si Kevin. Lagi nalang.
Simula nung dumating dito si Kevin or simula nung nagaway kami ni Kath, lagi nalang sila magkasama. Siguro dahil sa kung ano man ang misyon na yan! Ano ba kasi yung misyon nila, bakit Hindi pwedeng sabihin sakin?.
Pano ko nalaman? Syempre, inalam ko. Tungkol sa misyon lang ang nalaman ko. Hindi ko alam kung ano ba sila, kung pulis ba sila, secret agents o spy..ah Ewan!. Hindi pa ko mangingialam sa ngayon. Pero sa oras na may mangyaring masama kay kathryn, Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko.
Inubos ko lang ang iniinom kong kape tsaka nako tumayo at nagiwan ng bayad para sa lahat ng inorder namin ni Kath kanina.
Habang naglalakad ako sa parking, lumilinga linga rin ako para tignan yung kotse ni Kath, panigurado nag commute na yun. Yun nalang ang gagamitin ko pauwi, ipapahatid ko nalang kay diego yung kotse ko: ayukong ipagamit yung kotse ni Kath sa iba maliban sakin, selfish nga kasi ako pagdating sakanya.
"Kevin...here!"
Narinig ko ang boses ni Kathryn sa di kalayuan, sigurado akong kanya yun. Hindi ko man pangalan yung binanggit nya, madiin akong napapikit at limungon sa gawi nya. So magkikiti nga talaga sila..
Nakaharap ako kay Kevin, habang nakatalikod naman sakin si Kathryn. Medyo malayo ako sakanila kaya hindi nila pansin ang presensya ko.
Kasama ko lang sya kanina, pero ibang pangalan na ang sinisigaw nya..parang pinipiga yung puso ko ah. Parang andami Kong kinain na sili pala ang feeling, maanghang! Masakit sa hart! Amputs!
Napahinto ako sa pagiisip ng makita kong patakbong lumalapit si Kevin sa gawi ni Kath. Kasabay ng pagyakap nya sa asawa ko, ang sya ring tunog na ikinagunaw ng mundo ko..
*BANG!*
Isang malakas ng putok ang nagpatigil sakin..Hindi basta basta paputok lang yun, isa yung putok ng baril!
Oh shit!..
"Mine!" Agad akong lumapit at tignignan ang gawi kung saan nagmula yung putok, pero wala ng tao roon, wala ng anino, wala ng bakas ng krimen!.
"DJ!...oh my god..tulungan mo kong dalhin si Kevin, please DJ please!" Nagaalalang pakiusap ni Kath. Gusto kong tumalon dahil Hindi si Kath ang natamaan, pero sa tingin ko Hindi yun akma sa situasyon ngayon..
Naluluha na si Kath habang nakatingin sa nakahandusay at dugoan ng si Kevin.
"I'm sorry.."
"Ano ba! Wag ka na ngang magsalita..nauubusan ka na nga ng dugo tapos..aish!"
"B-buti na yun, at least h-hindi ikaw ang n-nasa posisyon ko n-ngayon.."
"Kevin naman!..hoy DJ! may balak ka naman sigurong tulungan kami dito ano?" Sigaw ni Kath na ikinaderitso ng tingin ko, oo nga pala.
BINABASA MO ANG
Game of Love (Kathniel And Jadine Story)
Fanfiction~ang pagibig parang laro, minsan talo, minsan panalo..kahit pagod na sige parin basta sa mahal mo.. ..pero darating kaya ang araw na susuko nalang sya? yung hindi na nya kaya, kaya iiyak nalang sya? ***** Dont plagiarize my work! :)