Kath's POV
Naalimpungatan ako dahil sa bangong dumampi sa dalawang butas ng ilong ko. Napaupo pa ko sa kama, ninamnam at sininghot singhot ang usok na hula ko'y nanggagaling sa kusina. Napangiti ako ng malaman kung ano yun.
Gumagaling na sa pagluluto ang kapatid ko, ah?..
Humikab pa ko ng isang beses, nag stretch at saka tumayo para pumunta sa banyo. Habang nagsisipilyo ay naalala kong pupunta pala ako ngayon sa ospital para bisitahin ang inaanak ko. Ilan araw ko din palang Hindi nakita yung batang yun. Nakakamiss yung kakulitan nya, napansin ko nga nitong ilan araw na tulog sya, boring ang buhay namin lahat. Alam kong sobra ang pag aalala na naramdaman ni nadine sa nanyari kay jd. Sana maging ok na si JD, lalo na si nadz.
Kamusta na kaya sya?..
Matagal tagal narin nung huli kaming nagkita. Busy rin kasi ako sa misyon ko at sa kaso ni JD. Ang totoo nyan may lead na kami kung sino ang gumawa nun kay JD. Nasa amin na din ang copy ng CCTV footage nang pinangyarihan ng insidente, nakatulong din samin ang text na natanggap ni nica bago nanyari ang lahat. Sa ngayon, kinikilala na namin ang suspek. At kapag nalaman ko kung sino sya--kakalbuhin kitang animal ka! Tsk!
Pagkatapos kung maligo, inayus ko na ang mga gamit ko at inilagay yun sa bag pack ko. Pinatuyo ko muna ang buhok ko gamit ang towel na nakapulupot parin dito. fresh na fresh ang feeling ko ngayon, aahh!. Pakiramdam ko ngayon lang ulit ako natulog at naligo ng matagal, sa sobrang pagmamadali kasi araw araw, wasik wasik nalang ang nagagawa ko. Pati ata tyan ko gusto narin magtrabaho.
Kasalukuyan akong nagsisintas ng sapatos ng mag vibrate ang cellphone ko, tinignan ko kung sino ang caller, si Jane yung tumatawag.
"Good morning!" Bati nya, inipit ko ang cellphone sa bandang leeg at tainga ko at pinagpatuloy ang naudlot Kong ginagawa. "Wala ba akong 'good morning' Jan?"
"Good morning.." walang gana Kong sagot.
"Tsk! Ano ba? Wala kana naman ba sa timpla, ate Kath?"
"Hindi pa ko nagaalmusal eh" kinuha ko ang cellphone tsaka tumayo. "Bakit ka ba napatawag?"
"Pupunta Ako sa ospital, sama ka?" Excited nyang tanong.
Bumuntong hininga ako. "Doon din ang punta ko. Mauna kana."
"Sabay nalang tayo, ate?"
"Eh? Pano yun, dadalhin mo kotse mo? Pupunta ka dito? papayagan ka ba?"
"Hahaha!..Hindi."
"Eh Pano nga?! Ako pupunta Jan?, ganun?"
"Yah! ...Yah, yah, YAH!" kanta nya pa. "Ikaw, sundo sundo sakin, then punta na tayo JD!"
(-_-)
"Ayuko. Mauna ka nalang."
"Luh? Bakit?"
"Maaksaya sa gas."
"Luh? Bakit?"
"ang layo kaya ng sainyo, dito. Taz pupunta pa tayo sa ospital.. Tss"
"Luh? Bakit?"
"Malayo nga kasi yung bahay ko sa bahay nyo!"
"Luh? Bakit?"
"Isa pang luh bakit mo, papatayin ko na to!"
"Luh?! Baaaakit?!--"
Call ended!!
Bwesit..(-_-)#
Binulsa ko na ang cellphone tsaka ko sinuklib ang bag at bumaba na. Nasa hagdan palang ay Amoy ko parin ang nakapabangong usok mula sa kusina. Pumunta na ko ng dining area at umupo sa aking silya. Rinig ko pa ang pagkanta ni bailey sa kusina habang nagpriprito ng something.
BINABASA MO ANG
Game of Love (Kathniel And Jadine Story)
Fanfiction~ang pagibig parang laro, minsan talo, minsan panalo..kahit pagod na sige parin basta sa mahal mo.. ..pero darating kaya ang araw na susuko nalang sya? yung hindi na nya kaya, kaya iiyak nalang sya? ***** Dont plagiarize my work! :)