Chapter 54

446 8 2
                                    

A/n: sorry ulit sa late ud.😊 smile smile lang.

Nadine's POV

"Claire!" Sigaw ni James pagkapasok namin ng kwarto ni JD, nanguutos ang tinig nito. Hindi agad lumingon si Claire samin.

Hindi ko alam kung paano nakapasok ang babaeng to dito, alam ko ng manyayari ito, pero Hindi ko inaasahan kapag wala pala ako. Dapat na syang umalis, Hindi ko pwedeng ipakita ang galit ko sakanya, andito ang anak ko. Ayaw kong masaksihan nya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni James. Nagbaba ako ng tingin at natuliro sa kung saan, ganun pa man ay naramdaman ko ang dahan dahan nyang pagharap samin.

"Ano ba sa tingin mo?" Walang ekspresyona ang mukha ko ng nagangat ako ng tingin, tama nga ang hula ko, nasakin nya sakin habang kausap ang asawa. "Sa tingin mo ba, dinadalaw ko tong pinakamamahal na anak mo?"

"Ilabas nyo muna si JD...susunod nalang ako." Utos kila nica. Agad naman silang kumilos at inalalayan ang naka dextrose parin na si JD. "Anong kailangan mo?" Baling ko kay Claire.

"Kaya mo bang ibigay kapag sinabi ko?"

"Ano ang kailangan mo?" Mas madiin ko pang pauulit. Nararamdaman ko parin ang blanko kong mukha, iniiwasan na patulan sya pero sadyang nanadya talaga.

"Marami, Nadz. Marami akong kailangan" sa huli ay minouth pa nya ang 'sayo', iniwas ko ang tiningin sakanya. "Pero sa ngayon uuwi muna kami ng asawa ko, sa susunod ko nalang kukunin yung ibang kailangan ko." Ngumiti pa sya ng nakakaloko sakin.

"Okay." Tatalikod na sana ako pero naramdaman ko ang kamay nya sa braso ko.

"Wag kang bastos, kinakausap pa kita."

"Hindi kita papatulan,"

Tinaasan nya ako ng kilay. "At bakit?"

"Hindi ako pumapatol sa mga bastos, lalo na pag wala ako sa huwisyo." pinakakita ko ang pagkawalan na ng pasensya ko. "Pwede mo na bang alisin yang kamay mo sa braso ko?"

"Nasasabi mo lang yan dahil may mga kakampi ka sa labas.." Inirapan ko nalang sya, wala ako sa mood para makipagdada sakanya, kahit wala ang kasama ko, kayang kaya kong basagin yang bungo mo! "Mahirap akong kalaban, nadz."

Bumuntong hininga nalang ako at tumalikod. "sige."

"Claire...ano bang pinagsasabi mo?" Tinig ni James, napaharap ako sakanya at marahan na hinawakan ang kamay.

"Salamat sa oras mo." ngumiti ako sakanya, Hindi ko na hinintay pa ang tugon nya.. "Mauna na ko."

Narinig ko pa ang pagpigil sakin ni Claire, pero Hindi ko na yun pinansin. Maging ang tahimik na pagtatalo nila ay Hindi ko na inintindi, lumabas ako ng kwarto at agad hinanap ang mga kaibigan ko. Nagpalinga linga ako nang Hindi sila nakita sa labas ng kwarto, baka nasa canteen lang.

Sa kaliwang daan ako tumungo, dahan dahan lang akong maglakad habang nililinga ang kaliwa't kanan ko, wala naman akong hinahanap ngunit patuloy ko parin yun ginagawa, tss. Narating ko ang gitna ng hallway kung saan may paliko sa kaliwa, may nurse na tutumakbo roon, hindi nakita ang pagdaan ko kaya napabangga sya sakin. Nahulog ang hawak nyang clipboard at libro,

"Sorry po, ma'am." Sabi nya na agad pinulot ang ilan gamit.

matunog akong Bumuntong hininga at yumuko para tulungan sya sa....hays, sa gamit nya.. Tss. "Magingat ka nalang sa susunod.."

"Thank you." Pagkatapos nun ay tumakbo sya. Tss, kakasabi lang, eh.

"Matulungin ka palang mafia, noh?" Tinig galing sa aking likuran, babae. "Mabuti yan, madali kang makakapunta sa langit."

Game of Love (Kathniel And Jadine Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon